Nena Ang Spirit Detective 44
"Love At First Sight"
Sa isang madilim na kakahuyan, ibinaba si Nena ng mga buhay na baging at dali-daling naglaho ang mga ito.
Nena: Huh? Nasan na ko?
Naglakad dahan-dahan si Nena pinapakiramdaman ang mga bagay sa kanyang paligid. Bigla nalang syang may naamoy na pamilyar na pabango.
Nena: Huh? Teka kilala ko yung pabango na yun ah. Yun ang... Paboritong pabango ni Ian.
Bigla nalang nag-liwanag ang mga ilaw sa poste. Napansin ni Nena na unti-unting naglalaho ang halimuyak ng pabango kaya naman tumakbo ito para habulin ang pinanggagalingan ng amoy.
May napansin sya na isang pulang liwanag at dali-dali syang tumakbo patungo dun.
Pagdating nya ay nagulat sya sa kanyang nakita. Isang dambuhalang nilalang na may katawan ng liyon at ulo ng nakakatakot na maskara na may nanlilisik na pulang mata.
Tumingin kay Nena ang nilalang at gigil na gigil ang boses nito na tila gustong lamunin ng buo ang dalaga.
Nena: Hops! Wag kang lalapit..
Lumundag ang halimaw patungo kay Nena at agad namang umilag si Nena pakanan. Tumambling si Nena at agad na itinutok ang kanyang spirit gun sa halimaw. Pagputok ng baril ay agad na naiwasan ito ng halimaw.
Laking gulat ni Nena dahil asintado sya bumaril pero tila nabasa ng dambuhalang nilalang ang kanyang galaw at agad na naiwasan ang bala.
Nena: Sablay???
Sa gulat ni Nena ay di nya napansin na lumundag muli ang halimaw patungo sa kanya pero huli na para iwasan ito. Itinakip nya pa-cross ang kanyang mga kamay sa kanyang harapan para depensahan ang sarili. Bigla nalang may dumakma kay Nena para iligtas ito sa atake ng halimaw. At sila ay tumabi sa may gilid.
Nena: Huh?
Gulat na gulat si Nena sa mga nangyari. At ang mas ikinagulat nya ay ang pabangong naaamoy nya ay nanggagaling sa lalaking nagsagip sa kanya. Pagtingin nya sa mukha nito ay laking pagtataka nya.
Nena: Si-sino ka?
Lalaki: Hmmm... Mukhang naliligaw ka ng landas binibini. Ako ang prinsepe ng kaharian ng Acacia. At ang halimaw na ito ay si Gringgo. Ang tagapagbantay ng kakahuyan.
Nanlilisik parin ang mata ng halimaw na nakatingin kay Nena habang umuungol ito. Tila naman nahumaling si Nena sa kagwapuhan ng prinsipe at sa pagsagip nito sa kanyang buhay.
Lalaki: Gringgo.. Stop! Bisita ko ang binibining ito.
Biglang kumalma ang halimaw at naglakad pabalik sa kakahuyan. Namangha naman si Nena nang agad na mapaamo ng lalaki ang halimaw na tila kontrolado nito ang pagiisip ng nilalang.
Napatingin si Nena sa lalaki at nilanghap ang amoy ng pabango nito. Gustong-gusto nya ang amoy ng pabango na yun. Napansin nya bigla na nakaakbay pa sa kanya ang lalaki at dali-dali syang kumawala sa akbay nito at kinilig.
Nena: Ay sorry..
Lalaki: Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?
Nena: Ayos lang ako.. A-ano nga palang pangalan mo?
Lalaki: Ako nga pala si Prinsipe Leonard ng kahariang ng Acacia. Namangha ako sa tapang na ipinakita mo sa pag-atake kay Gringgo.
Nena: Ahaha.. Salamat. Ako nga pala si Nena. Isa akong spirit detective at tungkulin ko ang paglaban sa masasamang elemento at espirito na kagaya ng halimaw na yun.
Lalaki: Hmm.. pambihira. Ngunit ang isang magandang binibini na kagaya mo ay hindi nababagay sa delikadong lugar na kagaya nito. Teka muna.. wala ka bang mga kasama?
Nena: Ahhh... Meron. Kaso di ko na alam kung nasan na sila.
Lalaki: Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin ng ikaw ay di na muling mapahamak.
Kinilig si Nena.
Nena: Oh sige.
Sa di kalayuan ay may paparating na ilaw ng sasakyan. Huminto ang isang mamahaling sasakyan sa harapan ng dalawa. Namangha si Nena sa ganda ng sasakyan. Binuksan ni prinsipe Leonard ang pinto ng likod na bahagi ng sasakyan at pinapasok si Nena.
Prinsipe Leonard: Tara sa sasakyan, aking binibini.
Lalong kinilig si Nena sa sinabi ng prinsipe at nahihiya pa ito.
Nena: Ahh.. ehh..
Prinsipe Leonard: Wag kang
mag-alala aking prinsesa. Nasa mabuting kamay ka na.
Nena: Okay.
Pumasok si Nena sa sasakyan at pumasok narin ang prinsipe. Sila ay tumungo sa isang napakagandang hotel and resort. Habang sila ay nasa sasakyan ay nagkwentuhan ang dalawa para makilala ang bawat isa.
Pagdating sa hotel ay manghang mangha si Nena sa kagandahan ng paligid. Tila isang panaginip na natupad ang kanyang nararamdaman.
Nena: Wow! Napakaganda naman sa lugar na to.
Prinsipe Leonard: Ituring mo na parang sa iyo ang lahat ng nakikita mo aking prinsesa.
Nena: Hah? Oh.. O, sige. Salamat. Ngayon lang ako napunta sa lugar na to.
Nena (sa isip): Pangarap ko na may magdala sa akin sa isang napakagandang lugar.
Lumapit ang mga tauhan ni Prinsipe at sumaludo sa kanya ang mga ito.
Prinsipe Leonard: Tara na sa restuarant aking prinsesa at tayo'y maghahapunan na.
Nena: Sige.
Habang sila ay naglalakad papasok sa hotel ay nakaramdam si Nena ng pagkabahala. Pero tuwing tumitingin sya sa napakagwapong mukha ng prinsepe ay nawawala ang kanyang pag-aalala. Sobrang saya ang nararamdaman ng dalaga at ayaw nyang matigil ang ligayang dulot ng pagtrato sa kanya ng maginoong prinsipe. Kaya naman sige lang sya sa kung anong sabihin ng prinsipe.
Nang sila ay makarating sa magarbong restaurant ay nakita nya ang napakasasarap na pagkain na nagpatakam sa kanya. Ginabayan sila ng tauhan ng restaurant patungo sa isang VIP table at doon sila naupo.
Inilapag sa harapan ng dalaga ang mga appetizers at nagulat sya dahil tila halos lahat ng paborito nya ay inihahain sa kanya. Sunod na inilapag ay ang main dish na kanyang paborito rin.
Nena: Ang galing naman ng mga staff mo. Alam nila ang mga paborito kong pagkain.
Ngumiti ang prinsipe.
Prinsipe Leonard: Hindi nag-kakalayo ay panlasa mo sa akin. Ang mga yan ang paborito ko rin. Kumain ang dalawa ng kanilang main dish.
Nena: Ahhh.. nabusog ako sobra.
Prinsipe Leonard: Mabuti naman aking prinsesa. Handa ka na ba para sa seremonya?
Nena: Huh?
Napansin ni Nena na may gumagalaw sa kanyang paanan at natigilan sya sa pagsagot sa tanong ng prinsipe.
Nena: Aaaaah..
Hindi tumigil ang gumagalaw sa paanan ni Nena.
Nena: Teka lang.
Hinawi ni Nena ang table cloth sa may paanan nya para tingnan kung ano ito.
Nena: Huh?? Ming? Anong ginagawa mo dito?
Ming: Meow!
Kinuha ni Nena si Ming na bigla na lamang lumitaw sa kanyang paanan.
Prinsipe Leonard: Huh? Pusa? Pano nakapasok yan dito? Ehem.. security.
Tumikas ang mga security papalapit sa kanilang table pero sumenyas si Nena na ayos lang.
Nena: Wag kang mag-alala mahal na prinsipe. Alaga ko to. Ming, sya nga pala si prinsipe Leonard. Ang pangalan nya ay Ming.
Prinsipe Leonard: Ah.. Si-sigurado ka ba dyan?
Nena: Oo naman baby ko to eh.
Sumenyas ang prinsipe sa mga security guard at nagbalikan ang mga ito sa kanilang mga pwesto.
Prinsipe Leonard: Okay. Ah.. aking prinsesa. Handa na ka na ba sa seremonya?
Ming: Meow!
Naglikot bigla si Ming.
Nena: Ano ba Ming? Anlikot mo naman.
Kinarga ni Nena sa kabilang kamay nito ang kanyang alaga at pinakalma.
Nena: Okay lang yan, Ming. Mabait si Prinsipe Leonard. Kalma ka lang.
Nena: Aaah. Okay. Anong seremonyas nga pala?
Tumayo ang Prinsipe at tumingin sa paligid. Ang bawat isa sa restaurant ay tumingin sa kanilang dalawa. Lumapit ang prinsipe sa tabi ng kinauupuan ni Nena at iniluhod ang isang tuhod. Kinuha sa bulsa nito ang maliit na box. Binuksan ang box at inilabas ang isang gintong singsing.
Nagulat si Nena sa ginawa ng prinsipe at tila di sya makapagsalita at makagalaw dahil sa nag-uumapaw na kilig na kanyang nararamdaman. Kinuha ng prinsipe ang kaliwang kamay ni Nena at isinuot ang singsing sa palasingsingang daliri ni Nena.
Prinsipe Leonard: Aking pinakamamahal na prinsesa Nena, will you marry me?
Umungol bigla si Ming at agad namang sinaway ito ni Nena.
Nena: O... Oo naman, I do.
Napabuntong hininga ang prinsipe.
Prinsipe Leonard: Haaaayy..
Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at nakangiti ang mga ito.
Nag-utos si Prinsipe Leonard sa kanyang mga tauhan na ihanda ang chapel para sa kanilang kasal.
Bigla namang napalitan ang music ng restaurant mula sa eleganteng dining music sa "unchained melody" love song.
Prinsipe Leonard: Maaari ba kitang maisayaw, aking mahal na prinsesa?
Nena: Ah.. naman! Syempre. Wait ka lang dito Ming ha.
Inilagay ni Nena si Ming sa kanyang bag at nahiga ang itim na pusa. Dahan-dahang nagsayawan ang dalawa kasama ang iba pang mga bisita sa restaurant.
Nakatitig lamang si Prinsipe Leonard kay Nena habang si Nena naman ay parang tinutunaw sa kilig habang sila ay nagsasayaw.
Prinsipe Leonard: Aking pinakamamahal na prinsesa, lahat ng yaman sa mundo ay walang halaga, kumpara sa sandling ito na kapiling kita.
Nena: Ayieee! Ahh.. aking prinsipe. Alam mo lahat ng katangian na hinahanap ko sa isang lalaki ay nasa iyo na. Ang pait ng aking nakaraan ay naglaho nalang na parang bula.
Nena: Kung nananaginip man ako, ayoko nang magising pa.
Prinsipe Leonard: Hindi ka nananaginip aking prinsesa.
Nagkatitigan ang dalawa at unti-unting lumalapit ang labi ng bawat isa. Nang malapit na silang maghalikan ay bigla nalang umalingawngaw ang nabasag na mga baso at plato sa kanilang table.
Natigilan ang dalawa at napatingin sa kanilang table. Gayun din naman ang mga bisita at mga empleyado ng hotel. Hinatak pala ni Ming ang table cloth sa kanilang lamesa kaya nagbagsakan ang mga nasa ibabaw nito.
Dali-daling nagpuntahan ang mga security para dakpin si Ming pero agad tumakbo si Nena para kunin ang kanyang alaga.
Nena: Naku, Sorry po... Sorry po. Ano ba yan Ming! Panira ka ng moment eh! Kaasar ka naman eh.
Prinsipe Leonard: Medyo may kapilyuhan din pala ang alaga mong yan, ano?
Nena: Pasensya ka na mahal na prinsipe. Hindi lang kasi siguro sya sanay sa maraming tao.
Lumapit ang isang body guard ng prinsipe at sinabing handa na ang chapel.
Prinsipe Leonard: Ah.. mahal na prinsesa, handa na ang chapel. Tayo na at simulan ang seremonya ng ating kasal.
Nena: Okay. Pero teka muna.. Ah.. may hiling lang sana ako.
Prinsipe Leonard: Ano yun, aking mahal na prinsesa?
Nena: Ah.. eh.. Gusto ko sanang magsuot ng wedding gown para naman maayos ako tingnan sa kasal natin.
Prinsipe Leonard: Ah.. Syempre naman. Masusunod ang iyong kahilingan mahal kong prinsesa.
Nena: Salamat, mahal na prinsipe.
Prinsipe Leonard: Adelia (tauhan ng prinsipe), pakisamahan mo ang mahal na prinsesa sa dressing room para magpalit.
Adelia: Masusunod po, kamahalan.
Nena: Ahh.. Okay na ko. Kaya ko nang mag-isa.
Adelia: Ayaw mo bang makita ang mga top designer's choice na wedding gowns collection ko?
Nena: Hmmmm... Di na. Kaya ko nang ayusan ang sarili ko. Salamat nalang, Adelia.
Tumingin si Adelia sa prinsipe at tumango naman ito.
Prinsipe Leonard: O, sige. Hihintayin ka nalang namin sa chapel.
Nena: Okay, mahal na prinsipe. Ah.. San ang dressing room?
Sinamahan si Nena ng isang body guard papunta sa dressing room. Habang naglalakad sila ay hindi mapakali si Ming.
Nena: Hmmm.. Ikaw talaga ming. Malapit na sana e. Hay nako parang mas excited ka pa sakin ah?
Ming: Meow!
Hinimas-himas ni Nena ang leeg ni Ming para ito kumalma.
Pagpasok ni Nena at ng kanyang alaga sa dressing room ay ini-lock nya ang pinto.
Biglang nakaramdam ng pagkahilo si Nena at tila umiikot ang kanyang paningin. Napaluhod sya sa sahig habang hawak ang kanyang ulo.
Nena: Ahhh! Ano to?
Ming: Meow!
To be continued...
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento