Nena Ang Spirit Detective 9
Continuation...
"Ang Hindi Inaasahang Pangyayari"
By: @pinoycreator
Dumalo si Nena sa invitation ng mag-asawang Bright na dinner kasama ang kanyang alaga na si Ming. Ginamit ni Nena ang bago niyang electric scooter habang tahimik na nakasakay si Ming sa bag ni Nena. Nakarating sila 10 minutes na maaga sa usapan nila.
Receptionist: "Goodevening, do you have a reservation?"
Nena: "Table for Mr. bright, please."
Receptionist: "This way please."
Pagdating nila sa table, nandoon na sila Mr. And Mrs. Bright. Pagbati ni Nena ng "Hello!", bigla nalang siyang niyakap ni Mrs. Bright at ito ay napaiyak.
Nena: "... Ahhh..."
Napatingin si Nena kay Mr. Bright habang akap siya ng kanyang asawa. Si Mr. Bright naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanya.
Mrs. Bright: "Thank you Nena. Maraming, maraming salamat."
Nena: "Ahhh... Wala po yon madam. It's my job as a spirit detective."
Mrs. Bright: "Ako si Elaine, Nena."
Nagulat bigla si Nena at hindi ito makapagsalita. Hindi siya makapaniwala na yung batang hinahanap ng ligaw na espirito ay nasa harapan na niya.
Nena: "Kayo po pala yung anak nung ligaw na espirito?"
Elaine: "Oo. Napakatagal na panahon na palang hindi matahimik ang espirito ni papa. Hindi na kami nagkita simula nang umalis ako sa puder niya."
Nena: "..."
Elaine: "Salamat sayo at nagkaroon ako ng chance para humingi ng kapatawaran kay papa."
Nena: "Masaya po ako at nakatulong ako sa inyo."
Mr. Bright: "Salamat ulit Nena at ngayon ay mapayapa na ang espirito ni Papa Ron."
Elaine: "Sorry.. sorry.. so tara na, let's eat."
Mr. Bright: "Okay hon, have a seat na at let's have our dinner."
Kumain na sila ng kanilang dinner at sila ay nagkwentuhan habang kumakain. Pinagkwentuhan nila ang nangyari noong naghuhunt si Nena sa espirito. Ipinakita ni Nena si Ming sa mag-asawa at sila ay halos hindi makapaniwala sa mga ikinukwento niya. Pero dahil matahimik na ang kanilang tahanan ay kampante narin ang dalawa na wala nang magiging problema at nagawa ni Nena ng maayos ang kanyang misyon.
Pagkatapos ng dinner ay namaalam na sila sa isa't isa. Labis ang pasasalamat ng mag-asawa kay Nena. Si Nena naman ay tuwang-tuwa sa tulong na naibigay niya.
Ni-ready na ni Nena ang kanyang gamit at si Ming sa kanyang bag bago sila bumiyahe gamit ang electric scooter. Marahan na nag-maneho si Nena pauwi. Habang nasa biyahe, pansin niya ang ganda ng panahon ng gabing iyon. Ang liwanag ng buwan ay malaking tulong sa biyahe ni Nena.
Habang binabaybay niya ang daan patungo sa malikong daanan, napansin niya na parang humahamog na ng bahagya. Nagtaka siya dahil hindi naman ganon ang normal na daanan. Hindi nag-alala si Nena at tumuloy parin sa paglalakbay. Habang binabaybay niya ang likuan napansin niya na parang naging alerto bigla si Ming.
Nena: "Ming? Anong problema?
Ming: "Meoooowwww!"
Nena: "Okay lang yan Ming wag ka kabahan kasama mo si Mommy."
Ming: "Meoooowwww!"
Biglang nag-alala si Nena ng hindi tumigil sa pag-meow si Ming. Tiningnan niya ito at parang ito ay natatakot. Pagtingin niya sa daanan ay biglang may malaking bagay ang humampas sa bandang unahan ng electric scooter. Tumilapon si Nena sa may gutter ng kalsada at si Ming naman sa may bandang malayo. Ang electric scooter ay tumilapon din.
Biglang-bigla si Nena sa mga pangyayari at ang una niyang nakita ay ang kalangitan. Tahimik ang buong daanan at si Nena ay hindi makagalaw. Pinilit ni Nena na gumalaw pero hindi niya magawa. Maya-maya pa ay bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Nawalan siya ng malay at tumigil na sa paghinga.
To be continued... Basahin ang kasunod

Suggest Lang PO Sana habaan nyo pa PO 🤣🤣bitin ako Ang ganda pa nmn
TumugonBurahin