Nena Ang Spirit Detective 38
"Ang Pinaghalong Itim At Lila Na Enerhiya"
Nang makaalis ang puting van na kumuha kay president Belmonte, agad na tumakbo si captain Arvin sa kanyang motorsiklo, sinuot ang helmet at kumaripas ng pagpapatakbo. Nang makalabas ng gate, nakita nyang nakalayo na ng husto ang sasakyan.
Arvin: (sa isip) Nakupo nakalayu na ang mga hayop!
Arvin: (sa isip) Kailangan kong umisip ng short cut.
Pinatakbo ang motor.
Arvin: (sa isip) Tama! Aabutan ko sila pag dumaan ako sa may Kalayaan.
Medyo maraming tao sa kalsada.
Arvin: (sa isip) Punyemas! Tabe! Kailangan kong mauna sa Floodway!
Arvin: (sa isip) Kunin ko plate number, kailangan ko ng gps locator. Patay, wala akong gps locator dito. Espada lang dala ko at cellphone.
Nang makaabot sa Kalayaan, wala na masyadong tao. Hinarurot na nya ang kanyang motor.
Vvvvrrrroooooooommmm!!!
Arvin: (sa isip) Talasan mo mata mo brad! Baka makabangga ka pa. Pano ba to?! Atakihin ko kaya? Delikado baka tamaan ko si Mr. President. Sana dala nya cellphone nya at i-on nya data nya para malocate ko sya.
Arvin: (sa isip) Sana lang tanga mga kidnapper nya. Ayos malapit na ko!
Mas binilisan pa ang takbo ng motor hanggang makaabot sa Floodway. Ini-stand nya ang motor nya patalikod sa gilid ng kalsada at inabangan sa sidemirror ng motor ang puting van. Lumiko ang van patungo sa direksyon nya.
Arvin: (sa isip) Ayos eto na! Anong gagawin ko?! Plate number mahalaga. Atakihin ko nalang sa may gulong. Ah wag! Sundan ko nalang muna para makuha ko plate number.
Ini-on ni captain Arvin ang kanyang motor at inabangang dumaan ang puting van. Pagdaan ay agad nyang sinundan.
Arvin: (sa isip) Weird! Bat XXX-14344? Naku baka fake to! Unahan ko sila! In-over take-kan ni Captain Arvin ang puting van at nag-abang sa may bandang dulo.
Sa loob ng van:
Richard: Siya yon ate Juls!
Juliana: Okay. Prepare ko barrier kung atakihin tayo. Tumba mo kagad paglampas natin.
Yasmin: Lakas ng loob sumunod pa ng magisa!
Kisha: Minamaliit tayo bes! Hahaha!
Yasmin: haha!
Binilisan ng van ang takbo.
Vvvrrrroooooom!!!
Sa lugar ni Arvin:
Arvin: (sa isip) tirahin ko na gulong nila! Stay safe Mr. President!
Arvin: (sa isip) saktong blackhole slash lang!
Hinugot ni captain Arvin ang kanyang espada at isinalin ang kanyang enerhiya sa espada. Ang blackhole slash ay isang uri ng atake gamit ang espada na may pinaghalong violet at black energy. Mataas na klase ang mga enerhiyang ito.
Arvin: (sa isip) Eto na!
Lumabas si Captain Arvin sa pinatataguan at umatake sa may bandang gulong ng sasakyan.
Arvin: HIYYYYYYAAAAAHHH!!!
TGSHH!!
Arvin: (sa isip) Anyare?!
Tumilapon ang espada ni Captain.
Arvin: (sa isip) Anak ng! Mga halimaw to!
Bumukas ang likurang pinto ng sasakyan at pinagbabaril si captain Arvin.
Ratatatattatatttattt!
Agad tumakbo ang kapitan sa likod ng isang pader.
Arvin: (sa isip) Nyeta! Pano na?!
BOOOOOOMMM!!!
Arvin: (sa isip) UYYY! Yung motor!
Sumilip ni Captain Arvin. Nakita nyang nakalayo na ang sasakyan at sunog na ang motor nya.
Arvin: (sa isip) Dimunggol naman oh! Nakatakas pa ang mga hayup!
Sinipa nya ang isang bato sa sahig.
Arvin: (sa isip) Ahh!!! Asar!
Nilabas ang cellphone sa bulsa. Inopen ang device locator app at sinubukang i-locate ang device ng presidente. Last seen sa may San Isidro pa.
Arvin: (sa isip) marunong ang mga kolokoy! Hays! Makabalik na nga lang! Asar!
Naghire nalang sya ng sasakyan pabalik sa nasunog na building nila.
Sa opisina:
Clara: Database, power supply, halos kalahati ng armory at research facility.. Hay... Pano pa tayo makapagpapatuloy ng operasyon nyan?
Nena: Pano na yan, cap?
Clara: ... Kailangan nating mahanap ang mga nasa likod neto!
Dumating sa captain Arvin.
Arvin: Nakidnap ang presidente!
Clara: Hah?!
Arvin: Armado ang mga kalaban at mataas na klase ng mahika ang kanilang ginagamit.
Clara: Ang device locator?
Arvin: Disabled na. Magaling ang mga kumuha sa kanya. Kamusta dito?
Clara: Tatlo namatay, anim malubhang nasugatan kasama na si detective Bill.
Arvin: Yari na! Kailangan nating malaman location nila at anong dahilan nila bat nila kinuha ang presidente. Nakuha ko plaka nila pero mukang peke xxx-14344.
Clara: Ayusin na muna natin mga back logs natin tapos ipabuya na natin sa mga taga back office ang opisina. Tigil operasyon tayo. Kailangan nating magfocus sa grupo nila Ian. Matindi tong mga target natin, di natin pwedeng ipagsawalang bahala tong mga nangyayari.
Arvin: Okay.
Kinagabihan pumunta ang team ni captain Clara kasama si Captain Arvin sa shop ni Tonyo para ma-meet si Alice, manggagamot na gumagamit ng itim na mahika sa panggagamot.
Di nila alam na may magandang balita sa kanila si Alice.
Sa shop ni Tonyo:
Tonyo: Mukang dumadami ang tropa ah!
Clara: Si Cap Arvin pala, bago kong partner sa opisina.
Tonyo: Kamusta po Cap!
Arvin: Stressed haha!
Tonyo: Aha, alam ko na ipre-prepare kong tsaa sa inyo.
Nena: Thanks, Ton!
Pagpasok ng team sa shop, nandun na si Alice nakaupo at naglalaptop.
Alice: Oh. Andito na pala kayo. Upu kayo.
Nena: Ah.. Cap Clara sya po pala si Alice, kapatid ni Tonyo.
Alice: Haha. Kilala ko na siya.
Nena: Ay... Okay.
Clara: Alice si Captain Arvin nga pala.
Arvin: Hi.
Alice: Hello.
Rudy: Hello miss Alice. 🤩
Marjorie: Hi, te.
Alice: Kamusta ang araw nyo?
Lahat: Stressed!
Alice: Nabalitaan ko ang nangyari. Pero may maganda akong balita.
Lahat: Ano yun?
Alice: Binasa ko ang isa sa mga lumang libro ng kaalaman kung papaano natin malolocate ang mga target. In-apply ko ang lumang kaalaman sa kasalukuyang panahon at nakaimbento ng isang tester.
Clara: Tester?
Alice: Oo. Salamat sa tulong ng isang computer repair man sa may Paso at ginawan nya ng paraan na i-modify ang tester na ito. (Nilabas ang isang gadget na may babasagin na salamin sa ibabaw)
Nena: Hah?
Alice: Ang tester na to kapag i-connect sa isang computer, kaya nyang i-locate ang location ng DNA ng may ari. Tingnan nyo tong mga test na ginawa ko kanina gamit ang mga blood samples na kinuha ko at accurate ang naging results.
Tumingin ang lahat sa screen ng laptop.
Marjorie: Wow nice ang galing naman nyan.
Nena: Wow!
Arvin: ...
Rudy: Pambihira!
Clara: Magaling. Pero san tayo kukuha ng DNA sample ng mga target natin?
Alice: Sa envelope.
Nena: Tama!
Clara: Envelope?
Alice: Ang envelope ay contaminated parin ng cursing recipe at blood sample ng user, so ang DNA ng target natin ay nandun pa. Maliit ang chance pero worth it paring i-try.
Dumating si Tonyo dala ang babasaging pitcher ng stress reliever na tsaa.
Tonyo: Tsaa muna tayo.
Arvin: Hah?
Rudy: Ambango nyang tsaang yan ah!
Nena: Amoy palang nakakarelax na.
Sinalinan ang lahat at uminom ang bawat isa.
Alice: Antonio, pakikuha mo naman yung envelope.
Nena: Haha! Di ako sanay marinig pangalan mong Antonio.
Tonyo: Haha. Antonio kasi tawag nila sakin sa bahay.
Kinuha ni Tonyo ang envelope at ibinigay sa kanyang ate Alice.
Alice: (sa isip) sana gumana.
Pinunit ang kapirasong parte ng envelope at inilagay sa tester.
Itutuloy...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento