Nena Ang Spirit Detective 29

"Ang Nilalang Sa Likod Ng Dambuhalang Halimaw"

Clara: Nena kailangan ko nang bumalik sa headquarters at may tatapusin pa kong mga reports.

Nena: Okay, Cap.

Tumingin si Capt. Clara kay Marjorie.

Clara: Dear baka gusto mo na sumabay sakin pabalik sa office?

Marjorie: Aahh.. Sasamahan ko nalang po sila ate Nena dito. Thank you nalang po cap.

Clara: Oh sige. Mag-ingat kayo ha. Tawagan nyo ko kagad kung magkaproblema.

Nena, Marjorie, Rudy: Ok Cap!

Pumasok na si Capt. Clara sa sasakyan nito at umalis na pabalik sa headquarters.

Nena: Ang yabang naman nung kapitan Arvin na yun! Akala mo kung sino! Hmmm! (Sinipa ang bato sa sahig)

Rudy: Arvin... Naalala ko ang kasong hinawakan nya at di din natin sya masisisi. Eh, ganyan siguro talaga kapag in-love ka.

Umirap si Nena.

Marjorie: Pero di na nya kailangan pagtangkaang atakihin tayo no? What the!? Pano nalang kung di dumating si Cap Clara. Edi deds na tayo? 😤

Marjorie: (Salita sa isip) Gwapo pa naman nya. Ay... May gf na pala sya period.

Umirap din si Marjorie.

Rudy: Hahahaha! Hindi naman siguro tayo aatakihin ng kapitan.

Napatingin si Rudy sa dalawa.

Rudy: Eh, pero kung atakihin tayo nun malamang e binugbog ko ng todo yun.

Marjorie: Naku, makakatikim talaga sya sakin.

Nena: Hmmmmmm!!! Ansarap nyang pagsasampalitin! Mga 100 at 8 na beses!

Rudy: Bibigyan ko ng isang upper cut yun, malamang tulog yun. 👊

Marjorie: Hahahahaha! Ako bibigyan ko ng kame kame wave yun! 😅

Nena: Hahaha! Ipa-flying kick ko talaga yun! Hahaha! 😅

Nagtawanan ang tatlo.

Habang ang tatlo ay naguusap tungkol sa mga nangyari, may isang nilalang na nakikinig sa usapan nila. Sa taas ng isang puno sa di kalayuang lugar sa kinaroroonan nila, sumilip ang hindi pa matukoy na nilalang.


Nilalang: (Salita sa isip) Natalo nila si Pipis. Amazing! Malakas siguro sila. Di ako papayag sa gusto mo te, ako na ang magsosoli kay Pipis.

Kumuha ng isang maliit na tube na may takip ang nilalang mula sa backpack nito na pang estudyante ang design. Sa bulsa ng bag nito ay kinuha nya rin ang face mask at kanyang isinuot. Binuksan nya ang tube at isinaboy sa hangin ang laman nito na tila malilit na pinong dahon na may konting likido. Isinauli ng nilalang ang wala ng laman na tube sa backpack nito.

Nagtatawanan ang tatlo sa kanilang pinaguusapan ng bigla nalang mapansin ni Marjorie ang kakaibang amoy.

Marjorie: Hah? Ano yun?
Rudy: Hah?
Nena: Yung ano?
Marjorie: Di nyo ba naaamoy?
Lumanghap ng malalim si Rudy. Sinubukan din ni Nenang langhapin ang naamoy ni Marjorie.
Nena: Ambango, parang amoy sampaguita.
Rudy: Oo nga no, baka may multo sa paligid.

Nagtawanan ang tatlo. 😂

Marjorie: Totoo ba yun? Pag nakakaamoy ka ng sampaguita na may parang bubblegum may multo sa paligid?
Tumango si Nena at tumingin kay Rudy.
Rudy: Ahh.. Ehh.. Sabi nila totoo daw yun pero... (Biglang napahikab ng malalim si Rudy) Pero di ako naniniwala dun. 😨

Humikab din ng malalim si Nena.

Nena: Parang napagod ako sa misyon natin ah. Iidlip muna ako ha.

Pumwesto si Nena sa isang bato at natulog ng nakaupo. Pagsandal naman ni Rudy ay nakatulog itong kaagad. Nakaramdam din ng sobrang antok si Marjorie at natulog sa may damuhan. Nakatulog ang tatlo ng mahimbing. 💤😴

Bumaba ang hindi pa matukoy na nilalang sa puno at tahimik itong tumakbo palapit sa dambuhalang halimaw. Paglapit nito sa may muka ng halimaw, sinabi nito "Hi Pipis" at pumwesto sa may harapan nito.

Naupo ang tila college level student na dalagita at agad na kinuha ang laptop sa loob ng bag nito. Mabilis na binuksan ang laptop at nag log-in sa isang application. Kinuha nito ang tatlong maliliit na makinis na bato at inilagay ang mga iyon sa harapan ng halimaw.

Mabilis na nagfill up ng mga form sa application ang dalagita at nagsend ng request.

Dalagita: (sa isip) Bilis... Baka magising sila.

Habang naghihintay ang dalagita sa request ay biglang nag-vibrate ang cellphone nya. Isang phone call.

Dalagita: San ka na?
Kausap: Malapit na sa location mo.
Dalagita: Sige. Bilisan mo.
Kausap: Okie byyyyeee.

Pagbaba ng tawag ay nilagay ng dalagita ang cellphone nito at nilagay sa bulsa ng suot nitong maiksing palda. Maya-maya ay biglang may lumabas sa screen ng laptop na request granted.

Dalagita: Yes!

Agad nitong pinindot ang enter button. Nagliwanag ang tatlong makikinis na bato at umikot habang dahan-dahang lumulutang sa harapan ng halimaw. Ilang saglit pa ay naglabas ang mga bato ng mga itim at puting kuryente at nagsimulang lumabas ang isang maliit na lagusan. Unti-unting lumalaki ang lagusan at paglaki nito ay hinigop ang dambuhalang halimaw patungo sa loob ng lagusan.

Dalagita: Babye Pipis.. Mamimiss kita. 🥺

Naluluha na mga mata ng dalagita. Nagsarang muli ang lagusan at ang tatlong maliliit na bato at bumagsak sa lupa at nawala na ang mga ilaw nito. Kinuha ng dalagita ang gloves sa loob ng backpack nito, sinuot ang gloves at kinuha ang mga bato at inilagay sa lagayan at binalik sa backpack.

Agad na niligpit ng dalagita ang mga gamit nito sa kanyang backpack at sinuot na niya ito. Napatingin ang dalagita sa tatlo at tinanggal muli ang isang bahagi ng sabitan ng backpack nito. Napatingin sya kay Nena habang kumukuha ng isang dilaw na square na envelope at inilagay sa sahig kung saan nahiga ang halimaw.

Dalagita: (sa isip) Malamang magtataka ka kung san napunta si Pipis. Kaya madali kitang mata-trap. Para sayo to te, sana makuha mo to.

Dahan-dahang lumapit ang dalagita sa tatlo. Nagmatyag ang dalagita at tiningnan nya ang mga dalang armas ng tatlo. Pagtingin nya sa spirit gun ni Nena, sabi nya "Nope". Tumingin sya kay Rudy, sabi nya "Yay! Nakakatakot." Tumingin sya sa bow ni Marjorie at sabi nya "Wow!" 😍 Nagandahan sya sa pang-pana ni Marjorie.

Dalagita: (Sa isip) Ayyy, kaya lang nakasuot sa kanya. Haaaayss.. Ahh! 💡Okay blood sample mo nalang, gurl! Gusto ko lang naman ma-experience gamitin yan. 😁

Naglabas ng panusok ang dalagita at kukunan nya ng dugo si Marjorie. Lumapit ang dalagita kay Marjorie at itinutok nya ang panusok sa may braso ng ranking spirit detective. Itutusok nya na sana nang may biglang sumigaw.

"YaaaaAaSssMmmiiiiiiiiiiiiNnnNnn!!!"

Nagulat ang dalagita na ang pangalan pala ay Yasmin at napaatras ito. Tumingin sya sa kanyang kasama at sumenyas na tumahimik sya.

Kasama ni Yasmin: Ayy.. Anong ginagawa nya?

Pinagmasdan ng kasama ni Yasmin ang ginagawa nito. Muling lumapit si Yasmin kay Marjorie at itutusok muli ang panusok. Nang itutusok na nya ay biglang pabulong na sumigaw ang kanyang kasama.

Kasama ni Yasmin: Huuuuuuyyy.... Anong ginagawa mo??? Baka magising yan.

Sumenyas si Yasmin ng wait ka lang at wag maingay. Nang itutusok nya na kay Marjorie ay biglang gumalaw si Marjorie at Nena. Si Rudy naman ay mahimbing pa ang tulog. Napaatras ng tahimik si Yasmin.

Yasmin: (Sa isip) Naku, mukang magigising na sila. Si Kisha kasi e! Makaalis na nga.

Tahimik na umatras si Yasmin at tahimik na inakyat ang lupa papunta sa kanyang kaibigan. Pagdating nya sa kinaroroonan ng kaibigan, bahagyang inis ito. Tinanggal nya ang suot nyang mask.

Yasmin: Nakakainis ka pa nga! Ang ingay mo kasi e! Makukunan ko na sana ng dugo yung isa e. Yan tuloy mukang magigising na sila. 😤

Kisha: Ano ka ba, magigising talaga yun pag tinusok mo nyan.

Yasmin: Hindi ah! Parang lamok lang to eh.

Sa may kalayuan ay may narinig ang dalawang dalagita na tunog ng isang truck. Napalingon ang dalawa sa pinanggalingan nito.

Yasmin: Tara na!
Kisha: Sige. Andun sa taas yung sasakyan.

Tumawid ang dalawang dalagita sa kalsada at pumasok sa mga puno paakyat sa kabilang kalsada kung nasan ang sasakyan nila.

Sino ang dalawang dalagita? At ano ang pinaplano nila? Abangan ang susunod na episode ng Nena ang Spirit Detective.

Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5