Nena Ang Spirit Detective 26

Continuation...
"Ang Bakbakan Sa Narra Street"
By: @pinoycreator

Isang tawag mula kay Marjorie ang nagpatigil sa pagiyak ni Nena.

Phone Call:
Nena: (Humikbi at humingang malalim) Hello?
Marjorie: Balik kayo dito kailangan ko n backup!
Nena: (Pinunasan ang luha gamit ang kamay) Ehhhm. Sige copy.
Marjorie: Okay.

Binaba agad ni Marjorie ang phone call matapos nyang humingi ng backup kila Nena.

Narra Street Scene:
BOOOM! Humampas ang kamay ng higanteng kakaibang nilalalang sa lupa at agad iniwasan ni Marjorie ang pagatake ng higanteng halimaw.

Dumistansya si Marjorie sa halimaw at nagpakawala ng mga arrow shot gamit ang spirit bow nito na may spirit power sa mga palaso nito. Ang mga palaso ay di bumabaon sa halimaw.

Marjorie: Aaah! Kainis naman! Di ko man lang ma-damage tong halimaw na to!

KABOOM! Muling humampas ang malakas na pagatake ng halimaw sa lupa! Naiwasan ni Marjorie ang atake pero tinamaan sya ng mga batong tumalsik.

Marjorie: Ouch!

Agad syang tumakbo palayo sa halimaw.

Marjorie: Maliksi rin tong ipis na to ah! Kailangan kong gamitan to ng Heaven's Arrow skill ko kaso kakailanganin ko muna syang i-trap.

Tumakbo sa malayo si Marjorie at nagtago. Kinuha nya ang tatlong arrow nya at nag-charge sya ng spirit power sa mga ito. Lumingon ang halimaw sa kanya senyales na naramdaman nito ang spirit power na isinasalin nya sa tatlo nyang arrow.

Agad tumakbo palapit sa kanya ang dambuhalang halimaw na parang malaking hayop. Bago makalapit ang halimaw kay Marjorie, natapos nyang i-charge ang kanyang mga arrow at handa na syang gamitin ang kanyang skill na magnetic arrows.

Muling tumakbo si Marjorie palayo sa halimaw. Habang siya tumatakbong palayo, inilagay nya na ang tatlong arrow sa kanyang bow. Huminto sya at itinutok sa bandang direksyon ng kalaban sa himpapawid ang kanyang bow.

Marjorie: Tingnan natin ang tibay mo!

Pinakawalan ni Marjorie ang mga arrow at ang himpapawid sa may ulunan ng halimaw ay biglang lumiwanag. Biglang bumagsak ang tatlong naglalakihang mga arrow at ang mga ito ay bumaon sa lupa sa paligid ng halimaw.

Naglabas ang mga naglalakihang mga arrow ng magnetic pull at ang halimaw ay nahatak sa gitna ng tatlong malalaking arrow. Ang halimaw ay hindi makagalaw.

Halimaw: wwwrAaaaahhh!

Marjorie: Okay. Nahuli na kita! Gagamitan muna kita ng acid rain para humina ang armor mo. Kumuha si Marjorie ng botelya ng acid rain sa kanyang belt bag at inilagay sa isang arrow. Itinutok nya ang arrow na may acid rain sa maliwanag na parte sa may ulunan ng halimaw at pinakawalan ang palaso.

Pagtama ng palaso sa nagliliwanag na enerhiya sa may ulunan ng halimaw ay biglang inulanan ang halimaw ng acid rain. Umusok ang parte ng katawan ng halimaw na tinatamaan ng acid rain. Di masyadong ininda ng halimaw ang acid rain pero ito ay nagpupumiglas lang para makawala sa magnetic arrows ni Marjorie.

Halimaw: wwwRrraaAaah!!!

Marjorie: Yay! Bakit para di nada-damage ang balat ng halimaw?! Heaven's Arrow naman habang may natitira pang oras saking Magnetic arrows!

Inilapag ni Marjorie ang isang arrow nya sa lapag at inilapat ang kanyang palad sa palaso. Ibinuhos nya ang maraming amount ng spirit power sa arrow at ito ay nagliwanag. Ilang saglit pa ay full na ng spirit power ang arrow at ready nang i-release.

Dinampot ni Marjorie ang arrow at ikinasa sa kanyang spirit hunter's bow. Ini-release nya ang arrow sa direksyon ng dambuhalang halimaw. Hinawi ng halimaw ang arrow gamit ang kamay nito. Hindi nagdulot ng damage ang arrow dahil ang buong katawan ng halimaw ay yari sa pangkalawakang bakal at sobrang kunat nito. Di pa sapat ang spirit power ni Marjorie para sa depensa ng halimaw.

Marjorie: Grabe naman sa kunat tong Giant PiPis na to!! Parang di na to pang rank B na misyon eh, para natong pang rank A. Kailangan mainform kagad ang headquarters.

Ilang saglit rin ay naglaho na ang Magnetic Arrows ni Marjorie. Nagpumiglas ng mabilis ang halimaw na parang asong nakawala sa tali at agad itong lumundag kay Marjorie.

Halimaw: WWrrrrAAaah!!!
Marjorie: AaaaAAaaahH!

Agad na umiwas si Marjorie sa dambuhalang halimaw na wumasak sa sahig ng binagsakan nito.

Marjorie: Muntik na ko dun ah.. naging mas agresibo na ang isang to. Kailangan gawan ng paraan.

Paglingon ni Marjorie sa kinaroroonan ng halimaw ay biglang may padating na atake gamit ang kamay ng halimaw.

Marjorie: Patay!

Ttttggggsshhh!!!

Tinamaan si Marjorie ng hampas ng halimaw at sya ay tumalsik palayo sa may mga buhangin pati na nag kanyang spirit hunter's bow ay tumalsik din. Nagpagulong-gulong sya sa sahig at malubha ang idinulot na damage ng halimaw kay Marjorie. Nanlabo ang paningin ni Marjorie at pagtingin nya sa direksyon ng halimaw ay mabilis itong papalapit sa kanya.

Marjorie: Ahhh! (Salita sa isip: Naku po.. hanggang dito nalang yata ang buhay ko. Di ako makagalaw.)

Nang makalapit ang halimaw ay nagpakawala ito ng malakas na hampas na kayang duruhin ang katawan ni Marjorie pero isang malakas na baril ang tumunog at tumama ang bala sa kamay ng halimaw na pumigil sa atake. BBBBAAAANNNGGG!!!

Napigilan ang pag-atake ng halimaw pero ito ay galit parin at nagpakawala ng isa pang atake gamit ang dalawang kamay nito na kayang kayang pisain ang katawan ng nanghihinang rank B spirit detective na si Marjorie.

Halimaw: WrrrRAaaaHHh!!!

Nawasak ang sahig sa lakas ng pagatake ng dambuhalang halimaw. Nabalot ang paligid ng kalat-kalat na buhangin pero nagulat ang halimaw dahil walang bakas ng durog na katawan sa harap nito.

Biglang lumabas sa ilalim ng mga puno si Nena. Si Rudy naman ay nasa may ilalim din ng puno sa kabilang banda buhat-buhat si Marjorie. Isinandal kaagad ni Rudy si Marjorie sa isang puno at agad nya itong pinainom ng isang botelyang pangunang lunas.

Rudy: First Aid para mamanhid at mabilis na maghilom ang mga sugat mo. Makakadama karin ng bahagyang panunumbalik ng lakas mo. Ipaubaya mo na muna samin to ni Nena.

Agad tumakbo si Rudy sa direksyon ng dambuhalang halimaw. Habang sya ay tumatakbo ay nagsasalin na sya ng spirit power sa kanyang katawan at unti-unting nagliliwanag ang kanyang katawan bilang isang spirit body armor.

Rudy: Akong harapin mo halimaw! Kamao ko lang ang katapat mo!!

Halimaw: (Parang naintindihan si Rudy) WWWWwRRRraAaAHH!!

Nagpalitan ng hampas at suntok ang dalawang makunat na nilalang at sila at mano-manong nagbanatan sa gitnang bahagi ng kakahuyan.

Habang si Nena naman ay nasa di kalayuang lugar.

Nena: (Salita sa isip) Teeeka.. kung itong halimaw na to ay nanggaling sa ginawang lagusan ni... Hmmm... Nakakainis talaga ayokong banggitin kahit pangalan nya. Okay ni badwords nalang. Kung si badwords may dala dito kay giant cockroach malamang may makukuha akong impormasyon kung gamitan ko to ng Dimensiyon shifting. Tama!

Gumamit ng Dimensiyon instincts si Nena at ang anyo at kukay ng kanyang mga mata ay biglang nagbago. Pagtingin nya sa halimaw ay namangha sya sa kanyang nakita.

Nena: (salita sa isip) Wow! Kakaibang enerhiya ang bumabalot sa katawan ng halimaw. Ang mga balat nito ay mukang never before seen pa sa mundong ito. Saang planeta kaya to nanggaling?
Teka parang may mali? Mukang manipis ang bumabalot na enerhiya sa may bandang dibdib at tyan nya.

Inasintang mabuti ni Nena ang dibdib ng dambuhalang halimaw. At tinamaan ito ng sargo! BAANGG!!!

Halimaw: (Nasaktan na tono) WWWRRRAAAHHH!!!

Napaatras ang halimaw. Napatingin si Rudy kay Nena at nag-Ok sign.

Nena: HAHA! (Salita sa isip) Dale ka na Cockroachy! Teka kailangan ko to ng buhay. Lalamugin lang kita ng konte!

To be continued... Basahin ang kasunod

Mga Komento

  1. Happy to read such a useful post. It provides the best information and suggestions. Keep sharing. You can also visit Pest Control Richmond for more Mega Pest Control related information and knowledge. Keep up the great work!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5