Nena Ang Spirit Detective 14

Continuation...
"Bill, Ang Batang Spirit Detective"
By: @pinoycreator

Pagkatapos mag-lunch nila Nena at Bill sinimulan na nilang pag-usapan ang mga katanungan ni Nena.

Bill: "Busog! Ansarap talagang kumain dito sa Kainan Sa Hardin."
Nena: "Oo nga eh. Masasarap talaga mga pagkain dito."
Bill: "Ano na nga po pala itatanong nyo?"
Nena: "Hmmm. Ganito kasi yun. Habang off-mission ako, naaksidente ako. Tapos pakiramdam ko nagblack-out talaga ako. Pakiramdam ko namatay ako e. Muntikan nang i-consume ng maligno at espirito ko, buti nalang sinagip ako ng alaga kong si Ming sa ibang Dimensiyon.

Nena: "Pagbalik ko sa ating Dimensiyon, hindi ko makontrol ang sarili ko. Parang may nag-control sakin. Nagkaron din ako ng kakaibang abilities para talunin yung maligno sa ating Dimensiyon. Tapos.. ayun nakabalik na ko sa sarili kong katawan."

Bill: "Abilities yun ng alaga mong si Ming. At sa tingin ko po, spirit fusion ang nangyari. Dominante nga lang po si Ming. First time niyo pong ma-experience yun, tama?"

Nena: Oo first time nangyari sakin yun.
Bill: May libro po ako sa bahay na makakatulong para malaman niyo yung paano masterin ang spirit fusion. Marami din po kayong matututunang abilities dun depende po sa kung ano ang kakayanan niyo.
Nena: More on Dimensiyon shifting kasi abilities ko. Ahh.. Ikaw pala anong talents mo?
Bill: Hmmm.. eto po.

Pinatunog ni Bill ang kanyang daliri at nawalan bigla ng kuryente. Nagtaka lahat ng nasa restaurant. Pagkalipas ng ilang sigundo, pinatunog niya uli ang kanyang daliri at bumalik ang kuryente sa restaurant. Nagtaka ang mga tao sa restaurant.

Bill: May maganda po akong commands sa electricity.

Namangha si Nena.

Nena: Wow! Ang galing!
Bill: Lately ko lang po nadevelop ang electricity skills ko. More on martial arts training po ang madalas naming pag-aralan ng master ko. Nadevelop ko nalang po sa sarili ko ang electricity pero sabi daw po nila, inborn na po sakin ang talent kong yun. Malaki rin naitulong sakin nung libro para sa basic knowledge about energy.

Bill: Kinailangan ko lang po na i-rescue ang papa ko pati ang master ko matapos silang atakihin ng nilalang na galing sa ibang Dimensiyon, kaya napilitan po akong sumabak sa napakadelikadong misyon para kunin yung gamot na lumason sa katawan nila. Sinubukan ko lang po itong spirit detective at dahil po sa experience ko pati narin sa talent ko, nilagay kagad nila ako sa Rank A.

Nena: Oh kamusta na papa at master mo?
Bill: ok na po sila ngayon.
Nena: ok. Mabuti naman.
Bill: ibigay niyo nalang po sakin yung address niyo at ipapadeliver ko nalang yung libro.
Nena: Ah. Okay lang ba? Baka kailanganin mo pa yung libro?
Bill: Sa ngayon po hindi ko pa siya ginagamit. Isoli niyo nalang sakin pag kailanganin ko.
Nena: ... Thank you ha.
Bill: Wala po yun. Tayo-tayo rin pong mga spirit detective ang magtutulungan para sa isa't isa. At di naman po ako madamot pagdating sa kaalaman.

Nena: Naeexcite tuloy ako sa laman ng libro.
Bill: Ay oo nga po pala, ibang klaseng mga letra at lengwahe ang nakasulat dun. Kakailanganin niyo po siyang gamitan ng basic dimensiyon eyes para matranslate sa kung anong lengwahe at letra na gusto nyo.
Nena: Okay. Kayang-kaya naman yun. Hihi.

Bill: San po pala galing si Ming?
Nena: Ah... Sa isang misyon na na-accomplished ko. Naawa ako sa kanya kasi siya yung sinapian nung hindi matahimik na espirito. Eto siya o.

Pinakita ni Nena si Ming na nasa bag at tulog.

Bill: Ahhh.. okay. Isa po pala siyang pusa. Pero muka po siyang galing ng ibang dimensiyon. At ang pagkakaalam ko may dapat nagturo sa kanya bago niya magawa yung mga bagay na ikwinento nyo.
Nena: Di ko lang sure. Pero ganun din ang tingin ko sa kanya. Di siya mukang ordinaryong pusa lang. Saan kaya siya nanggaling?
Bill: Marami nadin kasing nagkalat na mga talented creatures dito sa dimensiyon natin na kayang gumawa ng lagusan at papasukin ang ibang creatures sa mundo natin.

Nena: Pero sigurado ako na mabait at protective siya sa akin. Nakuu... Pasalamat nalang talaga ako at na-meet ko siya. Kung hindi siguro ay baka dedz na talaga ako.
Bill: Oo nga po eh.
Nena: Ahh.. May gusto ka pa bang kainin?
Bill: Sobrang busog na ko te.
Nena: Ok sige ako na bahala sa bill natin.
Bill: Ah.. Hati nalang po tayo.
Nena: Wag na. Ako na.
Bill: Osige po. May iba pa po ba kayong tanong?
Nena: Wala na. Thank you ha.
Bill: Basta pag may tanong po kayo, chat nyo lang po ako.
Nena: Okay.

Matapos ang meeting nila ay ipinadeliver kaagad ni Bill ang libro na sinasabi niya sa address na binigay ni Nena. Natanggap din naman kaagad ni Nena ang libro nung araw narin na yun. Excited na si Nena para basahin ang nilalaman ng libro.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

  1. Wow, this paragraph is nice, my younger sister is analyzing such things,
    thus I am going to let know her.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 5