Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2019

Nena Ang Spirit Detective 28

Imahe
Continuation... "Ang Pagtatalo Sa Halimaw" By: @pinoycreator Nagpadala ang Spirit World Headquarters ng back- up troops sa area pero hindi nila dala ang truck service na ni-request ni Nena. Tumawag din ang headquarters sa Spirit Detective Organization Division 24 para magpadala ng isang Rank A spirit detective sa area. Bumaba sa isang high-end car ang kapitan ng tropang pinadala ng headquarters. Agad din nagbabaan ang mga troops na armado ng mga baril. Maangas na naglalakad papalapit kay Nena ang kapitan ng mga tropa na si Captain Arvin. Pinalibutan ng mga tropa ng headquarters ang halimaw at tinutukan ito ng baril. Nena: Sandaleeee!!!! Walang magpapaputok!!! Ibaba nyo mga armas nyo!  Sumenyas ang kapitan sa kanyang mga tropa na walang magpapaputok. Capt. Arvin: Hmmm... Buhay pa yang halimaw kailangan nating tapusin yan. Ano ang dahilan mo para wag magpaputok? Napatingin si Nena kay Capt. Arvin at napansin nya ang badge nito kaya alam nya na sya

Nena Ang Spirit Detective 27

Imahe
Continuation... "Ang Pagmamahal Ng Isang Magulang" By: @pinoycreator Nag-umapaw sa galit ang dambuhalang halimaw ng matamaan ito sa kahinaan nito. Nagpakawala ng hampas gamit ang mga kamay nito kay Rudy na iniwasan ni Rudy ng matagumpay. Nagkandawasak-wasak ang sahig dahil sa mga pinakawalang hampas ng halimaw. Lumakad si Nena papunta sa dalawa habang naka-on ang kanyang Dimensiyon Instincts. Matapos magpakawala ng halimaw ng mga hampas ay lumapit si Rudy sa may dibdib ng kalaban at nagpakawala ng isang malakas na spirit punch! TggggssSshh! Napa-atras ang halimaw. Halimaw: WwwrraaAahh!!! Rudy: Hahaha! Masakit ba? Akala ko ba matibay ka ha? Malapit nang mag-end ang spirit body armor ni Rudy ng biglang nagpakawala ng isang mabigat na hampas ang halimaw gamit ang dalawa sa apat na kamay nito. Di napaghandaan ni Rudy ang pag-atake kaya naman sinalo nya ang mga kamay ng halimaw. Halimaw: WWWwwrrraaaahhh!!! Hindi na-damage si Rudy dahil siya ay protektado pa ng kany

Nena Ang Spirit Detective 26

Imahe
Continuation... "Ang Bakbakan Sa Narra Street" By: @pinoycreator Isang tawag mula kay Marjorie ang nagpatigil sa pagiyak ni Nena. Phone Call: Nena: (Humikbi at humingang malalim) Hello? Marjorie: Balik kayo dito kailangan ko n backup! Nena: (Pinunasan ang luha gamit ang kamay) Ehhhm. Sige copy. Marjorie: Okay. Binaba agad ni Marjorie ang phone call matapos nyang humingi ng backup kila Nena. Narra Street Scene: BOOOM! Humampas ang kamay ng higanteng kakaibang nilalalang sa lupa at agad iniwasan ni Marjorie ang pagatake ng higanteng halimaw. Dumistansya si Marjorie sa halimaw at nagpakawala ng mga arrow shot gamit ang spirit bow nito na may spirit power sa mga palaso nito. Ang mga palaso ay di bumabaon sa halimaw. Marjorie: Aaah! Kainis naman! Di ko man lang ma-damage tong halimaw na to! KABOOM! Muling humampas ang malakas na pagatake ng halimaw sa lupa! Naiwasan ni Marjorie ang atake pero tinamaan sya ng mga batong tumalsik. Marjorie: Ouch! Agad syan

Nena Ang Spirit Detective 25

Imahe
Continuation... "Di Maunawaang Damdamin" By: @pinoycreator Rudy: I... Ian??? Di Kilala: Tumpak. Ian: Ruuudy. Ikaw pala yan. Nililibang mo parin ba ang sarili mo sa mga pambatang misyon ng organisasyon? Hindi makapaniwala si Nena sa kanyang nakikita dahil nag-iba ng bahagya ang itsura ni Ian. Di maunawaang damdamin ang naramdaman ni Nena ng makita nya si Ian. Rudy: Saan ka nagpunta at anong nangyari sayo? Antgal ka na naming hinahanap e, wala kaming makitang bakas. Anong ginagawa mo dito at sino ang mga kasama mo? Ian: Hmmm... Sabihin na natin na nahanap ko na yung tunay na kaligayahang hinahanap ko. Kontentong kontento na ko sa kung ano ang meron ako ngayon. Biglang nag-alab sa galit ang pakiramdam ni Nena ng marinig nya ang mga sinabi ni Ian. Nena: Anong ibig mong sabihing nahanap mo na ang kaligayahan mo!!! Ian: Teka.. Sino tong kasama mo? (Inayos ang kanyang salamin sa mata) Ian: Hmmm... Hindi to maari. Nena: Bakit hindi! Alam mo bang matagal na kong n

Nena Ang Spirit Detective 24

Imahe
Continuation... "Ang Spirit Power Channeling Ni Rudy" By: @pinoycreator Agad na bumaba si Nena sa motorsiklo at tinanggal ang kanyang helmet. Dinobol check nya ang harapan ng truck kung saan nagpunta ang mga nakaengkwentro nila habang si Rudy naman ay chineck ang container ng truck. Wala na ang mga tao. Tumakbo si Nena papunta sa isang tulay sa harapan ng truck. Paglingon nya sa kaliwa ay pinutukan siya ng 9mm handgun mula sa dulo ng kalsada ng ilalim ng tulay. Agad itong napansin ni Nena kaya agad din syang bumalik sa may truck para umiwas. Tumakbo si Nena sa gilid ng pader. Rudy: Akong bahala sa kanila! Sundan mo ko. Nena: Okay. Agad na tumalon si Rudy sa tulay at wala na ang mga armadong kalalakihan. Sumunod si Nena sa kanya. Pagdating sa dulo ng kalsada ay wala na ang mga kalaban. Sinundan nila ang eskinita. Kumanan sila sa dulo ng nilikuan ng mga kalaban. Nakita ni Rudy na pumasok ang nahuling tauhan sa isang pinto. Tumakbo sila patungo doon. Rudy: Dyan ka m

Nena Ang Spirit Detective 23

Imahe
Continuation... "Engkwentro Sa Distrito Ng Kababalaghan" By: @pinoycreator Briefing Ni Nena at Rudy sa shop ni Tonyo: Rudy: Handa na ang mga kagamitan ko at handa na kong sumabak sa labanan in case na maka-engkwentro natin ang mga gumagawa ng lagusan. Tatlong botelya ng enerhiya na nakapagrerefill ng enerhiya ng katawan, makakatulong sa pag-gamit natin ng ating spiritual powers. Tatlong botelya ng pangunang lunas na makakatulong sa paghilom ng mga damage na maari nating matamo spiritually at physically. Rudy: Isang smoke bomb, na pang-distract sa mga kalaban at dalawang pampasabog na nakapag-dudulot ng matinding spiritual at physical damage. Nasa labas ang aking motorsiklo para sa pag-roroam sa mga distrikto. Dumating si Tonyo dala ang tatlong mainit na tsaa para sa kanila. Tonyo: Heto tikman nyo ang tsaa ng focus. Mas magiging active at focused ang ating utak kapag uminom tayo ng tsaang ito. Nena: Thanks, Ton. Rudy: Hmmm.. Mabango. (Humigop ng konti) at masarap

Nena Ang Spirit Detective 22

Imahe
Continuation... "Ang Misteryosong Mga Lagusan" By: @pinoycreator Nagsimula na sila Nena sa kanilang misyon na hanapin ang nawawalang spirit detective na si Ian. Pinuntahan nila ang mga lugar na pinupuntahan nila ng dating partner ni Ian na si Rudy. Ganun parin. Wala parin silang makitang bakas at clue kung saan napunta si Ian. Nag-research sila sa opisina ng organisasyon kinabukasan. Rudy: Nakapunta ka na ba dito? Nena: Hindi pa po. Rudy: Dito nakatambak ang mga nareretrieve ng mga spirit detectives na pwedeng makapag-link sa mga kaso. Dito din ako madalas mag-research noon. Tingnan natin ngayon kung may makita tayong clue. Nilibot nila ang mga bagay pero tila parang wala ring bakas na pwedeng mag-link sa kaso. Pumasok ang isang Rank B spirit detective na si Marjorie para mag-search din. Marjorie: Hi. Nena: Hi. Marjorie: Ahhh.. may dineposit kayong item or may hinahanap kayo? Nena: Naghahanap kami ng hints na pwedeng makapagbigay information sa kinaroroonan n

Nena Ang Spirit Detective 21

Imahe
Continuation... "Ang Rank A Promotion Ni Nena" By: @pinoycreator Kinabukasan matapos ang successful na plano ni Nena ay pumutok ang balita. Mabilis na umepekto ang Judgement Curse Spell ni Nena kay Don De La Cruz. Marami ang nagulat sa mga nangyari. Dahil sa matagumpay nyang misyon ay tumaas na ang ranggo ni Nena bilang isang spirit detective. Si Nena ay isa na ngayong Rank A spirit detective kung saan mas mahirap na ang mga misyon na pwede nyang trabahuhin. Naisyuhan si Nena ng isang eternal bullet bilang isang reward sa pagtungtong nya sa Rank A. Nakolekta rin ni Nena ang kanyang reward na 150,000 pesos sa matagumpay nyang misyon sa abandonadong hotel. Bumili si Nena ng mga bala para sa kanyang spirit gun pati bago at mas matibay na cellphone. Bumalik din sya sa Spirit World Research and Development para malaman ang resulta ng kanilang pag-aaral sa mahiwagang tela. Napag-alaman ng mga researcher na ang tela ay may kakayanang itago ang spirit at energy-based powers n

Nena Ang Spirit Detective 20

Imahe
Continuation... "BLOODY MARY Judgement Curse" By: @pinoycreator Lumapit si Don De La Cruz kay Nena at sinampal nya ito habang sya ay nakaupo. Nakapikit lang si Nena at hindi umiimik. Hindi nya ininda ang sampal ni Don De La Cruz. Don De La Cruz: Pakelamera kang babae ka! Alam mo bang wala nang nakakaalam ng sikreto ko?! Isa ka nang balakid sakin ngayon at dahil jan, kailangan kitang iligpit. Nena: ... Don De La Cruz: Wag kang mag-alala dahil malinis akong trumabaho. Sisiguraduhin ko na happy ang magiging ending mo dahil napahanga mo parin ako sa talento mo. Nena: No you're not, Mr. George. Don De La Cruz: Ano?! Nena: Walang pera sa mundo ang makapagliligtas sa pasakit at hirap na mararanasan mo dahil sa karumal-dumal na krimeng ginawa mo. Don De La Cruz: Ayaw mo parin talagang tumigil no?! Nena: Wala ka nang magagawa Mr. George kundi tanggapin ang parusang nakapataw sayo. Don De La Cruz: Tsss.. Ahahahaha! Hahahaha! Alam mo ang mabuti pa tigilan na natin t

Nena Ang Spirit Detective 19

Imahe
Continuation... "Ang Negosasyon" By: @pinoycreator Narecover ni Nena ang isang telang itim na mahiwaga ayon sa kanyang paningin. Ang tela ang nagsilbing medium ng black lady. Binigay nya ang mahiwang tela sa spirit world research and development para mapag-aralan at mapakinabangan. Paguwi ni Nena ay inaral niyang mabuti ang mga hakbang na gagawin niya. Nag-background check siya sa kanyang target na si Don George De La Cruz. Confidential ang gagawin niyang hakbang dahil protektado ng kanyang yaman at impluwensiya ang suspect. Kinabukasan ay nagpagawa si Nena sa kanyang kaibigan ng kasulatan na magpapaamin at magpapasuko ng kusa sa suspect sa kanyang ginawang krimen at magdodonate ng mga kayamanan nito sa mga organisasyong tululong sa mga nangangailangan. Habangbuhay na suporta sa naulila ni Mary Anne, at share sa pamilya ng suspect. Napag-alaman ni Nena na isa sa laging pinupuntahan ni Don De La Cruz ay ang kanyang high end underground bar isang beses sa isang linggo.

Nena Ang Spirit Detective 18

Imahe
Continuation... "Ang maitim na sikreto" By: @pinoycreator Nagpumiglas ang black lady sa hypnosis spell cast ni Nena. Pilit nitong nilalabanan ang spell pero nagpakawala pa si Nena ng mas maraming energy para mas lumakas ang pinataw nyang spell sa black lady. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nakontrol ni Nena ang black lady. Tumingin ang black lady sa mga mata ni Nena at ito ay handa nang sumunod sa command ni Nena. Nena: Anong pangalan mo? Black lady: Mary Anne Angeles po. Nena: Ikwento mo ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon. Black lady: Ok naman po ang buhay ko noon. Simula po nung nagtrabaho ako sa golf course bilang assistant ng mga golfers, nagbago po ang lahat. Black lady: Si Don George De La Cruz po ang naging regular guest ko. Sobrang yaman po niya at sobrang makapangyarihan. Nagmamay-ari po siya ng maraming lupain. Malaki po ang naitulong niya sa akin dahil po malaki po siya magbigay ng pera tuwing inaassist ko siya sa twing nag-gogolf siya. Black l

Nena Ang Spirit Detective 17

Imahe
Continuation... "Ang Masamang Espirito" By: @pinoycreator Habang padating pa ang dalawang nilalang papalapit kay Nena, nilagay niya muna ang kanyang spirit gun sa magnetic holder nito at inilapat niya ang kanyang mga palad sa mga papalapit na nilalang. Muli siyang gagamit ng cursing spell sa mga ito, naisipan niya na paglabanin ang dalawa para magkaron siya ng oras na mag-reload ng kanyang baril. Mabilis ang dalawa kaya nagmadali din siya na magisip ng command. Nena: BRUHA KA DAW SABI NIYA! Umipekto ang spell at ang dalawa ay naglaban. Muli, may isa pa at huling nilalang na lumabas mula sa bukas na wall sa may second floor. Agad na nireload ni Nena ang kanyang spirit gun at inasinta ng mabuti ang huling papalapit na nilalang. Pinaputukan niya ito at ito ay tinamaan sa katawan. Ito ay gumagalaw pa kaya muli niya itong pinaputukan at ito ay nawasak na. Habang ang dalawang under sa spell niya ay naglalaban, ginamitan niya ito ng kanyang spirit gun at ang mga ito ay n

Nena Ang Spirit Detective 16

Imahe
Continuation... "Si Nena At Ang Galit Na White Lady" By: @pinoycreator Hindi na sumagot ang white lady sa itaas ng palapag at pumasok nalang ito sa loob ng building. Lumapit si Nena sa may building at inilabas niya ang kanyang spirit gun. Dahan-dahan niyang inakyat ang hagdanan papunta sa entrance ng building. Habang siya ay naglalakad papasok sa entrance ng abandonadong hotel, napansin niya na may mga nagkalat na buhok. Sumandal siya sa kanto ng pader malapit sa entrance ng hotel. Bigla niyang itinutok ang kanyang spirit gun sa entrance ng hotel. Wala doon ang white lady. Pumasok siya sa sirang entrance ng hotel at hinanap niya ang white lady. Nena: Kaya nyang itago ang lokasyon niya.. mukang di ito isang ordinaryong multo. Naglakad si Nena sa kaliwang entrance papunta sa gitnang bahagi ng unang palapag ng hotel. Sa bandang gitna ng lobby, biglang lumitaw ang white lady. White lady: Gusto.. mong.. makipagla.. ro? Nena: Oo. Biglang bumulusok sa direksyon kung n