Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo 26, 2021

Nena Ang Spirit Detective 47

Imahe
 "Ang Tagapaghatid" Lubhang guminhawa ang pakiramdam ni Nena. Ani mo'y naglalakbay patungo sa isang paraiso. Ang mga kulay ng bahaghari ay nakapalibot sa buong paligid at di nya mapigilan ang sarili kundi sumunod sa agos ng ginhawang kanyang nararamdaman.  Ang pag-aalala ni Nena kung umipekto ba ang spell na kanyang ipinataw sa prinsipe ay biglang naglahong parang bula. Ipinikit nya ang kanyang mata at hinayaan nalang ang agos ng kapayapaang kanyang tinatamasa. Unti-unting nabubuo ang isang tunog na tila kahol ng aso. Sumagi sa isip ni Nena ang kanyang alagang asong si Bogart na nawala nung sya'y nagsisimula pa lamang mag-aral ng mahika. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nabuo ang kahol ng aso na kagaya sa kanyang alaga. Nena: Huh? Bogart? Iminulat ni Nena ang kanyang mata pero wala syang makita kundi ang liwanag at nagkalat na kulay ng bahaghari sa paligid. Maya-maya ay unti-unting nabubuo ang paligid kung nasaan sya. Nakita nya ang alagang aso na si Bogart papalabas s