Nena Ang Spirit Detective 45

"Ang Engkanto Ng Mga Baging"

Nakatingin sa kanyang harapan ang alaga at lumikha ito ng isang protective barrier. Unti-unting lumaki ang barrier at napalibutan silang dalawa. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Nena. Napatayo si Nena at pinagmasdan ang barrier.

Nena: Huh? Ano to? Ming?
Ming: Meow...
Nena: Salamat. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko.
Ming: ...
Nena: Pwede mo na tanggalin ang barrier. Kailangan ko nang magpalit ng damit at inaantay na tayo ng mahal na prinsipe.
Ming: ...
Nena: Ming! Tanggalin mo na ang barrier.
Ming: ...
Nena: Ming! Ano ba! Tanggalin mo na ang barrier.

Biglang umatake si Ming gamit ang ulo sa tiyan ni Nena at biglang nasuka ang dalaga. Nagulat si Nena sa kanyang nakita.

Nena: Pweeehhh... Yuck ano to?
Ming: Meow!
Nena: Puro bulate at uod, Ullkk...

Nandiri si Nena sa kanyang nakita kaya mas lalo syang nasuka.

Nena: Uulllkkk... Sinasabi ko na eh! Too good to be true! Too good to be true, Nena. Antanga-tanga mo! Ullkkk...

Kumatok ang security sa dressing room.

Tok! Tok! Tok!

Security: Mahal na prinsesa, tapos na po ba kayo magbihis?

Hindi sumagot si Nena. Sumuka syang muli hanggang sa wala na siyang maisuka. Nanumbalik ang katinuan ni Nena pero unti-unti nang nawawala ang barrier dahil nauubusan na ng enerhiya ang kanyang alagang si Ming.

Malakas na uri ng barrier ginamit ng kakaibang pusa kaya naman malakas din ito kumonsumo ng enerhiya.

Muling kumatok ang security.

Tok! Tok! Tok!

Security: Mahal na prinsesa, ayos lang po ba kayo? Bakit po hindi kayo sumasagot? Bubuksan ko na po ba ang pinto?

Hindi ulit sumagot si Nena.

Ming: Meeooww...
Nena: Pano nalang kung di ka dumating, Ming. Malamang pinagsamantalahan na ko ng engkantong prinsipe! Salamat Ming. Niligtas mo nanaman si mommy. Ming??

Unti-unti nang nanghihina ang kanyang alaga.

Nena: Naku.. mawawala na ang barrier. Teka. Tama! Ang pabango! Ginagamit ng engkanto ang hangin para manipulahin nya ang utak ko.

Kumatok muli ang security. Nagtataka na ito kung bakit hindi sumasagot si Nena.

Tok! Tok! Tok!

Security: Mahal na prinsesa. Bubuksan ko na po ang pinto kapag hindi pa po kayo sumagot. Pinapatawag na po kayo ng mahal na prinsipe.

Hindi parin sumagot ang dalaga.

Agad na ininom ni Nena ang ipinabaon sa kanila ng kanilang kaibigan na si Tonyo na isang maliit na botelya ng mataas na uri ng pangunang lunas.

Nena: Ahh! Salamat sa gamot Tonyo.

Dali-dali rin na kinuha ni Nena ang kanyang panyo sa kanyang bag at inilagay sa harapan ng kanyang alaga. Gumamit ng protective magic spell ang kanyang alaga at isinalin sa panyo ni Nena.

Nena: Thanks baby!

Agad na isinuot ni Nena ang panyo bilang face mask na kayang promotekta sa kanya sa mahikang ginagamit ng engkanto sa hangin.

Bigla nalang nawala ang protective barrier na ginawa ni Ming at bigla ring nanghina ito.

Ming: Me-ow..

Agad kinarga ni Nena si Ming.

Nena: I love you! I love you baby ko! Love na love mo talaga si mommy. Yaan mo babawi ako sayo pag-uwi ko. Maraming salamat, bhie.

Ming: Me-ow..

Lumiwanag ang kwintas na suot ni Ming at biglang naglaho ang alaga.

Nena: Utang ko sayo ang buhay ko Ming... Humanda kayo sakin ngayon! Nanggigil na talaga ako!


Hinugot ni Nena ang kanyang upgraded spirit gun at ikinasa ito. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang security ng hotel.

Security: Mahal na prinsesa??

Nena: Handa na ako!

BANG!!!

Umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng hotel. Ang lahat ay nagulat at napatingin sa pinanggalingan ng putok.

Bumagsak mula sa ikatlong palapag ang katawan ng security na may tama ng spirit bullet sa ulo at lumagapak sa isang lamesa. Agad na nagtakbuhan ang mga security patungo sa labi.

ALARM!!!

Sigaw ng isa pang security guard.

Lumabas sa pinto ng dressing room si Nena at pumunta sa dulo ng handrail ng palapag.

Nena: Tapos na ang palabas! Prinsipe ng mga engkanto!

Sigaw ni Nena.

Prinsipe Leonard: Sinasabi ko na! Dakpin nyo ang prinsesa!

Agad na nagtakbuhan ang mga security guard paakyat sa palapag na kinaroroonan ni Nena.

Prinsipe Leonard (sa isip): Sinasabi ko na! Ang pusang yon ang may kagagawan nito! Sinira nya ang mga plano ko!

Prinsipe Leonard: Hanapin nyo ang pusa at patayin nyo!

Nena (sa isip): Hmmm... Yun ay kung mahahanap nyo si Ming. Well! It's showtime!

Gumuhit si Nena sa hangin sa kanyang harapan at nagliwanag ng puti at berde ang kanyang iginuhit. Ipinikit nya ang kanyang mga mata.

Nena (sa isip): Mag-focus ka girl...

Nena: GABRIELA SILANG!


Lalong nagliwag ang kanyang iginuhit at unti-unting pumasok sa kanyang katawan. Ang mga kalaban naman ay nagulat sa mga ginagawa ni Nena at nagtaka kung ano iyon.

Nang ma-absorb na nang tuluyan ang spell na kanyang ipinataw sa sarili ay nag-taglay sya ng di pangkaraniwang focus at gumaan ng husto ang kanyang pakiramdam na syang makapagbibigay sa kanya ng di pangkaraniwang bilis at stamina.

Agad tumakbo pakanan si Nena at pinaputukan ng kanyang spirit gun ang limang paakyat na security guard.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!


Sa likod naman nya ay may anim na security guard na papalapit, binaril nya rin ang mga ito. Mabilis na bumaba si Nena sa ikalawang palapag at doon ay bumulaga sa kanya ang maraming security guard.

Umatake ang mga security guard gamit ang pisikal na lakas ngunit sa taglay na liksi ni Nena ay naiwasan nya ang mga pag-atake. Pagdating nya sa may dulo ay agad na hinugot nya ang kanyang spirit trap gun at tumambling paharap. Agad nyang itinutok ang spirit trap gun sa mga security guard sa pangalawang palapag at ipinutok ito.

Tzzzzzzzzzttttt!

Lamabas ang malaking nagliliwanag na net na napapalibutan ng pulang kuryente at itunulak ang mga security guard sa pader at na trap doon.

Security guards: Ahhh!!

Nena: Hmmm!

Sa may hallway ay nag-usap ang prinsipe at si Adelia.

Adelia: Iba din ang talento ng mahal na prinsesa.
Prinsipe Leonard: Kaya mas lalo akong humahanga sa kanya.
Prinsipe Leonard (sa isip): Hmmm.. wag kang mag-alala dahil akin ka na kapag nahuli na kita. Wala pa yatang nakakatakas sa kaharian ng Acacia.

May tatlo pang security guard ang paakyat ng hagdan. Agad pinaputukan ni Nena ang paakyat ngunit naubusan ng bala sa pangalawang putok.

Agad nyang ini-release ang empty magazine ang kinargahan ng bago ang kanyang spirit gun. Nang malapit ng makaakyat ang dalawa ay pinaputukan nya ang mga ito.

Bang! Bang!

Agad inasinta ni Nena sa ulo ang prinsipe at ipinutok ang spirit gun.

BANG!

Bumagsak sa sahig ang prinsipe.

Adelia: Huh?!  !!! Prinsipe Leonard!

Agad na pinakiramdaman ni Adelia ang prinsipe pero tila wala na itong buhay. Nagulat ang mga iilang tao pa sa hotel na natira.

Adelia: Magbabayad ka!!!

Nagbagong bigla ang anyo ni Adelia at naging isang halimaw na may katawan ng pinaghalong tao at puno. Lumaki ng halos tatlumpung metro ang halimaw. Ang mga mata nito ay nanlilisik at may matutulis na ngipin.

Humaba ang mga daliri ni Adelia at naging mga buhay na baging.


Nena: Edi lumabas din yung tunay na kulay! Haaays kanina ko pa inaantay yan eh!

Adelia: iiiiiiiiihhh!!!

Tumili ng malakas si Adelia sa kanyang galit at umatake ang mga buhay na baging patungo kay Nena. Agad tumambling si Nena patalikod para umiwas.

Tumakbo palayo si Nena at muling tumambling paharap at agad na itinutok ang kanyang baril sa mga sumusunod sa kanyang buhay na baging.

Bang! Bang! Bang!

Pinaputukan nya ang mga buhay na bahing at nawasak ang mga ito. Agad din namang tinubuang muli ng mga bagong baging ang nawasak.

Tumakbong muli si Nena pababa ng hagdan. Agad siyang tumakbo palapit kay Adelia at nang sya ay malapit na ay tumigil saglit. Pinakiramdaman nya ang daloy ng mga baging at nang malapit na sa kanyang likuran ay tumambling patalikod at kinuha nya ang isa sa mga ito.

Agad siyang tumakbo paikot kay Adelia at ginamit nya ang baging sa sa pagtakbo paakyat sa katawan ng halimaw na parang sumasayaw sa pole. Habang umaakyat paikot sa katawan ng halimaw ay unti-unting pumapalupot dito ang sariling mga buhay na baging at nang makarating sa may ulunan ay iniba ni Nena ang kanyang direksiyon pababa hanggang sa magkabuhol-buhol ang mga buhay na baging sa katawan ng halimaw.

Adelia: iiiiiiiiihhhh!!!

Natrap ang halimaw sa sarili nitong baging at natumba sa sahig. Nagpumiglas ang halimaw ngunit ang mga baging ay buhol-buhol ng husto kaya hindi nito magawang kumawala sa pagkakabuhol.

Nena: Oh ano ka ngayon? Heh! Ano, girl? Kailangan mo ng suklay? Haha! Manigas ka dyan.

Adelia: iiiiiiiiihhhh!!!


Nena: Kahit magtitili ka dyan wala ka nang magagawa. Maliban nalang kung may tutulong sayo.

Tumingin si Nena sa mga iilang tao na natira sa hotel.

Nena: Oh ano?! Manonood nalang ba kayo?

Nagbago ang mga mata ng mga tao sa paligid at dahan-dahang umatras at nanakbo palabas sa gusali.

Nena: Hmmm... Buti naman.

Napatingin si Nena sa labi ng prinsipe. Naglakad palapit at pumalakpak.

Clap, clap, clap!

Nena: Hmm.. Haha! Talagang consistent ka parin sa pag-acting mo dyan ano, prinsipe ng mga Engkanto?

Huminto si Nena sa paglalakad.

Nena: Tumayo ka na dyan. Wala ka nang fans oh. Maliban lang dito sa dambuhala mong alipores.

Prinsipe Leonard: Magaling!

Unti-unting bumangon ang prinsipe na may tama ng bala sa ulo.

Nena: Basic! Aklat ng mataas na pag-aaral sa mga Engkanto, 2nd year, chapter 7, ang mataas o pinuno ng mga engkanto ay imortal sa teritoryo nito.

Prinsipe Leonard: Napakahusay mo talaga aking mahal na prinsesa.

Nena: Mahal na prinsesa??? Yuck!
Prinsipe Leonard: Tama ang narinig mo. Nakuha ko na ang matamis mong oo at kailangan na nating makasal sa lalong madaling panahon at pagharian ang ating kaharian.

Nena: Yuuuckk!! Never noh! Malamang dahil ginamitan mo ko ng lason sa pag-iisip gamit ang pabango mo.

Nena: Atsaka.. For your information. Taken na ko no! May boyfriend akong nag-aantay sakin. Kaya ang mabuti pa buksan mo na ang portal pabalik sa aming mundo.

Naasar bigla ang prinsipe pero nagtitimpi pa ito.

Prinsipe Leonard: Hahahaha! Ganyan na ganyan din ang sinabi ng mga biktima kong may matigas na ulo. Pero nasan na sila ngayon? Isa na silang parte ng kaharian na ito. Walang hanggang kasiyahan ang nararanasan nila ngayon sa pamumuno ko.

Nena: ...

Prinsipe Leonard: Di mo parin ba napagtatanto? Isa ka nang bilanggo sa aking kaharian. Wala ka nang magagawa kundi sumunod sa mga gusto ko dahil hinding-hindi ka na makakaalis dito.

Nabahala si Nena sa mga sinabi ng prinsipe pero nanatili paring kalmado.

Nena: ... Talaga ba?
Prinsipe Leonard: Tama! Wala ka ng magagawa kundi sumunod sakin. Kaya mabuti pa ay tanggaling mo na yang face mask mo na may mahiwagang barrier dahil maya-maya lang ay mawawalan narin ng bisa yan.

Nabahala si Nena sa sinabi ng prinsipe.

Nena: ...

To be continued...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5