Nena Ang Spirit Detective 40
Ang Engkwentro Sa Gubat
Nena (sa isip): Binabalot ako ng kaba! Kahit pilitin kong maging matapang, natatakot parin ako sa mga pwedeng mangyari.
Nena (sa isip): Lalong lalo na kay Ian, JuskuLord, sana walang mangyaring masama sa kanya at sana naman bumalik na sya sa dati.
Nena (sa isip): Ibang-iba talaga ang mga kinilos nya nung nakita ko sya, parang may kumokontrol sa kanya.
Clara: Nena...
Nena: Ah... okay cap!
Nena (sa isip): Dimensiyon Instincts!
Nena (sa isip): Bahala na basta gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa lahat. Sana lang... Wag kang lumaban samin, babe! Kasi baka di ko kayanin makita kang sinasaktan ng kahit sino.
Naunang naglakad si Nena at kasunod si Marjorie sa gubat para i-check ang paligid sa mga traps.
Nakaramdam si Nena ng isang kakaibang enerhiya na ngayon lang nya naramdaman. Tumigil sya sa paglalakad at sumenyas ng hinto.
Lahat: ....
Hinanap ni Nena ang pinanggagalingan ng enerhiya na palakas ng palakas. Unti-unting bumalot ang makapal na hamog.
Nena (sa isip): Ano to?! Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng enerhiya.
Tumingin sa matataas na puno.
Nena (sa isip): Kumpirmado ang KAPRE! Pero ang weird! Bakit ito nababalot ng berdeng enerhiya!
Nena: May papalapit na kalaban! Maghanda kayo!
Hinugot ni Nena ang kanyang spirit gun. Ang mga kasama nya rin ay inihanda ang kani-kanilang sandata.
Ang makapal na hamog ay naging makapal na usok na bumalot sa paligid.
Arvin: PATIBONG!
Clara: Atras!
Unti-unting umatras ang bawat isa nang bigla nalang...
RATATATATATATATTTT!!!!!
Inulan ng bala ang mga spirit detectives. Tinamaan sa ulo si Edward na agad nitong ikinamatay.
Nena: No aaaaaaaayyyyyyy!!!!!!
Nabalot si Nena nang mga baging na buhay at hinatak pataas sa mga puno. Inilayo sya ng mga kalaban papunta sa di matukoy na direksyon.
Alice (sa isip): Ang pinaghalong kapangyarihan ng Kapre at ng bato ng kalikasan na nagbibigay ng dagdag bilis sa pagkilos nito at sa mga kasama. Isa nanamang hybrid na halimaw!
Alice (sa isip): Kailangang pigilan ang mahika. Magic Repel Spell!
Inilabas ni Alice ang kanyang mahiwagang flute, pinatugtog ang ilang nota at inilagay sa sahig. Naglikha ng mahiwagang hangin ang flute na agad nag-alis sa makapal na usok sa paligid.
Arvin: EDWAAAARD!!!
Agad tumakbo si Captain Arvin kay Edward. Sinundan sya ni Captain Clara para i-cover sa mga kalaban. Napansin ni Arvin na patay na si Edward. Nag-alab ang galit ng kapitan.
Arvin: Magbabayad kayo!
Nang tumingin si Arvin sa mga itaas na puno, naaninag nya ang pinanggagalingan ng nagpapaputok ng baril. Agad syang tumakbo papunta dun.
Clara: ARVIN!!!
Arvin (sa isip): Hindi ko kayo mapapatawad!
Sinundan ni Clara si Arvin at binigyan nya ng buff magic na nagpapabilis ng kilos. Ang mahika ay pinaghalong berde at puting enerhiya na nakapagbibigay ng pambihirang bilis.
Bumaba sa puno ang gunner at tumakbo papalayo. Hinabol ito Arvin.
Rudy: Nasan si Nena?
Marjorie: Hah?!
Rudy: Si Alice? Hindeee!!
Nakita ni Rudy na may papalapit na malaking sandata papunta kay Alice, agad syang tumakbo para sagipin ito.
BOOOOOOOMMMM!!!!
Bumagsak ang sandata sa lupa at gumuho ang binagsakan nito kung saan naroon sina Rudy at Alice.
Marjorie (sa isip): Hah?! Hinde! Sana nakaligtas sila.
Sa ilalim ng gumuhong lupa:
Yakap ni Rudy si Alice habang protektado sila ng barrier ni Rudy.
Rudy: Ayos ka lang ba?
Alice: Oo.
Alice: Harapin mo ang Kapre sa itaas ng mga puno. Kami nang bahala dito sa baba.
Rudy: Okay.
Lumapit si Marjorie sa kanila.
Marjorie: Ok lang ba kayo?
Bumaba ang isang nilalang kung saan naroon ang bumagsak na sandata. Kinuha ang mabigat na sandata at kinarga sa balikat nito.
Ang nilalang ay ang dalagitang si Kisha na gumagamit ng malaking martilyo na yari sa kahoy at pinaghalong itim at pulang enerhiya na nakapagbibigay ng pambihirang lakas sa user.
Kisha: Hehehehe!
Alice: Isang bata?!
Rudy: Napaglalaruan tayo ng mga kabataan?!
Alice: Isa itong abomination! Resulta ng mga hybrid experiments.
Marjorie: Magbabayad kayo!
Tumalon si Kisha sa kinaroroonan ng dalawa at ihahampas muli ang malaking martilyo nito.
Agad tumalon paatras sina Rudy at Alice kung saan naroon si Marjorie.
Alice: Tatapatan natin ang kanilang bilis. Speed Buff Spell!
Pinatunog ni Alice ang kanyang flute at nabalot ng buff magic ang tatlo na syang nagpapabilis ng kilos. Pinaghalong berde at itim na enerhiya.
Bumulaga sa harapan nila si Kisha.
Kisha: Surprise!
Hinampas sila pakaliwa ng malaking hammer pero sinalo ito ni Rudy. Tumilapon si Rudy sa mga puno.
Kisha: Haha!
Muling umatake si Kisha gamit ang malaking martilyo. Umiwas sina Marjorie at Alice. Tumakbo si Marjorie para humanap ng magandang pwesto para umatake. Si Alice naman ay patuloy lang sa pag-iwas sa mga atake ni Kisha.
Nang makapwesto si Marjorie, umatake sya gamit ang "Pana ni Abdul Rah"
Tinamaan sa balikat si Kisha.
Kisha: Ahhh!
Ngumiti si Kisha.
Kisha: Hahaha! Nakakakiliti naman.
Tinanggal ang palaso na nakatusok at agad naghilom ang sugat.
Alice (sa isip): Gaya ng ineexpect ko. May healing effect din ang buff na galing sa Kapre ng Kalikasan.
Samantala, sa sitwasyon nila Arvin:
Richard (sa isip): Hah?! Ambilis ng takbo nya. Maaabutan ako neto! Hehe marami pa naman akong grenades.
Nagbagsak ng dalawang granada sa tantyadong distnasya para sabugan ang nakasunod na kapitan si Richard.
BOOOOOMMMM!!!!
Agad nakita ni Arvin ang granada kaya naiwasan nya ang una.
BOOOOOOOOMMMM!!!
Muli nyang naiwasan ang pangalawa.
Richard: Hah?! Nawawala na ang buff?! Masyado nakong malayo kay Bernard! (Kapre ng Kalikasan)
Unti-unting bumagal ang kilos ni Richard.
SLAAAAASSHHH!!!
Sumaksak ang espada ni Arvin kay Richard mula sa likod nito tumagos sa harap.
Richard: Ahhh!!!
Hinugot ni Arvin ang espada at bumagsak sa lupa si Richard. Lumabas sa katawan ni Richard ang isang maligno na nababalot ng itim na enerhiya.
Arvin: Hah?! Malignong may itim na enerhiya. Eto pala ang kumontrol sa katawan ng biktima.
Tumakbo ang maligno palayo kay Arvin Agad naman nya itong hinabol.
Samantala, sa sitwasyon ni Clara:
Clara: Nakalayo na ata sila.
Biglang may tumusok na mga karayom kay Clara habang tumatakbo.
Clara: Ahhh!! Nandito ang mangkukulam!
Tiningnan nya ang pinanggalingan ng karayom at naaninag ang isang nilalang sa isang puno na agad nagtago.
Clara: Immunity Spell!
Naglabas ng puting enerhiya si Clara at naglabasan ang mga lason na pumasok sa kanyang katawan paghugot nya ng mga karayom.
Naprotektahan ang buong katawan ni Clara ng puting enerhiya ng kanyang Immunity Spell. Ang spell na to ay kayang pawalang bisa ang mga mahika na mas mababa sa level ng enerhiyang ginamit dito.
Clara: Hmmm! Huli ka!
Tumakbo si Clara patungo sa pinagtataguan ng mangkukulam. Maliksing tumalon sa mga puno ang mangkukulam na si Yasmin pala.
Yasmin (sa isip): Oh no! Nakita nya ko! Takbo!
Mabilis na nakalayo si Yasmin kay Clara dahil may buff ito ng kapre ng kalikasan.
Itutuloy...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento