Nena Ang Spirit Detective 39

 "Field Strategy Plan"


Alice: Sana talaga gumana.


Pinindot ang alt+tab.


Alice: Okay. Adjust natin according sa size ng elements. Live DNA match. Okay. Start searching.


Tumunog ang messenger tone sa laptop. Alt+tab.


Alice: Hmmm.. Clients. Wait lang kayo.


Alt+tab.


Alice: Searching... Sana magwork please, please, please.


Alice: Guys antayin lang natin ang result.


Clara: ....

Tonyo: Okay yang app mo te ah. Pwede makahingi ng copy?

Alice: Oo nga pala guys, pwede ko kayo bigyan ng copy ng app. Pero yung tester under observation ko pa to. Basic stones with magic lang naman ang pyesa nyan. Well, magic para i-align sa tamang frequencies ang mga stone.


3 MATCHES FOUND!


Lahat: Uy!


Alice: Print screen. YES! Paste, save.


Alice: Okay may copy na tayo ng location nila. Expected ko rin na mawawala kagad ang match dahil microscopic ang subject. Open na natin.


Lahat: Hah?!


Clara: Sa dulo ng Birangan.

Rudy: Pamilyar ako sa lugar. Gubat pa yan sa pagkakaalam ko.

Marjorie: Finally!

Arvin: Okay nice Alice! Clara, tingin ko eto na ang tamang oras para rumesbak. Strike tayo habang unprepared sila at nagpapahinga.


Clara: Hmmm... May point ka. Ano guys kaya bang rumisponde?


Lahat: Oo naman cap!


Clara: Hmmm. Majority wins.


Alice: Pwede ko ba kayong i-assist?


Clara: Team member ka na, sis. Kailangan ka ng team. Saka na natin pagusapan ang komisyon.


Alice: I'm after the book, sis. Voluntary ang pagsama ko sa team. Alam nyo naman siguro na misyon kong pangalagaan ang mga libro ng kaalaman?


Arvin: Hmmm...

Clara: Kilala ko sya Arvin. Okay agree.

Lahat: Agree.


Tonyo: Teka muna, Ubusin nyo muna ang tsaa nyo.


Tonyo: Te, sigurado ka bang sasama ka sa kanila.

Alice: Yeah! Wag ka magalala Antonio. Kayang kaya ni ate to!

Rudy: Akong bahala kay ate Alice mo, bayaw. 🤩 Este, Tonyo pala.

Alice: ... (Nagblush)

Tonyo: Okay. Ah... Dalhin nyo na lahat ng kaya nyong dalhing mga potions ko dito.


Nena: Thanks, Ton. You're the best.

Lahat: Okay, thanks.


Clara: So, objective natin, ma-save ang presidente sa mga kidnapper at mahuli ang mga target. Hangga't maaari walang mamamatay.


Captain Clara In Field Strategy Plan

Clara: Profiling, ang mga kalaban ay gumagamit ng high class energies gamit ang ranged weapons. So close combat ay effective sa ating mga target. Richard, or kahit ano pang pangalan nya, bomber, disguise expert, ranger din.


Clara: Kasama nya ay gumagamit ng high class barrier na di basta-basta nasisira. Di pa confirm kung anong status nila sa close combat kaya ingat.


Clara: Kilala na natin si Ian, Dimensiyon shifting na kagaya or high level pa sa ginagamit ni Nena. Doc Jun, barriers daw. Di pa namin alam ang iba pa nilang skills so dapat mag-ingat, alisto at mapagmatyag sa bawat kilos nila.


Arvin: Tama! Kung mas mataas na level siguro ng energy ang ginamit ko, pwede ko sigurong sirain ang barrier.


Clara: Mag-ingat sa area, baka nagtanim sila ng mga traps. Dimensiyon instincts mo dear para makita ang mga energy based traps. 


Nena: Copy.


Clara: At least 500 meter lang ang sasakyan para di expected ang atake natin.


Clara: Arvin, ikaw na sa field strategy plan.


Arvin: Okay, so dahan dahan tayong lalapit sa area ng kalaban. Rudy, front man ka gamit ang barrier skills mo. Marjorie, scout and sniper. Clara, front man, este woman hehe.


Clara: Well. Always naman!

Arvin: Immunity skills mo is the best, part. Kayo ni Nena ang bahala sa presidente. At ako frontman din, pero mas mataas na energy this time.


Arvin: Kung malalagay sa alanganin, wag magdadalawang isip itumba ang target. Unahan nyo kesa sila ang mauna. Di biro ang energy level ng mga kalaban.


Arvin: May smoke bomb ba tayo?

Rudy: Present!

Arvin: Okay, paglapit sa area batuhan mo kagad ng smoke bomb tapos pasok na kagad.


Arvin: Teka... Sa likod nalang pala kayo ni Nena, part.

Clara: Tama, kinalimutan mo nanaman ang likod, part. Haha!

Arvin: Hehe, inaantay ko lang mag-react ka partner!

Clara: Asus! Sige na nga.


Arvin: Marj, positioning ha.

Marjorie: Copy yan cap!

Arvin: Alice sa likod ka lang ng makikisig nating front man.

Alice: Hmmm... Okay.


Arvin: So, okay na tayo sa field strategy? May tanong pa?


Lahat: Clear!


Arvin: Back to you, part.


Clara: Okay. So, pag success na tayo. Inspect tayo sa area, baka may iba pa silang plan.


Clara: Ah.. Nena okay ka lang?

Nena: O... Oo naman cap!

Clara: To make things clear ha. As much as possible wag sana itumba si, Ian. Subject din natin yun. Kailangan natin sya ng buhay. Pero kung lumaban at least, i-neutralise lang.


Nena (sa isip): Hay... Salamat.


Clara: Prepare na tayo after this. 30 minutes preparation. Dito narin meet up.


Makalipas ang 30 minutes, dumating ang isang pulang 8 seater SUV. Ikinarga nila ang kanilang mga gamit at tumungo sa location ng target.


Sa loob ng SUV:

Arvin: Guys, si Edward nga pala (driver ng suv)

Lahat: Hi, Hello po.

Edward: Hello po!

Arvin: Nagvolunteer sya na sumama sa team natin. Siya ang isa sa matatapang kong ranking spirit detective.

Edward: Naks.. Ambango bango naman ng pangalan ko sayo cap! Hehe.

Arvin: Expert sya sa close combat kaya magiging malaking tulong sya sa atin. Gamit nya ang pulang enerhiya na kaya nyang itransfer sa kanyang favorite weapon, ang sibat ni Abaya.


Edward: Tama ka dyan cap. Medyo matagal ko ring minaster ang sibat ng aking mga ninuno. Pero ngayong master na master ko na, hah! Magingat-ingat lang sakin ang mga kalaban.


Makalipas ang ilang minuto.


Alice: Pwede na siguro tayo magpark dito.

Arvin: Dun nalang sa may tago, pre.

Edward: Okay.


Pinark ang sasakyan sa ilang liblib na lugar, mga limang daan ang metro ang layo sa destinasyon. Kinuha ng bawat isa ang mga armas sa compartment.


Nena: Girl, medyo kinakabahan ako ah.

Marjorie: Dahil ba kay sir Ian?

Nena: O.. Oo.

Marjorie: Isipin nalang natin na normal lang na misyon to para di tayo kabahan.

Nena: Okay. Natatakot lang ako sa mga pwedeng mangyari e. Ahhhh... Bahala na. Dapat maging handa ako sa mga pwedeng mangyari.

Marjorie: Maipaghihiganti ko narin si Karl. Pero kailangan relax lang.


Clara: Okay, konting briefing lang. Stay focused sa strategies at be alert all the time.

Lahat: Copy cap!

Clara: Ready?!

Lahat: Yes cap!

Clara: Okay Let's go!


Pinasok nila ang isang gubat patungo sa lokasyon ng kanilang mga kalaban.


Itutuloy...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5