Nena Ang Spirit Detective 20
Continuation...
"BLOODY MARY Judgement Curse"
By: @pinoycreator
Lumapit si Don De La Cruz kay Nena at sinampal nya ito habang sya ay nakaupo. Nakapikit lang si Nena at hindi umiimik. Hindi nya ininda ang sampal ni Don De La Cruz.
Don De La Cruz: Pakelamera kang babae ka! Alam mo bang wala nang nakakaalam ng sikreto ko?! Isa ka nang balakid sakin ngayon at dahil jan, kailangan kitang iligpit.
Nena: ...
Don De La Cruz: Wag kang mag-alala dahil malinis akong trumabaho. Sisiguraduhin ko na happy ang magiging ending mo dahil napahanga mo parin ako sa talento mo.
Nena: No you're not, Mr. George.
Don De La Cruz: Ano?!
Nena: Walang pera sa mundo ang makapagliligtas sa pasakit at hirap na mararanasan mo dahil sa karumal-dumal na krimeng ginawa mo.
Don De La Cruz: Ayaw mo parin talagang tumigil no?!
Nena: Wala ka nang magagawa Mr. George kundi tanggapin ang parusang nakapataw sayo.
Don De La Cruz: Tsss.. Ahahahaha! Hahahaha! Alam mo ang mabuti pa tigilan na natin to at enjoyin nalang natin ang huling gabi mo sa mundong ito.
Lumapit muli si Don De La Cruz kay Nena at balak sya nitong halikan. Biglang nilapat ni Nena ang kanyang palad sa mayamang negosyante at nagpataw ng mahinang klaseng hypnosis spell na tatagal lamang ng isang oras.
Nena: "NOLI ME TANGERE!"
Agad umipekto ang hipnotismo dahil sa kawalan ng immunity ni Don De La Cruz sa ganitong klaseng pagatake. Napatigil ang na hypnotized na si Don De La Cruz sa kanyang balak gawin at sya ay tumayo nalang.
Nena: Maupo ka sa inupuan mo.
Don De La Cruz: Okay.
Inilabas ni Nena sa envelope ang mga papeles na gusto nyang papirmahan pati ang sign pen at fingerprint ink.
Nena: Pirmahan mo ang kasulatang ito. Inexplain ko na sayo kanina kung para saan ang mga ito.
Don De La Cruz: Okay. No problem.
Pinirmahan lahat ng dapat pirmahan ni Don De La Cruz sa mga papeles at ipinatawag nya ang kanyang tatlong kaibigan para pumirma rin bilang witness. Sinunod ni Don De La Cruz ang utos ni Nena na sabihin na para sa isang malaking proyekto ang kanilang iwiwitness kaya naman pumirma rin ang mga witness ng di binabasa ang nilalaman ng kasulatan. Matapos nilang pumirma ay pinalabas na ni Don De La Cruz ang kanyang mga kaibigan dahil may paguusapan pa sila ni Nena.
Inilapit ni Nena ang kanyang cellphone na naka-on ang sound recorder kay Don De La Cruz.
Nena: Ikwento mo ng detalyado ang ginawa mo kay Mary Anne Angeles.
Ikwinento ni Don De La Cruz ang lahat ng nangyari sa abot ng kanyang memorya ng buong detalye at katotohanan lamang dahil sya ay under sa spell ni Nena. Ang mga kwento nya ay tumutugma sa kwento ng espirito ni Mary Anne pati na ang eksaktong paraan kung paano itinago ang bangkay sa pinakailalim na parte ng building.
Pinangalanan din ni Don De La Cruz ang mga taong sangkot sa krimen na kanyang ginawa. Ang mga taong iyon ay patay na. Sila ang mga pinatay ng black lady sa building. Tanging si Don De La Cruz nalang ang nabubuhay dahil ni minsan matapos ang krimen ay di na sya bumisita sa hotel.
Matapos mag-kwento ni Don De La Cruz ay itinabi na ni Nena ang kanyang mga gamit sa kanyang bag. Ang mga papeles at voice record ay isa nang matibay na ibidensya laban sa kanya. Inilabas ni Nena ang maliit na envelope na naglalaman ng judgement curse note na ika-cast nya kay Don De La Cruz.
Ang judgement curse note ay naglalaman ng hinigop na masamang espirito na bumalot kay Mary Anne nung sya ay isa pang black lady. Kapag ito ay nai-cast sa isang nilalang, magpapakita sa kanya ang masamang espirito hanggat gusto nito. Mararanasan ng target ang sakit, takot, lungkot, pighati at hirap na kagaya sa naranasan ni Mary Anne habangbuhay.
Itinutok ni Nena ang judgement curse note sa muka ni Don De La Cruz at ikinast nya ito.
Nena: "BLOODY MARY!"
Ang papel ay unti-unting naglaho at nabalot ang katawan ni Don De La Cruz ng hindi nakikitang mga hibla ng buhok na galing sa masamang espirito. Ang judgement curse ay nai-cast na ng successful at sa loob ng ilang araw ay magsisimula na ang kalbaryo ni Don De La Cruz.
Nena: Hmmm... May 30 minutes ka pa para magsaya. Lumabas ka dun at makipagsayawan ka sa crowd. Isama mo ang mga kaibigan mo dahil yan na ang huling maliligaya mong sandali. Tapos na ang meeting natin. Aalis na ko.
Don De La Cruz: Okay.
Paglabas ng dalawa sa VIP room ay nag-shake hands sila na parang isang business meeting lang. Inutusan ni Don De La Cruz ang kanyang mga security na i-assist si Nena palabas ng kanyang bar.
Habang naglalakad si Nena ay napaisip sya. Masaya sya dahil naipaghiganti nya na rin ang inosenteng biktima na si Mary Anne.
Nena: Haaay... Success. Ang masamang espirito na ang bahala sa paghihiganti mo bebe. Dapat lang yan sa mga bastos, walang modo at kasuklam-suklam na nilalang na kagaya nya. Pagdudusahan nya habangbuhay ang kanyang krimen na ginawa. Walang pera ang makapagliligtas sa kanya sa galit at poot ng masamang espirito.
To be continued... Basahin ang kasunod

I'm really enjoying thee design and layout of your website.
TumugonBurahinIt's a very easy on the eyes which makws it much more plleasant for
me to coome here and visit more often. Didd you hire outt a developer to ccreate your theme?
Outstanding work!