Nena Ang Spirit Detective 42

"Ang Kapre Ng Kalikasan"

Yasmin (sa isip): Ahhh! Bitawan mo ko!

Clara (sa isip): Sinapian ang isang to ng isang mataas na uri ng maligno. Pero di to basta-basta sinapian lang. Ginamitan ng rare type magic spell to kaya nagawa ng maligno i-manipulate ang buong pagkatao ng biktima.

Clara (sa isip): Kaya naman, dapat ko tong gamitan ng divine exorcism fluid.

Kinuha ni Clara ang fluid sa belt pocket nya. Ibinuhos kay Yasmin at nangisay ito at tumirik ang mata. Lumabas ang maligno sa katawan ng dalagita at mabilis na tumakbo palayo.

Imahe ni Clara habang sakal si Yasmin

Nawalan ng malay si Yasmin. Chineck ni Clara ang pulso at paghinga ng dalagita. Ito ay buhay pa.

Clara: Sinasabi ko na! Pati mga inosenteng kabataan ginagamit ng mga target. Di to katanggap-tanggap. Babalikan kita Hija.

Inihiga ni Clara ang walang malay na si Yasmin sa may damuhan at sinundan ang tumakas na maligno. Dahil sa active speed up spell ni Clara agad nyang nahabol ang maligno at sinakal ito.

Maligno: Wrrriiiiiiihhhhh!!!!

Nagpumiglas ang maligno gamit ang mga kuko nito pero protektado si Clara ng Kalasag Ni Sol kaya di ito sumusugat sa kanya. Inilabas ni Clara ang kanyang hand gun na may balang spirit bullets na kayang tumapos sa halimaw at masasamang espirito. Pinutukan nya sa ulo ang maligno.

BANG!

Namatay ang maligno at ang labi nito ay unti-unting naabo.

Imahe ni Clara na pumatay sa maligno

Clara (sa isip): Ilan pa kaya ang mga kagaya nito?! Posible kayang lahat sila apektado ng abominasyon? Yan ang dapat nating imbestigahan.

Sa sitwasyon ni Rudy:

Bumangon sa pagkakatumba si Rudy.

Rudy (sa isip): Brrruuuhh! Malakas yung batang yun ah. Kailangan kong mapalayas ang Kapre nang makabalik kagad kay Alice, me-loves. Hehe! Yari ka Kapre!

Agad umakyat si Rudy sa mga puno para hanapin ang nagtatagong Kapre.

Rudy (sa isip): San kaya yun? Pati si Nena, nag-aalala ako sa batang yun. Kailangan mabilis!

Rudy (sa isip): Nandito lang yun malamang. Ah! Smoke detector! Matagal ko nang di nagagamit. Magagamit narin kita ngayon.

Ang spirit smoke detector ay isang locator ng mga lamanlupa at masasamang espirito na naimbento nila Ian at Rudy nung sila ay magka-partner pa.

Nilabas ni Rudy ang isang maliit na mahabang bagay mula sa belt pocket. Ikiniskis nya ito sa magaspang na bahagi ng puno at nagliyab ang dulo nito na parang lusis.

Ang usok mula sa smoke detector ay pumunta sa direksyon sa itaas ng burol.

Rudy (sa isip): Dale ka na!

Sinundan ni Rudy ang usok paakyat sa isang burol. Doon ay nakita nya ang isang trono na kinauupuan ng Kapre ng kalikasan.

Rudy (sa isip): Positive! Andito ka lang pala.

Rudy: Alam mo, ngayon palang binabalaan na kita na sumuko ka nalang. Di ka masasaktan.

Kapre ng Kalikasan: Hah hah hah hah! At sino ka naman para utusan ako!
Rudy: Aba aba! Hambog tong kapre na to ah! Pambihira! Hoy! Ako ang bubugbog sayo pag di ka tumigil kapre ka!

Imahe ng Kapre ng Kalikasan

Kapre ng Kalikasan: Hah hah hah hah! Di ako ordinaryong kapre lang. Nasakin ang bato ng kalikasan na ibinigay ng pinuno. Anong kaya mong ibigay sakin na mas higit pa dito?

Rudy: Hah? May Tobacco ako dito na yari sa de kalidad na halaman.

Kapre ng Kalikasan: Hmmm...

Rudy: Pag eto natikman mo... Siguradong magugustuhan mo to!

Kapre ng Kalikasan: Patingin nga.

Inilabas ni Rudy ang tobacco.

Kapre ng Kalikasan: Anong kapalit?

Rudy: Pahintuin mo ang buff magic mo, tumiwalag ka sa pinuno mo.

Kapre ng Kalikasan: Hmmm... Maganda ang alok mo.

Rudy: Yang bato ng kalikasan magandang gamitin yan sa pagpapalago ng mga puno ng mga kapre. Pwede mong ilagay yan sa kung saan mo gustong manirahan. Sa hilaga, wala pang masyadong kapreng namumugad dun.

Kapre ng Kalikasan: Hmmm... Bat andami mong alam samin?

Rudy: Hah! Marami akong tropang kapre. Pero sa lahat ng tropa ko, sayo ko lang inalok ang tobaccong to.

Kapre ng Kalikasan: Talaga ba?! Pano kita mapagkakatiwalaan?

Inilabas ni Rudy ang nasindihan na nyang tabacco na kagaya sa inaalok nya, sinindihan ang tabacco at unti-unting lumapit sa Kapre ng Kalikasan.

Rudy at ang Kapre ng Kalikasan Imahe

Nilanghapng kapre ang usok.

Kapre ng Kalikasan: Wow! Ngayon ko lang naamoy ang usok na yan. Sige, tatanggapin ko ang alok mo.

Kapre ng Kalikasan: Pakisabi nalang sa pinuno na tumitiwalag na ko sa samahan at magpapakalayo-layo na ko sa hilaga.

Rudy: Ako nang bahala sa pinuno. Eto salo!

Inihagis ni Rudy ang nakabalot pang tabacco at sinalo ng kapre ng kalikasan.

Pinawalang bisa ng kapre ng kalikasan ang kanyang mahika at naghanda nang umalis.

Kapre ng Kalikasan: Oh pano kaibigan, aalis na ko. Teka, anong pangalan mo?

Rudy: Rudy!
Kapre ng Kalikasan: Bernard ang pangalan ko. Tatandaan ko ang pangalan mo, hanggang sa muli.
Rudy: Sige, sige. Bibisita ako sa hilaga minsan para kamustahin ka.
Kapre ng Kalikasan: Sige, paalam.

Pinagmasdan ni Rudy ang pag-alis ng Kapre ng Kalikasan at nang makasiguro itong nakaalis na, bumalik na ito kagad sa kinaroroonan nina Alice at Marjorie.

Rudy (sa isip): Ayos! Nadaan sa pakiusap ang Kapreng yun. Haha!

Sa sitwasyon nila Alice:
Kisha (sa isip): Hah? Nawala ang buff magic ni Bernard, anyare? Asan na ba si Bes? Hah!

Kisha (sa isip): Di na bale.

Naglabas si Kisha ng maraming pula at itim na enerhiya at isinalin nya sa kanyang malaking martilyo. Umatakeng muli.

Alice (sa isip): Hmmm.. bumagal na ang pagkilos nya. Pero naglalabas naman sya ngayon ng mas maraming enerhiya.

Marjorie: (sa isip): Hah? Bumagal na sya. Hulihin na kita.

Inasintang mabuti Marjorie ang paa ni Kisha. Tinamaan nya ang kaliwang paa ni Kisha.

Kisha: Ahhh!!! Aray ko!

Kisha: (sa isip): Wala na ang buff. Masakit grabe.

Hinugot ni Kisha ang palaso sa kanyang paa.

Kisha: Aaaaaaahhhh!!!!

Sumenyas si Alice kay Marjorie na hinto.

Alice: Sumuko ka na Hija.

Kisha (sa isip): Hindi pwede!

Alice: Okay na.. kami na ang bahala. Kung makikipagtulungan ka samin, di mo na kailangan masaktan pa.

Kisha: Yaaaaahhh!

Ibinuhos ni Kisha ang lahat ng natitira nyang pula at itim na enerhiya at isinalin sa kanyang hammer. Pinilit nyang umatake kahit iika-ika na sya pero bago pa man nya itaas ang kanyang hammer para umatake. Inilapat na ni Alice ang kanyang kamay sa mukha ni Kisha.

Alice: Superior Exorcism Spell!

Nagliwanag ang kamay ni Alice at lumabas sa katawan ni Kisha ang mataas na uri ng maligno. Tumingin ang manggagamot kay Marjorie.

Alice: Bhe! Ang maligno!
Marjorie: Copy!

Hinabol ni Marjorie ang maligno. Binigyan syang muli ng speed buff ni Alice. Nawalan ng malay si Kisha at sinalo ito ng manggagamot.

Alice: Unang tingin palang. Alam ko nang may sapi ang batang to. Buhay pa sya.

Ginamitan ni Alice ng mahinang klaseng itim na mahika ang pag-heal nya sa natamaang paa ni Kisha. Kumipot ang sugat at nilagyan nya ng benta ang paa nito.

Dumating si Rudy.

Rudy: Kamusta?
Alice: Mga inosenteng kabataan ang ginawang tauhan ng mga target.
Rudy: Napaalis ko na ang Kapre ng kalikasan.
Alice: Magaling. Tayo na at sundan natin sila Captain.

Rudy: Okay. Ako nang bahala sa bata.

Binuhat ni Rudy si Kisha at isinama nila.

Sa sitwasyon ni Arvin:

Patuloy sa pag-atake si Arvin sa babae pero di nya magawang tamaan ang babae dahil sa taglay nitong bilis. Naubusan ng enerhiya si Arvin. Wala narin syang stamina potion.

Babae: Ano? Pano ba yan ako naman?

Arvin (sa isip): Hah hah hah!

Gumamit ng telekinesis technique ang babae at dinisarma ang espadang hawak ni kapitan Arvin.

Arvin (sa isip): Ahhh! Ano to?!

Babae: Nakakahiya naman. Pero napahanga mo parin ako sa taglay mong lakas. Hahahaha!

Lumapit ang babae sa captain at agad na lumabas ang tila malaking buntot ng dambuhalang alupihan sa likod nito at tumusok sa likod ni Arvin. Tumagos ang dulo ng buntot nito sa harapan na katawan ni Arvin.

Arvin: Aaaaahhhh!!!!

Arvin sinaksak ng buntot ng Alupihan art

Pinawalang bisa ng babae ang telekinesis at itinapon ang kapitan sa may damuhan.

Itutuloy...


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5