Nena Ang Spirit Detective 33
"TAGPUAN"
EKSENA SA MAY PARK SA TABI NG ISANG PAARALAN
Uwian na nila Kisha. Si Yasmin ay nagaabang sa isang bench na dinadaanan ng mga estudyante kung saan sila madalas magkita ng kanyang best friend na si Kisha. Siya ay nakasuot ng itim na cap at kakaiba sa mga kadalasan nyang sinusuot.
Maraming estudyante ang dumadaan sa harap ng kinauupuan ni Yasmin habang sya ay nakikinig ng paborito nyang mga kanta gamit ang isang sporty wireless headset. Ilang saglit lang ay lumabas sa gate ng paaralan si Kisha kasama ang iba nyang classmate. Napatingin si Kisha kay Yasmin pero hindi nito nakilala ang dalagita.
Nang sila Kisha ay medyo nakalayo na, sinundan sila ni Yasmin. Sa kanto ng isang kalsada, naghiwalay na ng landas sila Kisha at ang kasamang classmate. Huminto si Yasmin at inantay niya kung saan tutungo ang kaibigan. Lumiko si Kisha patungo sa subdivision kung saan ito nakatira. Nakasunod lang si Yasmin sa di kalayuang distansya.
Nang wala na masyadong tao, agad na tumakbo papalapit sa kaibigan si Yasmin ng hindi napapasin. Agad na hinawakan ni Yasmin ang bag ni Kisha at sinabing "Holdap!" Napatigil si Kisha at bahagyang nabosesan ang best friend. Pero ito ay kinabahan at hindi nalang gumalaw.
"Akina ang bag mo" sabi ni Yasmin. Si Kisha naman ay di gumagalaw at tinanggal nalang ang suot nitong backpack. "Nakupo! Holdap. Sayo na yang bag ko wag mo lang akong saktan" sabi sa isip ni Kisha.
Yasmin: "Hahahaha!" Talagang ibibigay mo bag mo te?
Napatalikod si Kisha at gulat na gulat sa kanyang nakita.
Kisha: Yasmin?!
Yasmin: Aha.
Agad na niyakap ni Kisha ang kanyang best friend.
Kisha: Anong nangyari sayo? Alam mo bang hanap kami ng hanap sayo?! Bat di ka na pumapasok?
Yasmin: Hmmm... Secret lang natin to ha? Wag mong ipagsasabi kahit kanino.
Kisha: Hmmm... Don't tell me nakipagtanan ka na?!
Yasmin: Yuck bes! Di ako ganun no. Eeewww!
Kisha: Eh ano ngang nangyari sayo bat antagal mong nawala? Alam na ba nila tita Tina?
Yasmin: Hindi. Walang nakakaalam ikaw lang.
Kisha: Hah? Eh bat.. San ka nga kasi?
Yasmin: Namiss lang kita, bes.
Kisha: Halika nga dito.
Kinuha ni Kisha ang kamay ni Yasmin at hinatak ito sa isang bench na nasa madamong lugar. Sila ay naupo sa bench.
Kisha: Okay ka lang ba? Bat parang anlaki ng pinagbago mo? Parang pumayat ka.
Yasmin: Hay nako, okay na okay ako bes pero sorry di ko talaga pwedeng sabihin kung san ako nakatira ngayon. Di pa ngayon, maybe someday.
Kisha: Ah bahala ka nga kung ayaw mo magkwento!
Kisha: Pero buti naman okay ka at "sana lang" okay ka talaga.
Yasmin: Wag mong sasabihin kahit kanino ha? Sayo ko lang to sinabi.
Kisha: Hay! Nakakainis to!
Kisha: Sige na nga, oo promise na, di ko ipagsasabi.
Yasmin: Talaga?
Kisha: Oo nga promise.
Yasmin: Kahit kila tita Jinky at tito Buboy wag mong sasabihin ha. As in, sating dalawa lang.
Kisha: Oo na bes, oo na nga di ko ipagsasabi.
Yasmin: Di pa talaga ako pwede magkwento, eh. Sorry ha. Ikaw nalang magkwento, bili.
Kisha: Hay nako... Ayun, si mam Bautista ganun parin. Pero mas grabe sya ngayon, napakasungit nya, nakakairita!
Yasmin: Hah, di kaya.
Kisha: Hinde kasi favorite ka.
Yasmin: Magaling kaya magturo yun.
Ang dalawa ay nagkwentuhan pero hanggang sa dulo ng kwentuhan nila ay di sinabi ni Yasmin ang kanyang sikreto kahit nakailang pilit si Kisha. Nagpaalam sila sa isa't isa at nangakong magkikita uli sa kanilang tagpuan.
Di sila madalas magkita, pero tuwing nagkikita ay sabik na sabik silang magkwentuhan. Hanggang sa isang araw, may hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Na-late ng dating si Yasmin sa kanilang tagpuan at nagtaka ito kung bakit wala doon ang best friend. Naupo ang dalagita sa bench.
Yasmin: (sa isip) Hala baka umuwi na yun. Sige antayin ko muna. Makapag-soundtrip nga muna habang naghihintay.
Mga ilang minuto ang nakalipas, wala parin si Kisha.
Yasmin: (sa isip) san na kaya yun? Baka talaga umuwi na yun.
Nagalala si Yasmin kung nasaan na ang kanyang best friend. Unti-unti naring dumadami ang lamok kaya nagpasya ang dalagita na umuwi nalang. Gusto nyang tawagan ang kaibigan dahil kabisado nito ang number nya, pero di sya pwedeng gumamit ng ibang sim card.
Tanging ang app lang nila ng mama nya ang ginagamit ng dalagita na nakakonekta sa isang private connection. Habang naglalakad si Yasmin, napatigil ito.
Yasmin: (sa isip) Di talaga ako mapalagay ah. Kahit kelan di ako inindian nun e. Puntahan ko kaya sa kanila?
Itinuloy nya ang kanyang paglalakad pero ilang saglit lang ay humintong muli.
Yasmin: (sa isip) Sige na nga check ko lang kung nandun sya.
Pumunta ang dalagita sa bahay ng best friend at nag-over the bakod ito. Patagong minanmanan ni Yasmin ang bahay nila Kisha. Sinilip nya ang kwarto ng best friend pero wala ito doon. Umakyat sya sa may terrace at narinig nya ang daddy ni Kisha na si Buboy na may kausap sa phone.
Buboy: Ano?! San naman ako kukuha ng ganun kalaking pera?!
Nanahimik ang daddy ni Kisha na tila nakikinig sa kausap. Maya maya nagsalitang muli ang daddy ni Kisha.
Buboy: Kisha, anak antayin mo ko dyan. Susunduin kita..
Biglang natigilan ang daddy ni Kisha sa pagsasalita. Ilang saglit lang ay nagsalita itong muli.
Buboy: Sige, sige gagawa ako ng paraan.
Nang mga oras na yun ay sumagi na sa isip ni Yasmin na nakidnap ang best friend. Nakaramdam sya ng pagsisisi ng mga oras na yun pero nanatiling tahimik lang at nakikinig sa usapan.
Nagsalita bigla ang mommy ni Kisha na si Jinky.
Jinky: Anong nangyari?
Buboy: Nakidnap si Kisha.
Jinky: Ano!? Hay jusku po!
Buboy: Sampung milyon! (napamura) san ako kukuha nun! (Sabay kalampag sa lamesa)
Jinky: Sabihin na natin to sa mga pulis!
Buboy: Wag! Wag muna! Uutang nalang muna ako kay Danny (kaibigan ni Buboy).
Jinky: Sige sana pahiramin ka.
Buboy: Gagamitin ko lahat ng pera sa bangko. Isasanla ko rin ang sasakyan pati yung mga alahas. Kasya na siguro yun.
Jinky: Sige sige sana lang wala silang gawing masama kay Kisha. Jusko!
Buboy: Tatawag uli bukas yung kidnapper kaya dapat makumpleto ko yung pera.
Nagusap parin ang magasawa pero ayaw na makinig ni Yasmin. Tahimik na bumaba ang dalagita sa terrace, lumabas sa bakod at balisa na naglakad pauwi sa safe house nila ng kanyang ina. Habang naglalakad, naluha nalang bigla ang dalagita.
Yasmin: (sa isip) Kasalanan ko to e. Dapat di nalang ako nakipagkita sa kanya.
Nawala sa sarili ang dalagita at sya ay bumangga sa isang lalaking naglalakad. Tumapon ang iniinom na softdrinks ng lalaki na nakalagay sa plastic cup na may straw.
Lalaki: Uy! Ano ba miss! Tingnan mo naman yung dinadaanan mo.
Yasmin: ...
Napatingin si Yasmin sa tumapong softdrinks at bigla itong napaisip. Napansin ng lalaki na balisa ang dalagita kaya't hinayaan nalang ang tumapong inumin.
Lalaki: Okay ka lang miss?
Walang imik si Yasmin, pero ilang saglit lang ay bumalik ito sa kamalayan.
Yasmin: Ay... sorry po kuya.
Lalaki: Yaan mo na yun.
Tumango si Yasmin at nagmadali na sa kanyang paglalakad. Napailing nalang ang lalaki at umalis na rin.
Yasmin: (sa isip) Hahanapin kita bes! Di ako susuko. Iisipin ko nalang na isa tong misyon.
Nang sya ay nasa liblib na lugar na papunta sa kanilang safe house, tumakbo na sya pauwi.
Agad nyang binuksan ang pinto at nagulat sa kanya ang kanyang ina na naglalaptop.
Juliana: Oh! Anong nangyari?
Sinara ni Yasmin ang pinto at lumapit sa kanyang ina.
Yasmin: Nakidnap si Kisha.
Juliana: Hah?! Kelan pa?... Confirmed na ba?
Yasmin: Oo ma. Nagpunta ako sa kanila pero nagtago lang ako at nakinig sa usapan nila.
Juliana: Okay.
Napaisip ang dalawa.
Juliana: Hmmm... Alam mo ba ang email password nya?
Naalala ni Yasmin na alam nila ang password ng isa't isa sa isang social media app.
Yasmin: Oo ma alam ko password nya sa FB pero di ko sure kung same lang sa email nya.
Juliana: Okay. Try natin pero hindi dito. Dun nalang kung saan kayo madalas magkita.
Yasmin: Sige ma! (Excited)
Juliana: Prepare mo mga gamit mo, over time tayo ngayon.
Yasmin: Okay.
Naghanda ang dalawa ng kanilang mga gamit na tila sila ay sasabak sa isang misyon. Lahat ng mga importanteng bagay na madadala ay kanilang dinala.
Itutuloy... Basahin ang kasunod
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento