Nena Ang Spirit Detective 32
"ANG SIKRETO NI YASMIN"
EKSENA SA LOOB NG SASAKYAN NG NILALANG:
Yasmin: Ma.. Mama?
Ngumiti lang ang nilalang. Agad naman itong niyakap ng dalagita. Humagulgol ng iyak si Yasmin at hinayaan lang ito ng kanyang ina na si Juliana. Hinimas himas ng ina ang likod ng anak.
Juliana: Tahan na.. Tahan na.
Tuloy tuloy parin sa pagiyak ang dalagita. Matapos mailabas lahat ng sama ng loob sa kanyang pagiyak, si Yasmin ay tumahan na.
Yasmin: Mama.. Patay na ba ako?
Juliana: (napangiti) Ano bang sinasabi mo? Syempre naman buhay ka nak.
Napangiti at niyakap ng mahigpit ang kanyang mama. Nangamba si Yasmin dahil ang alam nya ay patay na ang mama nya. Pero mas nananaig ang ligayang dulot nang makasama nya ang ina.
Kaya naman ayaw na nyang humiwalay dito at baka mawala itong bigla sa kanyang tabi. Tumingin ang dalagita sa kanyang ina.
Yasmin: Wag mo na kong iiwan ha ma?
Juliana: Oo naman anak. Wag kang magalala dahil simula ngayon hinding hindi na kita iiwan.
Yasmin: Talaga? Baka nanaginip lang ako ma?
Juliana: Hindi, anak. Eto ako oh, buhay na buhay.
Kinurot ni Yasmin ang kanyang sariling braso.
Yasmin: Aray!
Napatingin ang ina sa kanya.
Yasmin: Oo nga! Di ako nananaginip.
Juliana: O di ba.
Yasmin: Yey! Makakasama ko na si mama.
Nagumapaw ang kaligayan sa puso ni Yasmin. Ligaya na sa panaginip lang nya nararanasan, ngayon ay abot kamay na. Maya maya ay biglang tumunog ang tyan ng dalagita.
Juliana: Narinig ko yun.
Napangiti ang dalaga.
Juliana: Nagdala ako ng paborito mong Meat Pizza ng Dino G's Brick Oven Pizza.
Yasmin: Asan?
Juliana: Sandali.
Tinanggal muna ni Juliana ang pagkakayakap sa kanya ng dalagita at inabot sa backseat ang dalawang box ng paboritong pizza ni Yasmin.
Takam na takam ang dalagita at hindi na muna ito nagsalita dahil sa sobrang gutom. Kumain ng kumain ang dalagita at pati narin ang kanyang ina. Sinubuan nya ang kanyang ina at si Juliana nama'y sinubuan din siya.
Matapos nilang kumain ay dumiretsyo na sila sa safe house ni Juliana sa tagong lugar sa dulo ng Birangan. Nang mga oras na yon ay hindi parin makapaniwala ang dalagita at kinukurot parin ang sarili para makasiguro na hindi sya nananaginip.
Ipinakita sa kanya ni Juliana ang kanyang bagong kwarto na kumpleto ng mga gadgets na kailangan nya. Pati na mga damit at libro na kanyang aaralin. Sobrang nasorpresa ang dalagita at halos ayaw na nitong matulog kahit antok na antok na.
Mas pinili parin ng dalagita na matulog sa tabi ng kanyang ina, nangangamba na baka wala na ito paggising nya. Pumayag naman si Juliana.
Yasmin: Mama. San ka nagpunta at sino yung pinaglamayan at nilibing?
Juliana: Oras na siguro para malaman mo ang katotohanan, nak.
Juliana: Ang mama mo ay isang secret agent ng ibang Dimensiyon.
Yasmin: Dimensiyon? Ano yun ma?
Juliana: Ispiritwal na mundo. Ang nagkokonekta sa mundo ng mga namatay at nabubuhay.
Yasmin: ???
Yasmin: Pa.. patay ka na ba at isa nalang multo?
Juliana: Hahahaha. Di mo na ko makakausap at mahahawakan kung isa na kong multo.
Juliana: Kinailangan kong magpanggap na patay na para makaiwas sa peligrong maaring ibigay ng aking trabaho sa inyo.
Yasmin: Nagpatay-patayan ka lang sa kabaong ma?
Juliana: Hindi anak. Iyun ay isang uri ng technique na pinaghalong siyensya at mahika gamit ang isang lason na nakapagpapawala ng pulso at hininga.
Yasmin: Aaahh. Eh, pano ka naman nakalabas sa kabaong at sa simenteryo?
Juliana: Sa tulong ng Pinuno.
Yasmin: Pinuno? Sino yun?
Juliana: Malalaman mo rin pagdating ng panahon.
Yasmin: O.. okay.
Yasmin: Eh, pano si papa? Alam na ba nya?
Juliana: Hindi na nak. Mas mabuti nang wala tayong koneksyon sa kanya.
Juliana: Mas pinili ko na ipaalam sayo dahil alam kong matalino at malakas ka. Hindi kagaya ng papa mo na marupok at mahina. Kaya mas magiging kampante ako kapag kasama kita.
Yasmin: Okay po.
Juliana: Kaya simula bukas mageensayo tayo para mas mapalawak natin ang kaalaman mo. Okay ba sayo yun?
Yasmin: Opo! Sige po ma.
Juliana: Okay.
Yasmin: Magiging secret agent na din po ba ako gaya nung napapanood ko sa TV?
Juliana: Oo anak. Ang karunungan sa Dimensiyon ang pinakamagandang maipapamana ko sayo.
Yasmin: Basta kasama lang kita mama, masayang masaya na ko.
Juliana: Talaga, nak?
Yasmin: Opo ma! Kahit ano pa po ipagawa nyo sakin okay na okay lang po.
Niyakap ng ina ang kanyang anak.
Juliana: Tuturuan kita kung paano ipagtanggol ang sarili mo laban sa masasamang nilalang.
Kinabukasan ay tinuruan ni Juliana si Yasmin ng mga basic fighting skills. Kapansin pansin na wala pang karanasan ang dalagita sa pakikipaglaban pero pursigido itong matuto alang alang sa pagsasama nila ng ina.
Lumipas ang mga araw ay malaki ang naging improvement ng dalagita. Natutunan nya ang malapitang pakikipaglabanan, maliksing pagkilos at patagalin ang sarili sa takbuhan. Nanumbalik ang sigla ni Yasmin.
Sa sumunod na mga araw ay tinuruan naman sya sa pagasinta sa mga bagay gamit ang iba't ibang mga improvised na sandata. Sa pagpupursige ng dalagita, mabilis nyang natutunan ang pagiging sharp shooter. Nang sila ay nagpapahinga na sa may halamanan, sila ay nagusap.
Juliana: Ang galing mo na anak. Napakadali mong turuan.
Yasmin: Syempre naman ako pa ba ma?
Tumingin si Juliana sa isang halaman.
Juliana: Tingnan mo tong halaman na to.
Tumingin ang dalagita sa halaman.
Yasmin: Parang nakita ko na yan sa libro na nasa kwarto ko.
Juliana: Kapag natusok ka ng tinik ng ugat ng halaman na yan, maari mong ikamatay.
Yasmin: Hah? Talaga ma?
Juliana: Oo. Pero kapag ihalo mo ang mga root extracts ng halamang yan sa halamang ito (tinuro ang isa pang halaman) ang pinaghalong extracts nila ay maaring makagaling ng malulubhang sakit.
Yasmin: Wow! Ang galing naman ma.
Juliana: Ganun din sa buhay nak, hindi lahat ng dagok na dumadating sa ating buhay ay nakakasama. Ito'y maari nating gamiting tulay para sa kabutihan. Nasa sa atin nalang kung paano natin titingnan ang mga bagay bagay.
Napangiti ang dalagita at niyakap nya ang kanyang ina.
Yasmin: Thank you ma.
Juliana: I love you anak.
Yasmin: I love you too ma!
At ang dalawa ay niyakap ang isa't isa.
Juliana: Ang sanlibutan ay konektado sa isa't isa. Ang mga halamang ito ay malaking pakinabang sa mga nabubuhay. Ngunit pagdating ng panahon pag tayo'y pumanaw na, tayo naman ang pakikinabangan ng mga halaman at lupa.
Yasmin: ...
Ang hardin na to ay naglalaman ng mga halamang kapakipakinabang sa atin. Gamitin natin to at ating pagyamanin.
Yasmin: Okay ma.
Juliana: So, ready ka na ba sa susunod mong training?
Yasmin: Opo ma.
Bumalik ang dalawa sa kanilang tahanan at pumasok sa isang silid para sa pag-aaral ng mga halaman. Nang matuto na si Yasmin gumamit ng mga halamang gamot, itinuro na rin sa kanya ng kanyang ina ang paggamit ng black magic.
Itinuro sa kanya ang Blood Compact Possession skill, isang itim na mahika na kayang manipulahin ang utak ng biktima gamit ang espesyal na recipe na inihahalo sa dugo ng gumagamit at ipinapahid sa mga sandata.
Kapag ang pinahid na recipe na may dugo ng gumagamit ay humalo sa dugo ng biktima, maaari nang manipulahin ang utak ng biktima gamit ang isang orasyon. Mas epektibo ang skill na ito sa pangmalayuang sandata dahil ginagamitan pa ng orasyon para mapagana ang mahika.
Matapos pumasa ni Yasmin sa mga training ng kanyang ina ay sinabak na ito sa mga misyon kasama sya. Ang mga misyon na ito ay pinopondohan ng kanilang pinuno.
Isang araw ay bigla nalang sumagi sa isip ng dalagita ang kanyang best friend na si Kisha. Nais nya itong makita at nagpaalam sa kanyang ina kung maari nyang makita ang kaibigan. Pumayag ito pero may kundisyon na hindi nya ipapaalam sa kaibigan ang kanilang sikreto.
Itutuloy... Basahin ang kasunod
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento