Nena Ang Spirit Detective 37

 "ANG MAPAGPANGGAP NA EMPLEYADO"

Kinabukasan matapos ang pagkikita ng mga spirit detectives at ng manggagamot na si Alice sa shop ni Tonyo, pinapasok kaagad ang bagong I.T. ng organisasyon na si Richard.

Imahe ni Richard bagong IT

Maagang pumasok si Richard para magpakitang gilas sa mga bagong katrabaho. In-introduce sya ni Mr. Guanzon sa building at ipinakilala sa mga empleyado.

Habang sila ay magsisimula na, may nangyaring di inaasahan.

Mr. Guanzon: Disconnected sa server? Pano nangyari yun? Pre pakicheck naman sa server room. Pasama ka nalang kay chief.

Richard: Sige.

Sinamahan si Richard ng isang guard on duty para i-check ang connections sa server room. Pumwesto sya sa blind spot ng CCTV camera sinundan sya ng gwardya.

Guard: Anong problema sir? Matatagalan ba ng repair yan?
Richard: Hmmm.. Saglit lang to. Maayos naman wiring system. Wala namang problema.

Naglabas si Richard ng isang pen. Pinindot nya ang button nito.

Guard: Para san yan sir?
Richard: Ah eto ba?
Guard: ... (Tumango)
Richard: Para sayo to.
Guard: Sakin? Anong klaseng ballpen ba yan?
Richard: Hi-tech to chief! Magugustuhan mo to.
Guard: Tamang tama paubos narin tinta ng ballpen ko e. Pano ba gamitin yan, sir?

Isinaksak bigla ni Richard ang pen sa may tyan ng guard at tinatakpan ang bibig nito gamit ang isang kamay. Dahan dahang inihiga ni Richard ang guard sa sahig hanggang sa mawalan ito ng malay.

Richard: Ganyan! Ganyan ang tamang paggamit nyan. Haha!
Richard: (sa isip)Hehehe.. matulog ka muna dyan chief, di ko kailangan mga opinyon mo.

Pumunta si Richard sa may server at inilabas sa kanyang bag ang isang box. Gumamit sya ng mahinang klaseng mahika sa box na nagpawala ng sealing technique dito.  Ginamit nya ang sealing technique bago pumasok sa building para hindi ma-detect ang laman ng kanyang bag.

Richard at pinatumbang gwardya

Pinindot nya ang mga dapat pindutin at ito ay umilaw.

Richard: Okay. Power supply naman.

Hinatak nya sa may sulok ang gwardya at tinanggalan ng uniform. Hinubad nya ang suot na damit at isinuot ang uniform ng gwardya. Inilagay nya ang hinabad na damit sa bag at pumunta sa power supply system ng building. Patago nyang nilapag ang isa pang box na kagaya ng nilagay nya sa server room.

Pumunta sya sa may third floor ng building kung saan naroon ang opisina ng presidente ng organisasyon. Habang naglalakad ay biglang tumawag sa kanya si Mr. Guanzon sa kanyang phone.

Mr. Guanzon: May problema ba sa connection?
Richard: Oo bro, patapos na to balik ako dyan kagad.
Mr. Guanzon: Copy, copy.

Eksena sa may basement:
Hindi alam ni Richard na may nakaramdam sa technique na kanyang ginamit. Si Bill, ang batang spirit detective na pinapunta ng S.D.O. division 24 para tumulong sa paggawa ng bagong system. Kaya naman nakakutob ito na may kakaibang nangyayari.

Pinuntahan nya ang pinanggalingan ng enerhiyang naramdaman at nagulat sa naka boxer shorts lang na gwardya sa sahig.Tinapik tapik nya ang gwardya pero hindi ito nagising. Chineck nya ang paghinga pati ang pulso ng gwardya at meron naman pareho.

Bill: Chief! Chief! Gising.

Tinapik tapik ni Bill ng mukha ng gwardya hanggang ito ay nagising.

Guard: Hahh?! Anong nangyari?!

Kinapa ang sinaksak sa kanya at napansin na parang tusok lang ito ng karayom.

Bill: Anong nangyari bat nakahubad ka?

Guard: Sinaksak ako nung bagong I.T.
Bill: Hah?!
Guard: Sinaksak ako ng ballpen dito (tinuro yung pinagsaksakan sa kanya) akala ko patay na ko e! Biglang nalang ako blackout.
Bill: Nasan na sya?
Guard: Di ko alam.
Bill: Sige, iparadyo mo nalang pagkabihis mo. May ichecheck lang ako dito.
Guard: Okay.

Lumabas na kagad ang gwardya papunta sa locker room. Napansin ni Bill ang kakaibang box na nilagay ni Richard.

Bill: Ano kaya to?

Eksena sa third floor:
Dumaan ang presidente sa harapan ni Richard habang kausap ang isang empleyado ng organisasyon.

Richard: (sa isip) target locked!

Pumasok sya sa isang pantry at inopen ang isang app sa kanyang cellphone.

Richard: (sa isip) 3,2,1... Happy New Year!

Pinindot nya ang isang button sa app.

BBBBOOOOOOOOOOMM!!!

Biglang sumabog ang mga nilagay nyang box sa server at sa power supply room. Umalingawngaw ang sigawan ng mga empleyado.

Huli na nang malaman ni Bill na isa palang bomba ang box na tinitingnan pero nagawa nya paring gumamit ng isang mahinang klaseng electrical barrier na kanyang kapangyarihan para protektahan ang sarili. Tumilapon sya sa pader, malubhang nasugatan at nawalan ng malay.

Naalarma ang mga kapitan at agad na pinalikas ang mga empleyado ng organisasyon. Ang mga may katungkulan sa search and rescue ay ginawa ang kanilang trabaho. Nang mga oras na yun, kakadating lang ni Nena sa opisina at laking gulat sa mga nangyari. Agad syang pumasok sa gusali para maghanap ng mga biktima ng pagsabog na gumawa ng sunog sa gusali.

Nena naghahanap ng biktima

Natagpuan si Bill ni Nena at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital. Nasawi ang ilang empleyado at ang iba naman ay malubhang nasugatan.

Nang makasiguro ang presidente na lahat ay nakalikas na, ito naman ay iniligtas narin ang sarili. Nakita ng mapagpanggap na si Richard ang presidente at kanyang nilapitan.

Richard: Mister president dito po!
President Belmonte: Okay.

Inalalayan ni Richard ang presidente papunta sa isang labasan sa may bandang gilid ng gusali. Sa labasan ay nagaantay ang isang puting van. Nagtaka ang presidente.

President Belmonte: Teka, san tayo papunta?
Richard: Sumakay po kayo sa van.
President Belmonte: Kaninong van yan? (Napatingin sa muka ni Richard at nagtaka bakit nakasuot ito ng pang gwardya)

President Belmonte: Richard?

Nakakutob ang presidente na isang impostor si Richard.

Richard: Yes mister president. Sumakay nalang po kayo sa van.
President Belmonte: Hindi ako sasakay dyan. Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa mga ginawa mo!

Hinugot ni Richard ang baril at itinutok sa likuran ng presidente.

Richard: Pumasok ka na sa van mister president!

Bumukas ang van at sumalubong si Yasmin.

Yasmin: Hi po mister president!

Agad na ginamitan ng dalagita ang presidente ng isang improvised pen na may balang needle. Tinamaan ang presidente sa may dibdib.

President Belmonte: Ahhh! Ano to?

Yasmin: Pampatulog lang po yan!

"MISTER PRESIDENT!!!" Sigaw ng isang kapitan ng organisasyon galing sa malayo. Napatingin si Richard at nakita sila ni Captain Arvin. Ilang saglit lang, nawalan ng malay ang presidente at inakay ni Richard papasok sa van.

Hinabol ng kapitan ang kinaroroonan nila sa abot ng kanyang makakaya pero agad na pinatakbo ng driver ng van ang sasakyan.

Itutuloy...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5