Nena Ang Spirit Detective 7



"Si Nena At Ang Ligaw Na Espirito"
By: @pinoycreator

Continuation...

Successful ang pagtrap ni Nena sa halimaw na pusa. Ito ay nagpupumiglas para makatakas sa spirit trap ni Nena.

Nena: "Haaay. Nahuli din kita. Mejo makunat din ang balat mo no? Nakaubos ako ng isang magazine ng spirit ammunition."

Halimaw: "Wraaaahhh!"

Nena: "Okay lang yan. Relax ka lang kasi at wag ka na magpumiglas. Hmmmm.. Ano kayang magandang pangalan mo? (Comment your suggestions) Saka na kita papangalanan.

Maya-maya pa ay kumalma na ang higanteng pusang halimaw.

Nena: "Yaaan. See. Di ba mas ok pag kalmado ka lang . Relax ka lang. Di ako kumakain ng pusa. Eto na ang tamang oras para pumasok sa ibang dimensyon at makipagnegosasyon sa sumapi sayo."

Pumikit si Nena at nag-concentrate.

Nena: "Amulet of Oneness, ibigay mo sakin ang iyong kapangyarihan para makapaunta sa Dimensiyon kung saan naroon ang espiritong sumapi sa pusang ito.

Umilaw ang kwintas ni Nena. Lumiwanag ang paningin ni Nena kahit na ito ay nakapikit. Nakita niya ng maliwanag ang lagusan sa ulo ng higanteng halimaw na pusa. Hinawakan niya ito at ang paligid ay nagsimulang maglakbay patungo sa ibang dimensiyon. Dama ni Nena ang sarap sa pakiramdam na para siyang lumilipad. Ang tunog na kanyang naririnig ay kakaiba tila bumabagal at bumibilis ang tunog.

Ilang saglit pa ay mas bumilis ang paglalakbay ni Nena. Ang paligid ay nabalot ng ibat-ibang kulay at ang tunog ng kanyang paglalakbay ay bumilis na parang nakasakay sa mabilis na sasakyan. Gustong-gusto ni Nena ang ganitong paglalakbay. Para sa kanya, walang makakapantay sa kahit anong rides sa Earth sa paglalakbay niya patungo sa ibang Dimensiyon.

Pagkatapos ng ilang minuto, si Nena ay nakarating na sa Dimensiyon kung saan nakakulong ang espiritong sumapi sa pusa. Ang lugar ay ang maayos at mapayapang anyo ng haunted house at napakaliwanag ng buong paligid. Maya-maya ay may boses ng lalake na bilang tumawag mula sa taas na parte ng bahay.

Di pa kilala: "Elaine?? Elaine, ikaw ba yan?"

Nasorpresa si Nena dahil naramdaman kaagad ng di pa kilalang espirito ang kanyang presensya. Napangiti si Nena na may pagkakampanteng pakiramdam. Agad siyang umakyat sa taas na bahagi ng tahanan.

Nakangiting nakasalubong ang di pa kilalang espirito kay Nena pag-akyat niya sa taas. Ngunit biglang nawala ang ngiti nito ng malaman na hindi ang hinahanap niyang Elaine si Nena. Ang espirito ay anyong tao, maaliwalas na di katandaan ang mukha na nakadamit ng puti.

Espirito: "Akala ko si Elaine na."
Nena: "Hello, magandang umaga ho! Ako po si Nena."
Espirito: "Kaibigan ka ba ni Elaine?"
Nena: "Hindi po. Isa po akong spirit detective. At nandito po ako para sa inyo. Nandito po ako para tulungan kayo."

Naglakad ang espirito palabas sa terrace ng bahay at tumingin ito sa araw. Sumunod si Nena sa kanya at tumingin din siya sa araw. Napansin ni Nena ang araw ay unti-unti nang kinakain na kadiliman.

Espirito: "Matagal ko nang gustong makasama ang anak ko."

Tumulo bigla ang luha ng espirito habang nagkukwento.

Espirito: "Simula pa ng maliit siya, napakasaya ko bawat sandali na kasama ko siya. Sariwang-sariwa parin sa ala-ala ko ang bawat minuto naming magkasama. Kahit napakakulit niya ay ayos lang sa akin. Naging matigas ang puso niya simula ng mawala ang kanyang ina, na aking asawa."

Espirito: "Dahil sa akin kung bakit kami nagkahiwalay ng landas. Ibinigay ko naman lahat ng makakaya ko pero hindi parin iyon sapat para sa pinapangarap kong isang buong pamilya."

Espirito: "Hanggang sa dumating yung araw na bigla nalang siyang nawala sa piling ko. Siya nalang yung tanging pinagkukunan ko ng lakas para harapin ang bagong umaga. Masama ang loob niya sakin dahil sa kakulangan ko para sa kanila. Lumipas ang panahon, nabuhay akong mag-isa. Hanggang sa... Eto nandito ako sa walang hanggang umaga, umaaasa parin na darating siya dito."

Espirito: "Unti-unti naring dumidilim sa lugar na ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag tuluyan nang lamunin ng kadiliman ang araw."

Espirito: "Paano mo ba ko matutulungan, anak?"

Napangiti si Nena at tumingin sa malungkot na mga mata ng espirito.

Nena: ”Tapos na po ang paghihintay niyo tay. Pupuntahan po natin ang inyong anak. Magtiwala po kayo sakin, dahil ito po ang aking misyon kung bakit ako nandito."

Espirito: "Talaga ba iha? Makakasama ko na bang muli ang aking anak?"
Nena: "Opo!" (Nakangiting sagot ni Nena)
Espirito: "Oh sige. Halika na!"
Nena: "Ipikit niyo po ang inyong mga mata at isipin yung pinakamasaya ninyong ala-ala kasama sila."

Ipinikit ng espirito ang kanyang mga mata at sinimulan nitong alalanin ang pinakamasayang ala-ala ng kanyang mag-ina. Hinawakan ni Nena ang noo ng espirito at pumikit.

Nena: "Amulet of Oneness muli mo saking ibigay ang iyong kapangyarihan para maglakbay sa ibang Dimensiyon. Gabayan mo kami patungo sa ala-ala ng espirito."

Nabalot bigla ang dalawa ng malakas na enerhiya at ang paligid ay unti-unting nabasag na parang salamin. Ilang saglit pa ay ang paligid ay tuluyan nang nagiba at nabasag. Naging makulay ang paligid habang ang dalawa ay nakapikit at naglalakbay patungo sa ala-ala ng espirito.

Naramdaman ni Nena ang kakaibang sigla sa puso ng espirito at biglang bumilis ang mga tunog ng paglalakbay na kanilang naririnig. Ang paligid ay mabilis ding nagbabago ang mga kulay hanggang sila ay makarating sa isang pasyalang park. Naging mapayapa ang paligid at inalis na ni Nena ang kanyang kamay sa ulo mg espirito. Idinilat ni Nena ang kanyang mata at namangha siya sa ganda ng lugar.

Napakasaya ng lugar at maraming naglalarong mga bata dito kasama ang kanilang mga magulang. Nakangiting timingin si Nena sa espirito. Napansin ni Nena na bumata ang itsura nito.

Nena: "Nandito na po tayo. Idilat niyo na po ang inyong mata."

Idinilat ng espirito ang kanyang mata.

Espirito: "Teka! Alam ko 'tong lugar na ito."

Kinapa ng espirito ang sarili niyang mukha at katawan at ito ay namangha sa mga nangyari. Tumingin sa paligid ang espirito at sobrang excited ito. Agad itong tumakbo patungo sa paborito nilang lugar tuwing sila ay namamasyal dito. Habang tumatakbo papalapit ang espirito patungo sa kanyang mag-ina ay napasigaw ito sa tuwa.

Espirito: "Maaaaa!! Elaine anak! Nandito na ako."

Niyakap ng espirito ang kanyang mag-ina at ito ay tuwang-tuwa. Ganun din ang mag-ina nito. Sabik na sabik na hinalikan ng espirito ang kanyang asawa na parang wala ng bukas. Matapos ay kinarga niya ang kanyang anak na si Elaine at itinaas niya ito at sila ay tuwang- tuwang nagtatawanan.

Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ni Nena habang pinagmamasdan niya ang pamilya.

Tumingin ang espirito kay nena at ito ay nag-okay sign.

Espirito: "Salamat! Maraming salamat!" (Masiglang nagpasalamat ang espirito.)

Ngumiti si Nena sa tatlo at siya ay nag-okay sign. Ang tatlo naman ay ngumiting pabalik sa kanya. Hindi na niya kinausap ang pamilya dahil alam niya na mapayapa na ang espirito.

Nena: "Ang sarap sa pakiramdam. Di matutumbasan."

Tumalikod na si Nena at unti-unti siyang naglakad papalayo sa park.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5