Nena Ang Spirit Detective 35
"MASAMANG PANAGINIP"
EKSENA SA KWARTO NI NENA SA KASALUKUYANG ORAS:
Nang makauwi si Nena ay nakatulog agad ito. Di na nya nakuha ang alagang si Ming sa pet sitter. Nang sya ay makatulog, sya ay nanaginip.
Sa panaginip ni Nena:
Pauwi ang dalaga galing sa headquarters. Napansin nya ang kagandahan ng liwanag ng buwan. Ilang saglit lang ay biglang nagdilim ang paligid.
Nakarinig sya ng mga yabag ng kabayo.
Nena: Tikbalang? Hmm.. Anong ginagawa mo dito sa syudad?
Maya maya ay biglang lumakas ang mga yabag at biglang lumindol ng malakas.
Nena: Ano to!
Umalingawngaw ang malakas na tawa ng isang halimaw. Pagkalingon ni Nena sa headquarters ay bigla itong gumuho at lumabas ang higanteng tikbalang.
" HAHAHAHAHA!!!!"
Agad na hinugot ni Nena ang kanyang spirit gun at itinutok sa higanteng tikbalang.
Nena: Ah! Anong kailangan mo! Bakit ka nanggugulo dito sa syudad!
Tumakbong bigla ang higanteng tikbang papalapit kay Nena para umatake.
Nena: Wag kang lalapet! Papuputukan kita promise!
Di nakinig ang higanteng tikbalang at inatake si Nena. Agad namang tumalon paatras si Nena para umiwas. Nawasak ang sahig sa lakas ng pagatake gamit ang kamay ng higanteng tikbalang.
Nena: Ayaw mong makineg! Etong sayo!
BANG!
Pinaputukan ni Nena ang higanteng tikbalang at tinamaan ito sa ulo. Napaatras lang ng bahagya ang ulo nito.
Nena: Hah? Hindi tinablan?!
Tumakbong muli ang higanteng tikbalang papalapit kay Nena. Hindi inaasahan ni Nena ang bilis ng pagatake ng halimaw kaya tinamaan siya ng suntok gamit ang kaliwang kamay nito.
Tumalsik si Nena pati na ang spirit gun niya.
Nena: Ah... Anong klaseng tikbalang to?!
Ginamit ni Nena ang kanyang Dimensiyon instincts pero hindi gumana ang amulet nya.
Nena: Hah? Bat ayaw?
Tumakbong muli ang higanteng tikbalang palalapit kay Nena. Hindi magawang lumaban ni Nena dahil tila wala syang kapangyarihan at ang spirit gun nya ay tumilapon kaya naman tumakbo nalang sya papalayo sa halimaw.
Mabilis syang tumakbo papalayo pero mabilis din syang nahabol ng higanteng tikbalang. Nagpakawalang muli ang halimaw ng isang malakas na pagatake pero nagawang umiwas ni Nena.
Tumakbo ang dalaga pakanan papasok sa mapunong daanan. Hinabol parin sya ng higanteng tikbalang pero ito ay bahagyang bumagal dahil sa mga puno. Napansin ni Nena na mabilis syang mapagod di kagaya ng normal nyang stamina.
Nena: (sa isip) Ano bang nayayari sakin?!
"WWWRRRRAAAHHHH!!!"
Sumigaw ang higanteng tikbalang at bumilis ang takbo nito. Binilisan din ni Nena ang takbo paakyat sa mapunong daanan pero tila nauubusan na sya ng lakas.
Nena: Aaaaaahhh!!!! Kaya ko to!
Pinilit nyang tumakbo sa abot ng kanyang makakaya at nakaratig sa tuktok. Di nya namalayan na bangin pala ang dulo ng daanan. Nahulog sya sa bangin.
Nena: Aaaaahhhhh!!!
Nang sya ay babagsak na agad syang nagising.
EKSENA SA KWARTO NI NENA:
Nagising si Nena sa kanyang masamang panaginip at sya ay napaupo sa kanyang pagkakahiga.
Nena: Panaginip lang pala! Grabe kala ko totoo na!
Pumunta si Nena sa kanyang kusina at uminom ng tubig.
Nena: (sa isip) Bat mo ko binisita sa panaginip ko? Anong mensahe mo?
Tumunog bigla ang phone ni Nena nang dance tone. Sinagot ni Nena. Si Captain Clara ang tumawag.
Nena: Yes po?
Clara: Report ka sa office asap.
Nena: Anyare kap?
Clara: Na hack ang system ng org.
Nena: Na hack? Sinong nanghack?
Clara: Natrace namin ang address. Galing sa bahay ni Doc Karl.
Nena: Hah?! Bat nya naman gagawin yun?
Clara: Yan ang iniimbistigahan namin ngayon. Isa sa mga tinitingnan naming anggulo ay ang item galing sa mission ni Marjorie.
Nena: Yung envelope? Baka nga may koneksyon. Ano daw sabi ni doc Karl?
Clara: Di sinasagot mga tawag namin pero on the way na ang team sa bahay nya.
Nena: Ok, copy.
Nagmadali si Nena sa pagprepare at nagreport sa office. Bago pa sya pumasok tumakbo palabas ng building si Captain Clara.
Clara: Tara sa sasakyan!
Nena: Hah? Bakit?
Clara: Nag-suicide si doc Karl.
Nena: Hah?! Hala ano ba yan?!
Pagdating nila sa bahay ng researcher, naabutan nila ang mga pinadalang spirit detectives kasama ang mga otoridad. Inilabas sa stretcher ang bangkay ng biktima. Lumabas ang tanyag na detective ng otoridad na si inspector Valdez.
Valdez: Inaalam pa namin ang motibo ng panghahack at pati na ang dahilan ng pagpapakamatay.
Tahimik lang si Nena at pumasok sa sala kung saan naganap ang suicide. Agad na ginamit ng dalaga ang kanyang Dimensiyon Instincts para makita ang kaluluwa ng namatay.
Wala syang nakita. Pero may napansin syang kakaiba sa dugo ng biktima. Kumuha sya ng dalawang sample at lumabas na sa sala.
Clara: May nakita ka bang kakaiba?
Nena: May kakaiba sa dugo ng biktima. Kumuha ako ng dalawang sample.
Clara: Anong nakita mo sa dugo?
Nena: Parang kagaya ng nasa envelope.
Clara: Okay. Maaaring isa itong homicide. Nasa envelope at sa mga samples na yan ang clue.
Tumango si Nena.
Nena: Ang isang sample ay para sa organisasyon. Ang isa ay ipapatingin ko kay Tonyo.
Bumalik sila Nena at Captain Clara sa office. Pinabuksan nila ang laboratoryo ng yumaong researcher. Laking gulat nila ng makita nila ang nasunog na envelope sa loob ng case. Ang envelope ay may natitira pang enerhiya na kagaya sa nakita ni Nena sa crime scene.
Nena: Positive!
Napalakad sa may pinto si Captain Clara at napaisip.
Clara: Ang mga gumagawa ng mga lagusan. Ang grupo nila Ian. Sila ang nasa likod nito. Anong pinaplano nila? Kailangan kong makausap si President Belmonte (presidente ng organisasyon).
Nena: Okay kap. Dadalhin ko narin kay Tonyo itong mga item para ma-examine.
Clara: Okay. Akina yung isang sample. Ako nang bahala.
Iniabot ni Nena ang isang blood sample sa kapitan at pumunta sa kaibigang si Tonyo na eksperto sa medisinang natural.
Itutuloy...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento