Nena Ang Spirit Detective 30
"Ang Mahiwagang Dilaw Na Envelope"
Huminto ang truck ng Spirit Detective Organisation sa kalsada kung saan naroon sila Nena.
SDO truck driver: Dito ba?
SDO service staff: Dito naka-pin point yung location e.
Bumaba ang service staff na katabi ng driver at nagmatyag sa paligid. Pagtingin nito sa may bandang ibaba ay nakita nya sila Nena.
SDO service staff: Hah? Tulog sila?
Tumingin ang staff sa kasama nyang driver.
SDO service staff: Check ko lang noy.
SDO truck driver: Sige.
Bumaba ang service staff sa kung saan naroon sila Nena. Pagbaba nya ay tiningnan nya isa isa ang mga tulog na spirit detectives.
Service staff: Hah⁉️ Anyare sa kanila? π€
Bumwelo ang staff na parang sisigawan ang tatlo.
Service staff: Ehem! SDO Service!
Walang nangyari.
Service staff: SDO Service!
Gumalaw lang ng bahagya ang tatlo.
Nilapit ng service staff ang mukha nya kay Rudy.
Service staff: Sir. Sir, SDO service po.
Nakapikit pa si Rudy habang nagsalita.
Rudy: Ah, oo may multo nga...
At nakatulog sya ulit. Napakamot ng ulo ang service staff. π€¨ Lumapit ang service staff kay Marjorie na nakahiga sa damuhan.
Service staff: Miss, miss.. SDO service po.
Bahagyang nagising si Marjorie at pagmulat ng kanyang mata ay bumulaga sa kanya ang mukha ng service staff. Biglang nagulat si Marjorie.
Marjorie: AaaAAaaaAaaaaayyyyyyyY!!π±
MultooooooOoOOoo!!!!! π±π±π±
Sa gulat ni Marjorie ay nasampal nya ang service staff at nagising narin ang dalawa. Napatayo si Nena at Rudy.
Nena: Nasan?! (Lumingon) Nasan?!
Rudy: MultoooooOooohh! San?! (Napatingin sa service staff)
Rudy: Hah?? Multo ka ba?
Service staff: Muka ba kong multo?! SDO service ho! (Hinimas ang mukha nyang nasampal ni Marjorie)
Marjorie: Ayy! Hala sorry kuya.
Nena: Ah Okay. Sige kuya..
Nahimasmasan na ang tatlo. Napatingin si Nena sa hinigaan ng halimaw at gulat na gulat ito.
Nena: HAH! Nasan na yun!?
Napatingin din sila Marjorie at Rudy sa lokasyon ng halimaw.
Rudy: San na!? (Napatingin sa paligid)
Marjorie: Hala!
Napatakbo ang tatlo sa paligid kung saan nahiga ang halimaw at napatingin sila sa paligid. Nagtaka naman ang service staff kung ano ang hinahanap ng tatlo.
Service staff: Ano ho ba yung idedeliver?
Rudy: Patay! Naloko na! Nakawala ata!
Marjorie: Hala pano yan?! Di ko pa naman nakukuhanan ng selfie yun! π€π’‼️
Nag-activate kaagad si Nena ng kanyang Dimensiyon Instincts at kapansin pansin ang napakaliwanag na enerhiya na nanggagaling sa dilaw na envelope na iniwan ni Yasmin.
Nena: Hah?! Ano yun?
Lumakad palapit si Nena papunta sa envelope habang pinapakiramdaman parin ang paligid. Paglapit nya sa may envelope ay nag-off sya ng instincts.
Pinagmasdan nya ang envelope habang sumusunod sa kanya ang mga kasama.
Nagulat ang lahat sa nakita.⁉️
Rudy: San nanggaling yan?
Marjorie: Farewell letter ng halimaw? Babasahin ba natin?
Rudy: Haha! Baka nga.
Nena: May kakaibang enerhiya ang bumabalot sa envelope. Wag nyo munang hawakan.
Tumingin si Nena sa service staff.
Nena: K'ya may sealer case kayo dyan?
Service staff: Meron, mam.
Nena: Sige, peram ako.
Sumenyas ang service staff sa kasama nito sa likurang bahagi ng truck at sumigaw ng "Noy!! Sealer case daw!"
Bumaba ang kasama ng service staff na may dalang sealer case. "Kay mam" sabi ng service staff at inabot ng kasama nito ang sealer case kay Nena.
Nilapag ni Nena ang sealer case sa tabi ng envelope at binuksan ito. Kinuha nya ang gloves na nasa loob ng sealer case at isinuot. Kinuha nya rin ang isang maliit na tong mula sa case at ginamit nya yon para damputin ang envelope.
Nilagay nya ang envelope sa loob ng case at isinara.
Nena: Mabuti nang ipaubaya natin sa mga experto yan.
Marjorie: Ah, sige te. Kay bes nalang.
Nena: Bes?
Marjorie: Researcher ng organisasyon.
Nena: Okay.
Napaisip si Nena.
Nena: Nakakapagtaka. Wala nang bakas ng enerhiya ang halimaw.
Marjorie: Baka nakalayo na?
Nena: Hindi e. Mararamdaman ko parin yun kahit malayo yun. Maliban nalang kung sobrang layo na nya. Sa laki nun di basta basta makakalayo yun.
Rudy: (Sa isip) Naloko na.. nakatulog kasi ako e. Papatay-patay ka nanaman manoy!
Marjorie: Ah okay te. San na kaya yun?
Nena: Mukang napaglalaruan tayo!
Rudy at Marjorie: Hah?!
Marjorie: Nino?
Nena: Yan ang di ko pa alam. Kapag nalaman ko kung sino ang may kagagawan ng mga to, lagot sya sakin! ‼️
Tumingin si Nena sa service staff na nakahawak parin sa pisnging sinampal ni Marjorie.
Nena: Kuya, pahatid nalang sa office.
Service staff: Ah.. sige po. π΅
Sumabay si Nena at Rudy sa truck ng organisasyon habang si Marjorie ay sumunod gamit ang motor nito. Bumaba din si Rudy sa may dulo ng street kung nasaan ang motor nito at sumunod narin pabalik ng office.
Dinala ni Nena ang sealer case na naglalaman ng mahiwagang envelope at nagreport sa kanyang Kapitan sa mga nangyari. Nauna naman nang umuwi sila Rudy at Marjorie. Bago umuwi si Marjorie ay dumaan sya sa Lab ng researcher na sinasabi nya para ibilin ang item na natagpuan nila.
Pauwi narin si Nena nang idaan nya ang case sa laboratory ni Dr. Karl Magno, dating I.T. ng organisasyon, best friend at school mate ni Detective Marjorie nung high school pa sila. Pauwi narin ang researcher at may tinatapos nalang na test.
Sa laboratory:
Nena: Doc Karl, gora na akis.. balitaan nyo nalang ako sa item ha? Thanks
Napahinto saglit ang researcher at napatingin kay Nena.
Doc Karl: Sige, sige. I-e-email ko nalang ang result. Hmmm.. by tomorrow siguro kung matapos or sa monday na kung di kakayanin. Pakitusok mo nalang dyan sa clipboard yung permit.
Nena: Thank you much! Muwah! π
Doc Karl: Okay, okay.
Napatingin si Doc Karl sa sealer case.
Doc Karl: (Sa isip) Hmmm.. Silipin ko kaya?
Binalik ang kanyang tingin sa microscope, at itinuloy ang test na ginagawa.
Doc Karl: (Sa isip) Hmmm. Late na eh. Kaso sa misyon ni bes galing yan. Ah.. yaan mo na nga. Next time nalang bes.
Nang matapos si Doc Karl sa kanyang test ay naglog-out na ito sa laptop sa desk nya at nagligpit na ng mga gamit. Pumunta sya sa kanyang locker at hinubad na ang mga PPE na suot at nagpalit na ng damit.
Doc Karl: (sa isip) Andami kong nadidiscover na mga bagong elements ngayon ah. Puro out of this world..
Nakaramdam sya ng uhaw at kinapa ang tumbler na bigay sa kanya ni Marjorie sa kanyang locker.
Doc Karl: Huh? San napunta? Ay, naiwan ko sa lab. Dibale daanan naman ako dun.
Bumalik si Doc Karl sa kanyang lab para kunin yung tumbler nya at isara ang laboratoryo. Habang naglalakad sa may hallway ay binabati sya ng mga kasama sa trabaho, nginingitian nya naman ito pabalik.
Pagbalik sa Lab:
Doc Karl: (sa isip) Yown! Barbie sabi ko naπΆ Gotcha! Anjan ka lang pala.
Binuksan ang tumbler at uminom ng konti sa tubig na may lemon na laman nito.
Doc Karl: (sa isip) Hmmm.. ano ba tong item na to?
Sinilip ang item description sa permit na itinusok ni Nena sa clipboard.
Doc Karl: (sa isip) Envelope?? Really?
Naexcite bigla ang dating I.T. ng organisasyon at sinara ang pinto ng kanyang Lab. Binaliktad nya ang open sa closed sign ng pinto nangangamba na may makakita sa kanyang hindi nakaPPE sa pagsilip nya sa case. Binuksan nya agad ang case at kinuha ang envelope.
Doc Karl: (sa isip) Haha! Baka love letter lang to ni Bes, masilip nga. π
Kumislap bigla ang envelope na parang lusis sa pagbukas nya dito. Nagulat ang researcher at agad iniwas ang mga mata nya. Hindi nya namalayan na may tumalsik na maliit na karayom at tumusok sa leeg nya.
Agad nyang nilagay sa case ang envelope at isinara ito kagad. Naramdaman nya bigla ang tumusok na karayom at hinawi nya ang leeg sa pagaakala na baga ng nagliyab na envelope iyon. Tumalsik ang karayom sa ilalim ng desk.
Doc Karl: (sa isip) Anong ginagawa mo Karlito?!
Sinilip nyang muli ang case, sinisigurong wala ng baga ang envelope. Nang nakumpirma nya na wala nang baga, sinara nyang muli ang case at inilock ito.
Doc Karl: (sa isip) Ano to joke?! Hmm! Paktay na.. di bale gawan ko nalang ng report ang kung ano mang elements ang nasa envelope. Para san pa diploma ko haha!
Napatingin si Doc Karl sa kanyang microscope na tila gusto nya pang i-examine ang envelope.
Doc Karl: (sa isip) Ahhh! Bukas na. May bukas pa naman eh.
Lumabas na sya sa kanyang Lab at lumakad na sa hallway ng office. Nang mapadaan sya sa may desk ni Capt. Clara nakita nyang busy pa ito. Napatingin sa kanya ang kapitan.
Doc Karl: Una na ko Cap!
Capt. Clara: Ingaaaaat!
Doc Karl: (sa isip) Yari.. Agahan ko nalang pasok bukas para maisingit ko yung sa kanila.
Abangan ang susunod na episode ng Nena Ang Spirit Detective.. Basahin ang kasunod
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento