Nena Ang Spirit Detective 19

Continuation...
"Ang Negosasyon"
By: @pinoycreator

Narecover ni Nena ang isang telang itim na mahiwaga ayon sa kanyang paningin. Ang tela ang nagsilbing medium ng black lady. Binigay nya ang mahiwang tela sa spirit world research and development para mapag-aralan at mapakinabangan. Paguwi ni Nena ay inaral niyang mabuti ang mga hakbang na gagawin niya. Nag-background check siya sa kanyang target na si Don George De La Cruz. Confidential ang gagawin niyang hakbang dahil protektado ng kanyang yaman at impluwensiya ang suspect.

Kinabukasan ay nagpagawa si Nena sa kanyang kaibigan ng kasulatan na magpapaamin at magpapasuko ng kusa sa suspect sa kanyang ginawang krimen at magdodonate ng mga kayamanan nito sa mga organisasyong tululong sa mga nangangailangan. Habangbuhay na suporta sa naulila ni Mary Anne, at share sa pamilya ng suspect.

Napag-alaman ni Nena na isa sa laging pinupuntahan ni Don De La Cruz ay ang kanyang high end underground bar isang beses sa isang linggo. Kaya naman nagprepare si Nena para mag-disguise at magkaroon ng chance na makausap ang suspect. Nung hapon ng araw na yun ay nagrehearse si Nena ng kanyang paboritong sayaw at hinanda niya ang kanyang mga gamit para sa pagpunta niya sa high end bar.

Kinabukasan ng gabi ay handa na si Nena para sa kanyang mga plano. Nag-book sya ng car papunta sa bar. Dala ni Nena sa kanyang bag ang kasulatan na lilimas sa kayamanan ng suspect at pati ang isang maliit na envelope. Pagdating nya sa bar ay napansin nya na napakahigpit ng security. Hindi basta-basta nagpapapasok ng guest sa bar kaya nagpanggap siya bilang isang dancer.

Pinaderetsyo sya ng security sa dressing room kung saan naroon ang talent manager at ang iba pang mga entertainers. Kinausap nya ang talent manager at ginamitan nya ng mahinang klaseng hipnotismo para makapag-perform ng gabing iyon. Habang naghihintay, nagmatyag sya sa paligid para hanapin si Don De La Cruz. Napakaraming tao sa bar kaya hindi nya makita kung saan naroon ang suspect.

Nena: Di ko sya makita. Hmmm.. siguro ako nalang ang dapat nyang makita.

Ilang saglit pa ay tinawag na ang screen name ni Nena na "Luna" para magperform sa stage. Agaw atensyon ang kakaibang sayaw ni Nena. Pinaghalo nya ang ibat-ibang elemento ng arts para makagawa ng kakaibang dance act sa stage. Nabuhay ang crowd at nagsisigawan ang mga ito. Napansin yun ng isang lalaking nakaupo sa VIP room at sya ay lumabas para makita ang sayaw.

Nang matapos ang sayaw ni Nena, naghihiyawan ang mga tao. Agad namang bumalik si Nena sa backstage para kunin ang kanyang bag.

Security: Miss, sumama po kayo sakin.
Nena: Bakit po?
Security: Pinapatawag po kayo ni Boss.
Nena: Sige. Sino bang boss yan?
Security: Basta sumama nalang po kayo.

Pumunta si Nena kasama ang mga security papunta sa VIP room. Pagpasok ni Nena ay nandon sa loob ang kanyang target na si Don De La Cruz kasama ang mga kaibigan nito.

Don De La Cruz: Fantastic! That was an amazing act! I've never seen anything like that.

Ngumiti lang si Nena at umupo sa isang upuan.

Don De La Cruz: Do you like anything to drink.
Nena: Nah, I'm fine. Actually I'd like to be with you... Alone.
Don De La Cruz: Ohhh... I see. Guys please leave us for the moment.

Nag-alisan ang mga kasama ni Don De La Cruz at naiwan sa VIP room si Nena at ang mayamang negosyanteng suspect. Bago sila mag-usap ni Don De La Cruz, in-on ni Nena ang kanyang sound recorder para mai-record ang kanilang usapan.

Don De La Cruz: So.. what's ur name again?
Nena: Luna.
Don De La Cruz: Haha. I'm asking your real name?
Nena: Meanne.
Don De La Cruz: Ohhhh...

Natigilan sa pagsasalita si Don De La Cruz nang marinig nya ang pangalang Meanne na nickname ni Mary Anne.

Nena: Why? Is there something wrong?
Don De La Cruz: Nah... I'm just... Nothing.
Nena: Okay ka lang?
Don De La Cruz: Oo.. may naalala lang ako bigla. Ah.. sigurado ka bang wala kang gusto? Food? Drink? Or anything?
Nena: Actually meron.
Don De La Cruz: (Napangiti) Okay tell me anything you want?
Nena: Ang pirma mo.
Don De La Cruz: Huh? For what?

Naging seryoso bigla ang muka ni Nena.

Nena: Para sa pag-amin mo krimeng ginawa mo kay Mary Anne Angeles at kusang pagsuko sa batas pati na ang pag-donate mo ng lahat ng yong kayamanan sa mga foundations. Ang mga lupain mo ay mapupunta sa gobyerno para i-auction sa ibang investors. Habang buhay na tulong pinansyal sa naulila ng biktima at share sa iyong pamilya.

Nagulat si Don De La Cruz sa mga sinabi ni Nena.

Don De La Cruz: Ah... Ahahahaha! You're crazy! Alam mo ba ang mga pinagsasasabi mo? Kilala mo ba ako?
Don De La Cruz: Sinong nagpadala sayo rito? So ayan pala ang pakay mo? Magaling.. magaling. (Napapalakpak si Don De La Cruz)
Nena: ...
Don De La Cruz: Alam mo Luna.. Meanne or whatever your name is.. wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo. Pwede kitang kasuhan sa mga ibinibintang mo sakin e wala ka namang ibidensya.

Don De La Cruz: Kung yan lang ang pinunta mo dito, makakaalis ka na.
Nena: ... Di ako aalis dito hanggat di ka pumupirma dito sa mga papeles na dala ko. Binibigyan kita ng magandang pagkakataon. Pagdusahan mo ang kasalanang ginawa mo sa kulungan.

Don De La Cruz: Makulit ka rin eh, ano? Alam mo ba kung nasan ka ngayon?
Nena: ...
Don De La Cruz: Alam mo bang pwedeng pwede kitang tirisin ngayon na parang kuto kung hindi ka titigil sa mga ibinibintang mo sakin? Naiinis na ko ha! Gusto mo bang igaya kita dyan sa sinasabi mong Mary Anne!? Alam mo ba kung ano ang kaya kong gawin!?
Nena: Actually, yes. Kaya nga kinakausap kita ng maayos ngayon para pirmahan mo na tong mga papeles at tapos na tayo. Ok?

Kinalampag ni Don De La Cruz ang mesa sa kanyang galit.

Don De La Cruz: Inaasar mo ba ako?!!! Ha!
Nena: ...

Nanahimik lang si Nena habang nakatingin sa malayo.

Nena: Alam mo Mr. George. (Sabay tingin kay Don De La Cruz) Lahat ng bagay na inutang mo ay may kapalit. Kung buhay ang inutang mo, buhay din ang kapalit. Maswerte ka na nga ngayon dahil wala nang death penalty. Mabubuhay ka parin. Sa kulungan nga lang at walang magiging special treatment kasi lilimasin ng papeles na to ang kayamanan mo. That's the best choice na nakikita ko para sayo. Simple lang naman ang gusto ko eh, aminin mo lang ang kasalanan mo and then you can do whatever you like.

Don De La Cruz: Hahahaha! Baliw talaga baliw! Sige! Kapag inamin ko sayo na ako ang pumatay kay Mary Anne Angeles, nakakasiguro ka bang makakalabas ka dito ng buhay?!

Nena: Gaya ng sabi ko sayo, aminin mo lang na ikaw ang pumatay, kahit anong gusto mong gawin magagawa mo.

Don De La Cruz: Oo! Ako ang pumatay kay Mary Anne Angeles! Ibinaon ko sya sa ilalim ng hotel ko at ngayon ay naagnas nang bangkay dahil kagaya mo siya! Matigas ang ulo! Ayaw sumunod sa mga gusto ko!

Tumayo bigla si Don De La Cruz sa kanyang kinauupuan at balak nitong lumapit kay Nena.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5