Nena Ang Spirit Detective 34

"BLOOD COMPACT POSSESSION SPELL"

PUMUNTA SILA YASMIN AT JULIANA SA TAGPUAN NILA NG KAIBIGAN

Gamit ang sasakyan ng kanyang ina, pinuntahan nila ang tagpuan ng kaibigan. Nang sila ay makarating sa tagpuan, nilabas ni Juliana ang isang cellphone sa loob ng drawer sa front seat. Binuksan ito at inopen ang email app.

Juliana: Try mo i-log in yung email ng Kisha.
Yasmin: Okay.

Nag-login si Yasmin at naopen nya ito. Inabot nya ang cellphone sa ina at inopen ang find my device.

Juliana: Last seen sya sa may kanto ng street na ito.
Yasmin: Tara?
Juliana: Okay.

Nang sila ay makarating sa kanto wala silang mahanap na clue.

Juliana: Magaling ang mga kumidnap sa kanya. Dito nila in-off yung phone ni Kisha habang nasa sasakyan.
Yasmin: Balik tayo sa may bench baka may mahanap tayong clue.
Juliana: Okay.

Bumalik sila sa may bench. Gamit ang flash lights naghanap sila ng clue. Wala silang nahanap. Medyo malamok sa lugar at nakagat si Yasmin. Pinatay nya ito gamit ang palad.

Nang makita nya ang dugo sa palad, sumagi sa isip nya ang blood compact possesion spell. Naisip nya na baka nanlaban ang kaibigan at may naiwan na dugo sa lugar.

Kung sakaling meron, maari nilang gamitan ng mahika at manipulahin ang utak ng nagmamayari ng dugo. Sa proseso lang ng pag-release ng orasyon, agad nilang malalaman ang eksaktong lokasyon ng may ari ng dugo.

Yasmin: Ma!
Juliana: Oh?
Yasmin: Gamitan natin ng mahika!
Juliana: Hmmm... Magaling ang naisip mo. Teka kukunin ko yung blood detector light.

Kinuha ni Juliana ang blood detector light na nakapagpapaliwanag ng dugo kapag naaninag ng ilaw nito.

Inilawan nila ang paligid pero wala silang nakitang dugo. Pinuntahan nila ang lokasyon ng last seen ni Kisha pero wala paring dugo.

Bumalik sila sa bench. Medyo nawawalan na ng pagasa si Yasmin.

Juliana: Kailangan nating magisip pa ng paraan.
Yasmin: ...

Naupo si Juliana sa bench at nilapag ang blood detector light sa kanyang tabi. Habang nagiisip si Yasmin ay napatingin sya sa BD light at may napansin syang kaunting glow sa may upuan.

Yasmin: Dugo!
Juliana: Hah? San?
Yasmin: Ayun!

Tinuro ni Yasmin ang kaunting nagliwanag na dugo sa upuan. Pagtingin ni Juliana ay alam nya na kagad na dugo ito.

Juliana: Ako na ang gagamit. Mas pamilyar ako sa syudad.
Yasmin: Okay.

Binuhusan ni Juliana ang kaunting dugo ng Blood Compact Possesion Liquid. Sinabi ang orasyon at naglakbay ang diwa nito patungo sa kamalayan ng may ari ng dugo.

Pagdilat nya ay sumambulat ang magulo at madilim na bodega na may mga basyo ng mga boteng walang laman.

Juliana (May ari ng dugo): (sa isip) Gringo's restobar. Matagal nang nagsara to.

Napansin ni Juliana na basa ang mata ng may-ari ng dugo at nakagapos ito.

Juliana (may ari ng dugo): Kisha?

Ipinikit nya ang mata at inalala ang mga nangyari.

Nakaupo si Kisha sa bench, matagal naghintay, nakagat ng lamok at ipinahid sa bench ang dugo, may dumating na puting van, lumabas ang isang maskuladong lalaki, tinakpan ang kanyang bibig ng panyo at biglang nagblackout.

Napadilat muli si Juliana na nasa katawan ni Kisha.

Juliana (katawan ni Kisha): Okay. Maliwanag na.

Binanggit ni Juliana ang orasyon para mapawalang bisa ang spell. Bigla nalang bumalik sa kamalayan si Juliana sa sariling katawan. Nakaabang si Yasmin.

Juliana: Alam ko na ang location nila!
Yasmin: San?
Juliana: Sa Gringo's restobar sa may Sumulong.
Yasmin: Tara!

Sumakay sila sa sasakyan at pinuntahan ang lokasyon. Habang nasa biyahe ay ikwinento ni Juliana ang kanyang nasaksihan gamit ang spell. Nagpark sila sa tagong lugar mga limang daang metro ang layo sa bar.

Juliana: Okay start na tayo.
Yasmin: Ma.
Juliana: Oh?
Yasmin: Pwede bang ipaubaya mo na muna sakin to?
Juliana: Bakit?
Yasmin: Gusto ko lang malaman kung kaya ko nang magsolo.

Napaisip si Juliana.

Juliana: 30 minutes.
Yasmin: Okay!
Juliana: Ready ka na?
Yasmin: Ready!

Nilabas ni Juliana ang kanyang timer at binuksan ang compartment. Agad lumabas si Yasmin at kinuha ang kanyang backpack na naglalaman ng mga gamit pangmisyon. Nang nagsimulang tumakbo ang dalagita ay sinimulan ni Juliana ang timer.

Magkahalong saya at galit ang naramdaman ng dalagita habang tumatakbo sa mapunong daanan. Nang malapit na sya sa nasabing bar, nagdahan dahan na ito. Sa di kalayuan lugar, gumamit sya ng foldable night vision binocular.

Kapansin pansin ang isang tao sa veranda na isang sniper at tagabantay sa malayong lugar. Ang bar ay napapaligiran ng mataas na bakod kaya't ang sniper lang ang nakita nyang target.

Mas nagingat sya sa mga kilos at dahan dahang umakyat sa isang katamtamang puno. Inilabas nya ang isang foldable selfie stick mula sa bag at hinila ang katawan nito. Inadjust nya ang hawakan at inilabas ang telescope. Ito ay naging improvised gun.

Ikinarga nya ang isang bilog na magazine na may lamang needle na may halong Blood Compact Possesion Liquid. Sumilip sya sa puno at inasintang mabuti ang sniper sa veranda ng abandonadong bar.

Nang nakasiguro na sa pagasinta pinindot nya ang button. Tinamaan sa leeg ang sniper.

Sniper: Aray!

Hinawi agad ng sniper ang tumusok na needle at  nagkaron ng kaunting dugo ang palad nito. Hindi napansin ang needle.

Sniper: Pambihira talagang mga lamok to. Dalawang katol na nga sinindihan ko e. Haay!

Dahan dahang bumaba si Yasmin sa puno at sumandal sa likod nito. Binigkas nya ang orasyon na makapagpapagana sa spell at agad na lumipat ang kanyang kamalayan sa sniper. Pinikit nya ang mata at binasa ang utak ng sniper.


Yasmin (sniper): Dalawa sa harap, dalawa sa likod, isa sa may pinto ng veranda, leader sa may bar area, i.t. sa loob ng isang kwarto, hostage sa bodega, gate nakalock, susing kulay ginto para sa bodega nasa leader. Copy!

Idilat ni Yasmin (sniper) ang mata at pumunta sa may pinto ng veranda. Binuksan ang pinto.

Yasmin (sniper): Magccr lang po ako.

Kasama ng sniper: Anak ng! Marunong ka pala mangupo. Haha! Sige bilis.

Yasmin (sniper): Sige.

Bumaba si Yasmin (sniper) at pumunta sa cr. Habang naglalakad ay umiisip na ito ng taktika para mailigtas ang kaibigan.

Yasmin (sniper): (sa isip) Mukang di pwedeng walang masasaktan. Armado tong mga pangit na to eh!

Pagpasok sa cr ay nakapagpasya na sya kung anong taktika ang gagamitin. Chineck nya ang mga gamit ng sniper.

Yasmin (sniper): Gloc 19, 15 bullets, 1 granade. Pwede na to.

Paglabas ni Yasmin (sniper) ay dumiretsyo sya sa leader ng grupo na naglalaptop. Itinutok bigla ang baril sa ulo ng leader at agad na pinutok.

BANG!

Nagulat ang mga tauhan.

Kasama ng sniper: HOY! Anong ginagawa mo?

Binaril ni Yasmin (sniper) ang nasa itaas na tauhan at tinamaan ito sa ulo. Lumabas ang i.t. ng grupo at binaril ito ni Yasmin (sniper) sa ulo. Agad nyang hinatak ang pin ng kanyang granada at ibinato sa may harap na pinto.

Tumakbo sya bigla sa may likod na pinto at pinutukan sa ulo ang dalawa pang pumasok na tauhan. Kasabay namang sumabog ang granada na agad na pumatay sa dalawang tauhan sa harap. Tumakbo sa gate si Yasmin (sniper) at binuksan ito.

Yasmin (sniper): Mission accomplished! Happy Halloween! Bye!

Itinutok sa ulo ang baril at ipinutok. Agad na nagdeactivate ang spell at nakabalik si Yasmin sa sariling katawan. Napahinga sya ng malalim at hiningal bigla. Di nya ininda ang pagka-exhausted at agad na tumakbo papasok sa gate ng bar.

Yasmin: (sa isip) Andyan na ko bes!

Kinuha ni Yasmin ang susing kulay ginto na nasa bulsa ng bangkay nang leader at binuksan ang bodega. Nagulat ang umiiyak na kaibigang nakagapos. Kinalagan nya si Kisha at tinanggal ang nasa bibig nito. Niyakap nila ang isa't isa.

Yasmin: Sorry bes, kasalanan ko to eh! Di sana mangyayari sayo to kung di dahil sakin.

Umiiyak lang ang kaibigan. Nag-message si Yasmin sa kanyang ina "Pasundo na ma". Inalalayan nya ang kaibigan palabas ng bar at sila ay pumasok na sa sasakyang kararating lang.

Itutuloy... Basahin ang kasunod

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5