Nena Ang Spirit Detective 25

Continuation...
"Di Maunawaang Damdamin"
By: @pinoycreator

Rudy: I... Ian???
Di Kilala: Tumpak.
Ian: Ruuudy. Ikaw pala yan. Nililibang mo parin ba ang sarili mo sa mga pambatang misyon ng organisasyon?

Hindi makapaniwala si Nena sa kanyang nakikita dahil nag-iba ng bahagya ang itsura ni Ian. Di maunawaang damdamin ang naramdaman ni Nena ng makita nya si Ian.

Rudy: Saan ka nagpunta at anong nangyari sayo? Antgal ka na naming hinahanap e, wala kaming makitang bakas. Anong ginagawa mo dito at sino ang mga kasama mo?

Ian: Hmmm... Sabihin na natin na nahanap ko na yung tunay na kaligayahang hinahanap ko. Kontentong kontento na ko sa kung ano ang meron ako ngayon.

Biglang nag-alab sa galit ang pakiramdam ni Nena ng marinig nya ang mga sinabi ni Ian.

Nena: Anong ibig mong sabihing nahanap mo na ang kaligayahan mo!!!
Ian: Teka.. Sino tong kasama mo? (Inayos ang kanyang salamin sa mata)
Ian: Hmmm... Hindi to maari.
Nena: Bakit hindi! Alam mo bang matagal na kong naghihintay sayo! Matagal kong hinintay ang pagkakataong to para lang mahanap ka! Tapos ngayon sasabihin mo na nakita mo na ang kaligayahan mo!!

Nagtaka si Rudy at palipat-lipat lang sya ng tingin kay Nena at Ian.
Rudy: (Tumingin kay Nena) Ne magkakilala kayo ni Ian.
Nena: Oo to! Boyfriend ko yang baliw na yan eh!!
Rudy: (Gulat na gulat) ANO????!

Nena: Di pa ko spirit detective dati pero simula nung nawala sya, nag-train ako para makapasa sa pagiging spirit detective. Grabe ang hirap na dinanas ko para lang umabot sa puntong ito. Lahat ng mga librong naiwan nya ay inaral ko para tumaas ang ranggo ko at umabot sa misyon na to. Alam ko na kaya ko syang hanapin kahit walang naniniwala na magagawa ko.

Ian: Di mo ko naiintindihan. Ito ang kaligayahan ko. Ang walang hanggang kapangyarihan. Walang hanggang kaalaman.

Nena: Cheeee!!! Manahimik ka jan (napaiyak si Nena)

Kasama ni Ian: Mga dating kasama mo pala tong mga to?
Ian: (Ngumiti) Aha.
Rudy: Teka kilala ko ang mukang yan ha.
Kasama ni Ian: ...
Rudy: Doc Jun Aquino?
Kasama ni Ian: (Ngumiti) ...
Rudy: Tanyag at kilalang-kilala. Isa sa pinakamagaling na Surgeon sa Birangan. Anong ginagawa nyo dito? Kayo ba ang may gawa ng mga lagusan at dahilan ng pagkalat ng kakaibang nilalang dito sa syudad?
Doc Jun: ...

Ian: Anong bang kailangan nyo at napabisita kayo sa aming lugar?

Nena: (Umiiyak at galit) Tanga ka ba! O nagtatanga-tangahan ka! Nandito kami para sayo! Wag ka ngang tanga! nakakainis!!!
Rudy: (Nakatingin kay Nena) ... Tama sya Ian. Ang misyon namin ngayon ay hanapin ang kinaroroonan mo.

Ian: Hmmm.. Matagal na panahon na ang lumipas. Di ko akalain na hinahanap parin ako ng headquaters. Anyway, kung tinatanong nyo kung kami ang nasa likod ng mga lagusan na kagaya nitong nasa likod namin. Tama kayo jan.

Nena: (Umiiyak) Huh?
Rudy: Lagusan? Di ko makita?

Inalis ni Doc Jun ang puting tela sa kanilang likuran at limutaw ang kakaibang lagusan na sinosoportahan ng tatlong maliliit na itim na orb.

Rudy: Anong ginagawa mo Ian?
Nena: ... (Tulala at nakatingin lang sa kakaibang lagusan)

Namangha si Nena sa itsura ng lagusan pero di nya parin maintindihan ang nararamdaman nya. Magkahalong lungkot, saya at galit.

Ian: Sabihin na nating kami ay nakapirma sa isang malaking kontrata para sa isang malaking proyektong pangkalawakan.
Nena: (Tulala ay nakitingin nalang sa lagusan at kay Ian)

Ian: Sa palagay ko ay accomplished na ang inyong misyon para sa headquarters.

Tinanggal ni Ian ang kanyang singsing na binigay sa kanya ng headquarters bilang isang reward sa pagiging magaling na spirit detective. Ang singsing ay nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan na nagkapagrerefill ng enerhiya ng kusa at nakapagdadagdag ng malaking amount sa spirit power ng mga skills sa taong may suot nito. Ibinagsak ni Ian ang singsing sa sahig.

Ian: Nahanap nyo na ang hinahanap nyo pero hindi na ko babalik sa pagiging spirit detective. Isoli nyo tong singsing na to bilang katibayan na nahanap nyo na ako. Opisyal narin ang aking pagreresign bilang isang spirit detective dahil may iba na kong proyektong tinatrabaho. Hahahahaha!

Nena: Hindi... Hindi to maari. (Nakasimangot at lumuluha)
Rudy: Hindi ka namin hahayaang makaalis Ian! Sana maunawaan mo rin na marami na kaming sakripisyo para sayo.

Ian: Huh? Sakripisyo? Tama yan. Marami narin akong sinakripisyo para sa hinahanap kong tunay na kaligayahan. Ito ang tunay kong pagkatao Rudy, Nena. Ang buhay natin noon ay wala ng halaga para sa akin. Pasensya na kayo. Salamat sa mga ala-alang pinagsamahan natin.

Nanlumo si Nena at sya ay napaluhod at umiyak ng umiyak. Nagliyab ang damdamin ni Rudy ng nakita nya si Nenang umiiyak sa sahig.

Rudy: Tama na! Kung di ka sasama sa amin ay kailangan ka naming dalhin ng pwersahan!
Ian: Wag nyo nang subukan. Paalam na. Hanggang sa muli nating pagkikita.
Nena: (Humagulgol ng iyak)

Lumakad si Ian papasok sa lagusan pati narin si Doc Jun. Sinundan ni Rudy ang dalawa pero sya ay bumangga sa isang hindi nakikitang barrier.

Rudy: Huh? Ano to?

Hinawakan ni Rudy ang barrier.

Rudy: Isa nanamang mataas na uri n barrier!

Nag-spirit channeling si Rudy at inipon nya ang kanyang spirit power sa kanyang kamao. Sinuntok nya ang barrier pero walang nangyari. Ibinuhos ng Rudy lahat ng kanyang enerhiya sa kanyang spirit channeling at pinagsusuntok ang barrier. Wala paring nangyari.

Rudy: Iaaannn!!! Bumalik ka!
Nena: (Umiiyak lang sa sahig)

Biglang umikot ang tatlong maliliit na orb sa lagusan at naglabas ng mga itim na electricity. Unti-unting lumiliit ang lagusan. Patuloy paring sinusuntok ni Rudy ang barrier. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nawala ang lagusan pati na ang maliliit na orb. Maya-maya rin ay nawala narin ang barrier.

Rudy: Huh?? Nawala ang barrier.

Itinigil ni Rudy ang kanyang spirit channeling at sya ay nanghina. Huminga sya ng malalim at tumakbo papunta sa singsing at dinampot nya ito. Si Nena naman ay umiiyak lang sa sahig. Lumapit si Rudy kay Nena.

Rudy: Tahan na Ne.. (Naawa kay Nena) Tahan na.
Nena: Ayoko na! Pagod na pagod na ko! Ayoko na!

Naupo si Rudy at niyakap nya si Nena.

Rudy: Tahan na Ne. Nakita na natin si Ian. Buhay pa sya at yun ang mahalaga ngayon. Kilala ko yun at hindi natin alam baka may pinaplano lang sya. Magtiwala tayo sa kanya. Baka pinoprotektahan lang nya tayo kaya nya nasabi ang mga yun.
Nena: (Nakikinig lang)

Pinilit tigilan ni Nena ang pag-iyak at sya sa humihikbi-hikbi parin sa kanyang pagtayo. Inalalayan sya ni Rudy. Maya-maya ay biglang tumunog ng malakas ang isang dance ringtone at napangiti si Nena at Rudy. May tumatawag sa phone ni Nena.

To be continued.... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5