Nena Ang Spirit Detective 41

"Ang Kinatatakutan Ni Clara"

Clara (sa isip): Ambilis nya! Di bale malapit nang matapos ang cool down ng speed up spell ko. Mahahabol din kita.

Clara Tumatakbo

Yasmin (sa isip): Mukang maganda ang depensa nya?! Di sya tinablan ng Needle Possesion Skill ko. Asar! Ano kayang magandang pang atake sa kanya?

Yasmin Hinahabol Ni Clara

Yasmin (sa isip): Ah! Alam ko na. Kung mataas ang immunity nya sa magic spells, malamang mahina ang depensa nya sa physical damage. Papalit ako ng needle.

Nagpalit si Yasmin ng needle na may natural weaken recipe na walang magic spell. Tumigil sya saglit at naglapag ng isang botelyang may fear recipe smoke. Sinuot nya ang kanyang mask at binuksan ang botelya. Nagtago sya sa puno at inabangang dumaan si Clara.

Lumabas ang usok mula sa botelya habang nagaabang si Yasmin sa di kalayuan. Maya-maya ay dumating si Clara.

Clara: Hah? Isa nanamang usok?

Nagbago ang paningin ni Clara ng makalanghap ng usok. Ang paligid ay tila naging nakakatakot at ang mga tunog na kanyang naririnig ay parang bumagal.

Yasmin (sa isip): Hmmm... Sabi ko na e. Akin ka na ngayon!

Lumapit sya kay Clara at binaril ng kanyang improvised selfie stick na may balang weaken needle. Tinamaan si Clara sa may likod na balikat.

Clara: Ahh! Ano to?! Anong nangyayari sakin?

Unti-unting lumapit si Yasmin sa harapan ni Clara.

Clara: Hah!  Daga! Wag kang lalapit sakin!

Ang paningin ni Clara kay Yasmin ay naging isang taong daga na syang kinatatakutan nya ng lubos.

Yasmin: Hahahaha! Takot ka pala sa daga!

Yasmin: Kakainin kita! Wraaaaahhh!!

Clara: No! Wag kang lalapit!

Taong Daga Kinatatakutan Ni Clara

Tumakbo palapit si Yasmin at sinuntok nya sa sikmura si Clara.

Clara: Ahh!!

Napaluhod si Clara sa sahig. Isa uling suntok sa mukha ni Clara at ito ay napahiga sa sahig.

Clara: Ahh!!

Gumapang paatras si Clara. Sinipa sya ni Yasmin sa mukha at napahiga ito sa sahig patihaya. Sinakyan sya ni Yasmin at pinagsusuntok sa mukha.

Nang makailang suntok ay nagliwanag ang kanyang paningin.

Yasmin: Hahahaha! Akala ko pa naman malakas ka. Wala ka palang kwenta!

Clara (sa isip): Di ako pwedeng mamatay dito! Kailangan ako ng team at may naghihintay pa sa akin.

Nang papaalis na Yasmin ay napansin nya na bumabangon pa si Clara. Pagdilat ni Clara ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang kanyang paningin.

Clara (sa isip): Ilusyon?! Sino tong babaeng to?! Ang mangkukulam?!

Clara Bumabangong Muli

Yasmin: Hmmm... Gusto mo talagang mamatay te?!

Clara (sa isip): Hah! Isang bata?! Pano nangyari to? Pinaglaruan ako ng isang bata?! Di yata ako makakapayag!

Bumulong si Clara: Kalasag Ni Sol!

Nagliwanag ang katawan Ni Clara at napaligiran ng mga spiritual na shield. Ang Kalasag Ni Sol ay isang spiritual spell na kayang protektahan ang gumagamit nito ng mahinang proteksyong pang-pisikal at mataas naman na proteksyon sa mahika.

Yasmin: Hah?! Hinde!

Umatake si Yasmin gamit ang weaken needles pero tumama lang ito sa spiritual shield ni Clara.

Clara: Playtime is over, Hija!
Yasmin: No!

Agad tumakbo palayo si Yasmin at nagtago palayo kay Clara.

Yasmin (sa isip): Dapat pala tinuluyan ko na sya kanina. Hay
Yas ano nanamang ginawa mo? Palpak! Kainis! Pano na ngayon.

Madaling nakalayo si Yasmin kay Clara dahil meron parin syang buff na natatanggap sa kapre ng kalikasan na si Bernard.

Clara (sa isip): Buti nalang pinabaunan kami ni Tonyo ng mga potions.

Kinuha nya ang isang botelya ng highly effective na healing potion at ininom ito.

Clara (sa isip): Ahhh! Ang pakla! Grabe naman ang timpla ni Tonyo dito.

Nakaramdam kagad ng paghilom sa mga sakit at sugat na kanyang natamo.

Clara (sa isip): Hah?! Ayos to ah!

Depensa Ng Kalasag Ni Sol

Lumundag-lundag sya at nanumbalik agad ang kanyang sigla. Sinimulan nyang tumakbo para habulin si Yasmin. Lumiwanag ang kanyang maliit na kwintas.

Clara (sa isip): Sakto! Tapos na ang cooldown ng speed up spell ko! Magtago ka na kid, hanggang dito nalang ang paglalaro.

Samantala, sa sitwasyon ni Nena:

Nena (sa isip): San kaya ako dadalin netong mga baging? Matindi ang enerhiya na nakabalot sa mga ito. Di ako talaga makapalag.

Napansin nya na papalapit sya sa isang babaeng nasa may dulo ng gubat.

Tumigil ang mga baging sa harapan ng babae.

Nena (sa isip): Sino to?! Kasama ni Ian?! Kabadtrip naman di talaga ako makapalag!

Babae: Hmmm... Spirit detectives! Mga salot sa mga plano namin. Kung inaakala nyo na nakakatulong kayo sa balanse ng sanlibutan, mali.

Babae: Kung ako lang masusunod, titirisin na kita ngayon na parang kuto! Pero may pakinabang ka pa samin, kaya naman...

Pinindot ang touch button sa kanyang cellphone.

Lumutang ang tatlo maliliit na bato sa harapan ng babae at umikot ng mabilis. Naglikha ng isang portal ang mga bato.

Nena (sa isip): Ahhh! Anong gagawin nya? Yan ang... Portal?

Ipinasok ng mga buhay na baging sa loob ng portal si Nena at agad na sumara ang lagusan.

Babae: Hmhmhmhm. Pag wala ka nang silbi gusto ko ako ang tatapos sa inyo.

Nakaramdam ng palalapit na enerhiya ang babae.

Babae: Hah?! Ang maligno! Mukang nabawasan kami ng mga alagad. Teka parang may nakasunod.

Agad na pumalupot sa katawan ng babae ang maligno. Umakyat papunta sa bunganga at pumasok sa loob nito. Maya-maya at dumating si Captain Arvin.

Hingal ng bahagya ang kapitan.

Arvin: Hah! Nasan ang presidente?!
Babae: Hmmm... Wag kang mag-alala. Nasa mabuting kamay na ang minamahal nyong presidente.
Arvin: Wala akong oras makipaglokohan sayo! Kung di mo sasabihin, mapipilitan akong pwesahin ka!

Babae: Pwersahin? Hahahaha! Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin?! Sandali.. Ikaw yung sumunod saming naka-motor. Hahahaha! Di ka ba natatakot?!

Nagpalit ng tindig panglaban si Arvin. Naglabas ng itim at lila na enerhiya at isinalin sa kanyang espada.

Babae (sa isip): Hmmm... Malakas ang isang to. Bibihira ang kanyang enerhiya. Pero wala pa rin syang laban sa akin.. Hmm.. Sige nga subukan natin ang lakas mo.

Arvin: Huling tanong! Nasan ang presidente?!

Babae: Hindi ko sasabihiiiinn..

Arvin: Kung ganon, humanda ka nang mamatay!

Tumakbo palapit sa babae si Arvin at ginamit nya ang kanyang black hole slash.

Arvin: Hiyaaaaahhh!!!

Nag-bend ang katawan ng babae at madali nitong naiwasan ang atake.

Arvin (sa isip): Ang bilis!

Babae (sa isip): Ang Black Hole technique na maaaring tumunaw sa kung anong tamaan nito. Magaling! Pero yan ay kung tamaan mo ko ng espada mo.

Muling umatake si Arvin pero ang babae ay umiwas na parang nagsasayaw lamang.

Arvin (sa isip): Hah?! Nakakaloko to ah! Hiiiyyyaaaahhhh!!!

Muling umatake si Arvin pero ang bawat atake ng espada nya ay iniwasan lang na parang isang sayaw ng mga korean dancers.

Ang Itim At Lila Na Espada Ni Arvin

Hiningal ang kapitan at naubos ang kanyang enerhiya dahil marami ang kanyang isinalin sa kanyang espada.

Babae: Ano? Pagod ka na?

Arvin: Hah... Hah! Pagod? Hindi ah!

Kumuha si Arvin ng stamina potion sa kanyang bulsa at agad nyang ininom. Nanumbalik ang kanyang lakas.

Arvin: Game!

Babae: Hmmm... Galingan mo naman.

Arvin (sa isip): Mukang di epektibo ang ganung klaseng atake. Kailangang mag-isip ng bagong technique.

Samantala, sa sitwasyon nina Clara:

Clara (sa isip): Okay, ready na ang speed up spell. Go!

Nabalot ang katawan ni Clara ng puti at berdeng enerhiya habang protektado ito ng Kalasag Ni Sol. Bumilis ang takbo nya na halos 80 kilometer per hour.

Clara (sa isip): Kailangan magmadali! Ayuuunn!!! Huli ka bata!

Agad na dumating si Clara sa harapan ni Yasmin at sinakal ito. Isinandal ni Clara si Yasmin sa isang puno. Nagpumiglas ang dalagita.

Yasmin: AAARRGGHH!!

Clara: San ka pupunta? Hah!

Clara (sa isip): Kakaiba ang kanyang mga mata!

Itutuloy...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5