Nena Ang Spirit Detective 36
"ANG EKSPERTO SA BLACK MAGIC HEALING"
Makalipas ang dalawang araw, bigo parin ang baguhang I.T. ng Spirit Detective Organisation na si Mr. Guanzon na irepair ang system. Tigil sa operasyon ang organisasyon kaya't nagpatawag ng meeting ang president ng kompanya na si Mr. Belmonte para sa bagong system na pinaplano nito.
EKSENA SA MEETING:
President: Kailangan na natin ng bagong system kung hindi na kayang irepair ang luma. Dalawang araw na tayong tigil operasyon at marami naring mga complains ang dumadating.
Mr. Guanzon: Yes Mr. President agree po ako sa disisyon nyo. Di na po talaga kayang irepair dahil napakakomplikado ng pagkakagawa ng lumang system na galing kay Doc Karl. Sorry, doc (napatingin sa taas)
Mr. Belmonte: Okay. Ano bang mga kakailanganin mo sa bagong system?
Mr. Guanzon: Kailangan ko ng magaling na programmer, yung may magandang background.
Tumingin ang presidente sa Human Resource Manager ng organisasyon na si Ms. Aliyah Ramirez.
Mr. Belmonte: Ms. Aliyah may mga applicants ba tayong Computer Programmer?
Ms. Aliyah: Actually kahapon may nagpasa ng resume. Na impress kami sa background nya at pati narin sa mga website samples nya. Naalala nga namin si Doc Karl sa kanya. Sa lahat ng applicants sa programming, eto yung the best.
Mr. Belmonte: Okay, hire nyo sya asap.
Biglang sumingit si Captain Clara sa usapan.
Captain Clara: Sigurado ba kayo dyan, mister president? Di bat under investigation parin ang pagkamatay ni Doc Karl na may posibilidad na threat sa organisasyon ang mga nangyari?
Captain Arvin: Tama. Kailangan siguro irepair nalang yung lumang system kahit matagalan. Ready naman kami sumabak sa mano manong sistema habang inaayos pa.
Mr. Belmonte: May point kayo at naiintindihan ko ang mga side nyo. Pero wala tayong choice. Kakailanganin at kakailanganin natin ng bagong programmer. Di natin pwede iasa kay Mr. Guanzon lahat.
Captain Clara: Matinding character investigation nalang siguro ang kailangan.
Ms. Aliyah: We'll make sure of that, Cap!
Tumango ang kapitan.
Napaisip nalang ang dalawang kapitan. Nagpatuloy ang meeting nila tungkol sa bagong sistema na isasagawa.
Kinagabihan nung araw na yun, ang resulta ng research ni Tonyo sa blood sample na ibinigay ni Nena ay ready na. Nagtext si Tonyo kay Nena.
Eksena sa text message:
Tonyo: Tsaa tayo.
Nena: Ok
Tonyo: Andito si Kuya Ruds pati papunta daw si Marj.
Nena: Sige punta na rin ako.
Tonyo: ingat
Nilagay ni Nena ang cp sa kanyang bag. Hinimas himas nya ang kanyang alagang si Ming.
Nena: Pano ba yan aalis nanaman si Mommy. Dun ka muna uli kay kuya David (pet sitter) ha.
Ming: Meow!
Pagdating ni Nena sa shop ni Tonyo, kakarating lang din ng malungkot na best friend ng yumaong researcher na si Marjorie.
Eksena sa shop ni Tonyo:
Nena: Okay ka na girl?
Marjorie: Medyo. Ganun lang talaga siguro ang buhay una-unahan lang. Malaman ko lang talaga kung sinong may pakana nito, lagot sya sakin!
Rudy: Hmm.. siguradong bugbog sarado sakin yun!
Inilapag ni Tonyo ang kanilang tsaa at naupo narin.
Tonyo: May findings na ko sa blood sample at sa envelope.
Napatingin lahat kay Tonyo.
Nena: Anong nakita mo?
Tonyo: Natural extracts lang. Rare type ng poisonous plant pati healing plant.
Nena: Okay. May posibilidad pala na nilason si Doc Karl? Pero nag-suicide sya gamit ang baril.
Tonyo: Pwede rin. Pero ang combination ng extracts ng dalawa ay hindi poison. Mas malakas na healing properties ang resulta.
Nena: Hah? Pano nangyari yun?
Tonyo: Yun ang misteryo. Pero nung inexamine ko yung elements na nasa envelope, parang nagkaron ako ng idea kung para saan yung extracts.
Nena: Ano naman yung nasa envelope?
Tonyo: Present ang dalawang extract sa envelope, may may elements din ng normal na makikita sa envelope. Pero may nakahalo ring dugo sa nakita ko sa envelope.
Nena, Rudy, Marjorie: Hah???
Nena: Kay doc Karl ba?
Tonyo: Hindi. Dugo ng ibang tao. Kaya nagka-idea ako na isang type ng kulam ang nangyari.
Nena: Hmmm...
Marjorie: Sabi ko na e! Di talaga magagawa ni Karl yun. As in, promise.
Rudy: Hmmm...
Tonyo: Kulang ang dalawang extracts at dugo, syempre may secret ingredient pa ang recipe na nakumpirma ko kay ate.
Nena: Ate?
Tonyo: Kapatid ko.
Biglang may kumatok sa shop ni Tonyo.
Tonyo: Sakto! Pinapunta ko rin si ate para sya magexplain sa inyo.
Pumasok si Alice.
Tonyo: Guys si ate Alice.
Alice: Hi.
Lahat: Hello!
Nena: Ngayon lang samin nabanggit ni Tonyo na may kapatid pala sya.
Alice: Ahaha. Medyo masikreto kasi yan si Ton.
Nena: Medyo nga.
Alice: By the way, I'm Alice. May clinic ako dito sa syudad, specialising in natural ang spiritual healing. Isa rin akong tagapangalaga ng mga sagradong aklat ng mahika at experto sa paggamit ng itim na mahika sa panggagamot. Pamilyar ba kayo dun?
Rudy: (napatitig kay Alice at napalunok) ...
Marjorie: Wow! Hindi po.
Nena: Black Magic Healing? Parang ngayon ko lang narinig.
Alice: Ako lang siguro ang gumagawa. Mas matindi ang healing process na ginagamitan ng black magic.
Naupo si Alice at binigyan ng tsaa ng kapatid.
Well anyway, masasabi ko na ang ginamit na mahika sa namatay na researcher ay isang mataas na klaseng mahika.
Alice: Ang mga halamang gamot ay mahirap mahanap at hinaluan ito ng dugo ng gumagamit para ikonekta ang kanyang DNA sa kanyang target.
Nena: Hah?!
Marjorie: Oh my?!
Rudy: Pambihira!
Alice: Kapag successful ang paggamit, maaaring ma-access ng user ang katawan ng biktima gamit ang isang sumpa na mahigpit na pinagbawal matagal nang panahon.
Alice: Kaya naman, ang gumagamit nito ay may access sa isang libro na matagal nang nawawala. Nag-iisa nalang ang libro na yun at itinago ng hari ng masasamang espirito.
Rudy: Ang misyon ni...
Nena: Ian.
Marjorie: ?...
Alice: Sa tingin ko ay successful ang pinakamagaling na spirit detective sa kanyang misyon na mahanap ang libro pero hindi sya naging matagumpay na iwasan ay temptasyon na gamitin ang ipinagbabawal na aklat ng itim na salamangka.
Nena: ... (Sa isip) baliw talaga! Na-addict na sa kapangyarihan.
Rudy: Eksakto ang mga sinabi mo.
Marjorie: Ibig sabihin, sila sir Ian ang may kagagawan ng pagkamatay ni Karl?
Alice: Hindi lang ang researcher ang kanilang target.
Nena, Marjorie, Rudy: Hah?!
Alice: Nakikita kong balak nilang ibagsak ang organisasyon para wala nang maging hadlang sa kanilang plano.
Nena: Plano?
Alice: Ang sagipin ang nasisira na nating mundo gamit ang itim na mahika.
Lahat: Hah?!!!
Nena: Pano naman nila naging plano yun?
Marjorie: Yay! Ang gulo!
Rudy: Baka sila ang sisira ng mundo?
Alice: Nakasaad sa libro na dapat panatilihin ang balanse ng mundo. Pero sa patuloy na pagyabong ng teknolohiya ay naisasantabi na ang tunay na halaga ng inang kalikasan.
Alice: Tayo ngayon ay nabubuhay sa mundo na pinapatakbo ng pera para sa kaayusan. Pero sa likod nito ay nabubuhay tayo sa walang katapusang gyera. Walang katapusang pagkasira ng kalikasan para sa seguridad ng bawat isa.
Alice: Ang grupo nila Jun ay nais baguhin ang takbo ng kinabukasan para sa ikabubuti ng lahat. Pero mali parin dahil di kailangan idaan sa ganong paraan.
Nena: Maling mali.
Rudy: Dapat natin pigilan ang mga plano nila.
Marjorie: ...
Alice: Dapat maibalik ang libro sa sagradong kinalalagyan nito. Handa akong tumulong sa inyo kung kakailanganin.
Nena: Okay. Ipapaalam namin kay Captain Clara.
Rudy: Kailangan nating gumawa ng hakbang bago mahuli ang lahat.
Marjorie: (sa isip) ipaghihiganti kita Karl!
Alice: Kaya naman handa akong ialay ang sarili kong buhay para maibalik ang nawawalang aklat sa kinalalagyan nito. Yan ang aking misyon.
Nena: Kailangan nating gumawa ng plano.
Rudy: Tama ka dyan Ne. Kailangan nating mahanap ang pinagtataguan nila at pigilan ang kanilang plano.
Tonyo: Lumalamig yung mga tsaa nyo.
Napahigop ang bawat isa sa kanilang tsaa at itinuloy ang kanilang usapan.
Itututloy...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento