Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo 10, 2021

Nena Ang Spirit Detective 46

Imahe
"Ang Kapangyarihan ng Prinsipe ng mga Engkanto" Nabahala si Nena sa sinabi ng prinsipe at bigla rin nyang naalala ang mga pinag-aralan nya sa mahika. Nena (sa isip): May punto nga sya.. chapter 13 ng libro ng engkanto.. walang maaaring makalabas sa teritoryo ng kaharian ng engkanto kundi pahintulutan ng pinuno nito. Tanging ang pinuno lamang ang nakagagawa ng lagusan patungo sa ibang mundo. Nena (sa isip): Eh pano nakapasok si Ming? Ah! Dahil sa aming amulet. Pero tanging ang may higit pang lebel ng mahika sa pinuno ng engkanto ang makakagawa noon. Edi ibig sabihin ay mataas na mahika ang kayang gawin ni Ming. Pano na to?! Prinsipe Leonard: Ano sa palagay mo mahal na prinsesa? Sige bibigyan pa kita ng panahon para makapag-isip. Haha! Dahil yan na ang mga huling sandali mo para gamitin ang sarili mong pag-iisip. Pinanghinaan ng loob si Nena pero pilit nya paring maging matapang sa kinakaharap na suliranin. Nena: Ahhh! Hah?! Alam mo makakaalis ako dito kahit kelan ko gust