Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo 24, 2021

Nena Ang Spirit Detective 45

Imahe
"Ang Engkanto Ng Mga Baging" Nakatingin sa kanyang harapan ang alaga at lumikha ito ng isang protective barrier. Unti-unting lumaki ang barrier at napalibutan silang dalawa. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Nena. Napatayo si Nena at pinagmasdan ang barrier. Nena: Huh? Ano to? Ming? Ming: Meow... Nena: Salamat. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Ming: ... Nena: Pwede mo na tanggalin ang barrier. Kailangan ko nang magpalit ng damit at inaantay na tayo ng mahal na prinsipe. Ming: ... Nena: Ming! Tanggalin mo na ang barrier. Ming: ... Nena: Ming! Ano ba! Tanggalin mo na ang barrier. Biglang umatake si Ming gamit ang ulo sa tiyan ni Nena at biglang nasuka ang dalaga. Nagulat si Nena sa kanyang nakita. Nena: Pweeehhh... Yuck ano to? Ming: Meow! Nena: Puro bulate at uod, Ullkk... Nandiri si Nena sa kanyang nakita kaya mas lalo syang nasuka. Nena: Uulllkkk... Sinasabi ko na eh! Too good to be true! Too good to be true, Nena. Antanga-tanga mo! Ullkkk... Kumato