Nena ang spirit detective 8

Continuation...
Nena ang spirit detective 8
By: @pinoycreator

Matapos ang tagumpay na pag-gabay ni Nena sa ligaw na espirito, siya ay nakabalik na sa Dimensiyon ng mundo. Ang itim na pusa ay hinang-hina at walang malay.

Nena: "Pasensya ka na at late ako nakapunta para i-rescue ka. Hmm.. iba din talaga ang itsura mo kumpara sa mga normal na pusa e noh? Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Tatawagin kitang Ming."

isinama ni Nena si Ming sa kanilang Condo. At siya na ang nag-alaga dito. Kinabukasan ng umaga ay nag-online si Nena sa apps na gamit niya para sa kanyang freelance job. Minark as "completed" niya ang kanyang project para sa mag-asawang Bright. Nag-iwan din siya ng note sa kanila na "Mission accomolished po. Please observe the place for 9 days."

Makalipas ang ilang oras. Na-receive na ni Nena ang full payment sa kanya ng mag-asawang Bright sa kanyang mobile wallet. Sa loob ng tatlong araw, inalagaan ni Nena si Ming hanggang sa ito ay naka-recover ng tuluyan. Chineck ni Nena ang kanyang profile bilang isang spirit detective at napansin niya na malapit nang tumaas an kanyang ranggo. Nakita niya rin na may reward na naghihintay para sa kanya galing sa kanilang organisasyon sa pagtapos niya sa "haunted house mission".

Bumisita si Nena sa kanilang organisasyon at tinanggap ang "astral amulet" na kanyang reward.

Nena: "Wow! Kung di ako nagkakamali, mas maraming Dimensiyon na ang kaya kong puntahan gamit ang amulet na ito."

Kapitan: "Tama ka jan. Kailangan maging aware ka rin na mas malalakas na espirito ang maari mong ma-encounter. Kaya dapat lang na mas mataas na level ng armas ang iyong dadalhin."

Nena: "Aware ako jan Cap! Dederetsyo ako sa armory para i-upgrade ang aking spirit gun sa mas mataas na kalibre."

Tinanggal na ni Nena ang kanyang "amulet of oneness" at isinuot na niya ang kanyang reward na "astral amulet".

Nena: "Hmmm... Bagay siguro kay Ming, itong amulet of oneness. Sa kanya ko nalang ito ibibigay."

Sa armory, in-upgrade ni Nena ang kanyang spirit gun sa mas mataas na kalibre. Mas malakas na damage na ang kayang idulot nito sa target. Tinesting niya ito sa target shooting at halos tumilapon ang kanyang spirit gun sa kanyang kamay. Halos mawasak din ang spirit dummy na kanyang target.

Nena: "Grabe! Anlakas naman neto. Kakailanganin ko pa ng ensayo para mamaster ko tong kalibreng to.

In-charge: "Dalawang kamay talaga ang gamit ng mga nasa kalibreng yan, mam. Pero sa kalibreng yan lang maaring gamitin ang eternal bullet."

Nena: "Hmmm... Ang one-shot bullet na kayang tumapos sa espirito, tama ba?"

In-charge: "Yes po. Ang eternal bullet po ay para lamang sa mga rank A na spirit detective. At isa lang po ang pwede naming i-issue sa mga rank A. In case lang po talaga ng kagipitan dapat gamitin ang eternal bullet."

Nena: "Ahh. Okay thanks sa info."

Tinapos ni Nena ang kanyang target shooting. Inubos niya ang tatlong magazine at na-master niya na rin ang mataas na kalibre ng spirit gun. Isinwap niya yung dalawang natitira niyang spirit ammunition sa mas mataas na kalibre at sinettle niya ang kanyang bill sa lahat ng upgrades na ginawa niya.

Dumiretsio si Nena sa mall para bumili ng electric scooter. Binili niya ang magandang klaseng electric scooter at isang helmet para sa kanya. Pauwi siyang nag-electric scooter.

Nena: "Hi, Miiiing! Namiss kita kagad.
Ming: " Meow!" (Naglambing sa paanan ni Nena ang itim na pusa.)
Nena: "Gutom na ang bebe ko noh? Sige kain ka na ng favorite mong isda."

Habang kumakain si Ming, nakatanggap ng tawag si Nena galing sa reception ng Condo.

Receptionist: "We received a parcel for you from Mr. Tonyo."
Nena: " Huuwaaatt?? Really? Ano naman kaya yun? Sige po padala nalang."
Receptionist: "Okay. Have a good day, mam!"
Nena: "Have a good day, thank you!"

Agad agad binuksan ni Nena ang parcel at ito ay isang box ng health juice drink.

Nena: "Hmmm... Gusto ko to ah. Parang kinikilig tuloy ako. Pero bawal. Thanks nalang Tonying. Don't worry iinumin ko to."

Nagpahinga si Nena sa kanyang higaan at nag-check ng messages. Nag-browse siya ng mga mission na pwede niyang puntahan. Excited siya na malapit na siyang maging Rank A. Nakakita siya ng rewarding mission na mataas ang pwede niyang makuhang points at makataas sa Rank A kapag na-accomplish niya ito.

Nena: "Okay.. ito na ang susunod kong mission. Pero kailangan ko munang ma-assure na okay na sila Mr. Bright. Ilang araw nalang at matatapos na ang paghihintay."

Habang naghihintay ay tinuloy lang ni Nena ang kanyang ensayo sa pagpapanatili ng malakas niyang pangangatawan. Nagkita sila ni Tonyo at pinasalamatan niya ito sa kanyang health juice drink na regalo. Naging bonding na nila yung pag-treadmill sa fitness center. Unti-unti ring lumalalim ang relasyon ni Nena kay Ming.

Makalipas ang 9 days matapos ang misyon sa mag-asawang Bright, naimbitahan siya na mag-dinner sa di kalayuang lugar sa ngayon ay mapayapa nang bahay ng mag-asawang Bright.

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5