Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2021

Nena Ang Spirit Detective 45

Imahe
"Ang Engkanto Ng Mga Baging" Nakatingin sa kanyang harapan ang alaga at lumikha ito ng isang protective barrier. Unti-unting lumaki ang barrier at napalibutan silang dalawa. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Nena. Napatayo si Nena at pinagmasdan ang barrier. Nena: Huh? Ano to? Ming? Ming: Meow... Nena: Salamat. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Ming: ... Nena: Pwede mo na tanggalin ang barrier. Kailangan ko nang magpalit ng damit at inaantay na tayo ng mahal na prinsipe. Ming: ... Nena: Ming! Tanggalin mo na ang barrier. Ming: ... Nena: Ming! Ano ba! Tanggalin mo na ang barrier. Biglang umatake si Ming gamit ang ulo sa tiyan ni Nena at biglang nasuka ang dalaga. Nagulat si Nena sa kanyang nakita. Nena: Pweeehhh... Yuck ano to? Ming: Meow! Nena: Puro bulate at uod, Ullkk... Nandiri si Nena sa kanyang nakita kaya mas lalo syang nasuka. Nena: Uulllkkk... Sinasabi ko na eh! Too good to be true! Too good to be true, Nena. Antanga-tanga mo! Ullkkk... Kumato

Nena Ang Spirit Detective 44

Imahe
"Love At First Sight" Sa isang madilim na kakahuyan, ibinaba si Nena ng mga buhay na baging at dali-daling naglaho ang mga ito. Nena: Huh? Nasan na ko? Naglakad dahan-dahan si Nena pinapakiramdaman ang mga bagay sa kanyang paligid. Bigla nalang syang may naamoy na pamilyar na pabango. Nena: Huh? Teka kilala ko yung pabango na yun ah. Yun ang... Paboritong pabango ni Ian. Bigla nalang nag-liwanag ang mga ilaw sa poste. Napansin ni Nena na unti-unting naglalaho ang halimuyak ng pabango kaya naman tumakbo ito para habulin ang pinanggagalingan ng amoy. May napansin sya na isang pulang liwanag at dali-dali syang tumakbo patungo dun. Pagdating nya ay nagulat sya sa kanyang nakita. Isang dambuhalang nilalang na may katawan ng liyon at ulo ng nakakatakot na maskara na may nanlilisik na pulang mata. Tumingin kay Nena ang nilalang at gigil na gigil ang boses nito na tila gustong lamunin ng buo ang dalaga. Nena: Hops! Wag kang lalapit.. Binunot ni Nena ang kanyang spirit gun at