Nena Ang Spirit Detective 46

"Ang Kapangyarihan ng Prinsipe ng mga Engkanto"

Nabahala si Nena sa sinabi ng prinsipe at bigla rin nyang naalala ang mga pinag-aralan nya sa mahika.

Nena (sa isip): May punto nga sya.. chapter 13 ng libro ng engkanto.. walang maaaring makalabas sa teritoryo ng kaharian ng engkanto kundi pahintulutan ng pinuno nito. Tanging ang pinuno lamang ang nakagagawa ng lagusan patungo sa ibang mundo.

Nena (sa isip): Eh pano nakapasok si Ming? Ah! Dahil sa aming amulet. Pero tanging ang may higit pang lebel ng mahika sa pinuno ng engkanto ang makakagawa noon. Edi ibig sabihin ay mataas na mahika ang kayang gawin ni Ming. Pano na to?!

Prinsipe Leonard: Ano sa palagay mo mahal na prinsesa? Sige bibigyan pa kita ng panahon para makapag-isip. Haha! Dahil yan na ang mga huling sandali mo para gamitin ang sarili mong pag-iisip.

Pinanghinaan ng loob si Nena pero pilit nya paring maging matapang sa kinakaharap na suliranin.

Nena: Ahhh! Hah?! Alam mo makakaalis ako dito kahit kelan ko gustuhin. Dahil yan sa Dimensiyon shifting spell ko.


Prinsipe: Haha! Di ako sumasang-ayon. Sa tantya ko sa lebel ng iyong mahika ay di mo kayang gumamit ng matataas na uri ng lagusan. Sige! Maaari mo naman yang subukan kung yan ang iyong nais, mahal kong prinsesa.

Nagliwanag bigla ang kwintas ni Nena at inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang harap. Gumamit sya ng maraming enerhiya para sa Dimensiyon shifting spell nya.

Unti-unting naglabasan ang malilit na kuryente sa kanyang karapan. Napansin ni Nena na di bumubukas ang lagusan na kanyang ginagawa.

Nena (sa isip): Haaahh!! Ano to!! Bat parang ayaw gumana?!

Prinsipe Leonard: Nakita mo na? Kahit ubusin mo lahat ng enerhiya mo dyan ay hindi bubukas ang lagusan na yan.

Nena: Gumana kaaaa!!!

Ilang saglit lang ay nawala ang mga kuryente sa kanyang harapan ang nawalan ng liwanag ang kanyang amulet. Hiningal si Nena at unti-unting nawawalan ng bisa ang Gabriela Silang Spell nya.

Nena (sa isip): Hindi to pwede! Hindi ako pwedeng matrap dito! Kailangan kong manipulahin ang isipan ng engkanto na to! Gagamitan ko sya ng Noli Me Tangere!

Sobrang bilis na lumapit si Nena sa harapan ng prinsipe at inilapat nya ang kanyang kanang palad sa mukha ng prinsipe.

Muling lumiwanag ang kanyang amulet at ipinataw ang spell.

Nena: Noli Me Tangere!

Lumikha ng enerhiyang bilog na lapad ang spell na may pa-spiral na kulay lila. Ngunit ilang sandali lang ay naglaho din ito at ang hipnotismo ay hindi umipekto. Mas lalo pang nanghina si Nena at bahagyang nanginig ang kanyang tuhod.

Prinsipe Leonard: Noli ano? Hahaha! Oh ano ayos ka lang ba mahal na prinsesa?

Dahan-dahang umatras si Nena at naglaho na ang Gabriela Silang Spell nya.

Nena (sa isip): Kainis! Ano ba to!!

Prinsipe Leonard: Naniniwala ka na ba sa mga sinasabi ko mahal kong prinsesa?

Ngumiti ang prinsipe at naging kampante na.

Prinsipe Leonard: Sa teritoryong ito ay diyos ako kung ituring.

Unti-unting kumipot ang butas ng tama ng bala sa ulo nito at lumabas ang dulo ng bala at naghilom agad ang sugat.

Prinsipe Leonard: Sa mundong ito, lahat ng masarap ay ipinararanas ko sa aking mga biktima. At kapag nagsawa ako ay gagawin ko silang tauhan sa aking kaharian. Gaya ni Adelia. Isang pambihirang nilalang na may napakataas na lebel sa paggamit ng mahika. Pero walang nagawa ang kanyang kakayanan sa aking kaharian. Siya ang dating prinsesa ng kaharian na to, ngunit nagbago ang aking isip ng makita ko ang yong kagandahan sa mundong iyong kinaroroonan. Kaya naman ibinaba ko na ang kanyang pwesto bilang prinsesa at ngayon ay isa nang make up artist ng aking hotel.

Prinsipe Leonard: Wag kang mag-alala. Dahil sa mga ipinapamalas mong kakayanan at lakas ng loob ay sa tingin ko, matagal ako bago magsawa sa iyo. Hahahaha! Lahat ng pinapangarap mo ay ibibigay ko sayo, mahal kong prinsesa.

Nanghina si Nena at bahagyang nawalan ng pag-asa sa mga sinabi ng prinsipe. Nanginginig ang kanyang kamay sa panghihina dahil halos ubusin nya ang kanyang enerhiya sa mga pinakawalang spell. Pilit nyang kinuha ang maliit na botelya ng enerhiya sa kanyang belt pocket at halos hindi na nya maiangat ang kamay para inumin ito.

Prinsipe Leonard: Hmmm... Botelya ng enerhiya. Di ka parin talaga nawawalan ng pag-asa. Sige lang inumin mo lang yan.

Nena (sa isip): No No! Lord please. Tulungan mo ko.

Hindi na magawang inumin ni Nena ang botelya at pakiramdam nya ay magko-collapse na sya.

Nena (sa isip): Kaya mo yan!

Pilit nyang inangat ang kanyang kamay at ininom ang botelya ngunit kalahati lang ang nainom at nabitawan na nya ang botelya. Tumapon ang kalahating laman ng botelya.

Napaluhod si Nena sa sahig. Hiningal ng husto at huminga ng malalim.

Prinsipe Leonard: Oh, bakit mo naman itinapon. Hmmm.. palagay ko ay hindi mo na kaya? Di ko na matiis na makita kang nahihirapan mahal kong prinsesa. Tatanggalin ko na ang face mask mo para matapos na ang paghihirap mo at masimulan na natin gawin ang masasarap na bagay sa aking kaharian.

Lumapit ang prinsipe kay Nena at iniluhod ang isang tuhod.

Prinsipe Leonard: Akin na, mahal na prinsesa. Huhubarin na natin ang iyong face mask.

Tumingin ng masama at nanlilisik ang mga mata ni Nena sa prinsipe.

Nena: Over my dead body! Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa maranasan ang mga kasuklam-suklam mong gawain!

PAAAK!!!

Sinampal ng napakalakas ni Nena ang prinsipe dahilan sa bahagyang nanumbalik ang kanyang enerhiya. Sa lakas ng sampal ay nawalan ng balanse ang prinsipe at napaupo sa sahig.

Agad namang tumayo si Nena umatras palayo sa prinsipe. Naasar at napahiya ang prinsipe sa ginawa sa kanya ni Nena pero pilit paring pinipigilan ang kanyang sarili.

Prinsipe Leonard: Hmmm... Ikaw pa lang ang nakasampal sakin ng ganun sa buong buhay ko na to na walang hanggan. Pagbibigyan parin kita, mahal kong prinsesa dahil mahaba ang pasensya ko para sayo.

Muling ginamit ni Nena ang Gabriela Silang Spell nya at inabsorb ito. Mabilis na tumakbo palabas ng hotel ang dalaga at lumayo ng husto. Habang tumatakbo ay naluluha na ang dalaga at nawawalan na ng pag-asa.

Nena (sa isip): Hindi pwede! Hindi ako pwedeng ma-trap dito!

Nena (sa isip): Kap, Tito, Marj, Alice, nasan na ba kayo?!

Tuluyan nang napaiyak si Nena habang tumatakbo iniisip na imposible nang makalabas sa teritoryo ng prinsipe ng mga engkanto.

Sa kabila ng kawalan ng pag-asa ay sumagi sa kanyang  isip ang isang quote. If you think negatively, negative things will happen. If you think positively then positive things will happen.

Nena (sa isip): Tama! Buhay pa naman ako at protektado parin ng barrier ni Ming. Kailangan kong umisip ng paraan.

Nena (sa isip): Kung iisipin ko na isa na kong bilanggo sa teritoryo na to ay magiging bilanggo nga ako. Pero kung iisipin ko na makakalabas ako dito ay makakalabas nga ako dito. Makakalabas ako dito!

Nena (sa isip): Thank you Lord! Thank you! Salamat. Di mo parin talaga ako pinapabayaan. I love you! Salamat at pakiramdam ko ay kinakausap mo parin ako.

Tumakbo si Nena sa ilalim ng isang puno. Huminga ng malalim at ipinikit ang kanyang mga mata.

Nena (sa isip): Haaaahh... I have to think outside of the box! Okay... Kung ang kalaban ay gumagamit ng ipinagbabawal na mahika malamang wala sa mga librong inaral ko ang spell na eepekto sa kanya.

Nena (sa isip): Ang pagmamanipula sa isipan ng prinsipe ng engkanto ang tanging paraan para gumawa ng lagusan palabas dito.

Nena (sa isip): Teka, ang hipnotismo ay isang mababang lebel ng mahika at ang possession na kagaya ng ginagamit ng aming mga kalaban ay ang mataas na uri nito.

Nena (sa isip): Hindi ko kailangang maniwala sa mga sinasabi ng prinsipe ng mga engkanto. Kung ang kalaban ay gumagamit ng ipinagbabawal na mahika mula sa ipinagbabawal na libro, yun lang din siguro ang pwedeng umipekto dito.

Nena (sa isip): Kailangan kong mag-create ng spell na kagaya ng ginagamit ng kalaban. No choice kahit ipinagbabawal pa.

Nena (sa isip): Tama! Ang spell creation module na nasa libro ng Basic Knowledge of Magic. Wait! Nasa condo ang libro.. tama! Nasa tickler ko ang formula. Naku naiwan ko yung bag ko.

Nena (sa isip): Wait.. Sana nailagay ko sa belt pocket ko ang tickler.

Dahan-dahan binuksan ni Nena ang kanyang belt pocket kung saan nya inilalagay ang tickler nya na naglalaman ng mahahalagang formula na kinopya nya mula sa libro ng basic knowledge of magic.

Nena (sa isip): Sana nandito ka.. sana please.. sana nandito ka.

Pagbukas nya ng belt pocket ay kinapa nya kung nandoon ang tickler.

Nena (sa isip): Aaaahhhh! Naman! kainis nasa loob ng bag! Haaaay! Di bale. Spell creation.. spell creation.. spell creation.

Nena (sa isip): I-konekta ang isipan sa Universal Frequency.

Nena (sa isip): I-konekta ang isipan sa iyong device.

Nena (sa isip): Wait. Kailangan ko pala ng bagay na maghahalo saking dugo at dugo ng prinsipe ng engkanto.

Nena (sa isip): Ay shocks! Oo nga pala kailangan ko ring ang ingredients ng mga halamang ginamit ng mga kalaban.

Nena (sa isip): Teka.. malamang nandito lang din sa paligid ang mga halamang yon.

Tumakbo si Nena sa may halamanan at nagulantang sya sa dami ng mga halaman.

Nena (sa isip): Nakupo! Gugugol ako ng maraming oras kung pagaaralan ko pa isa-isa ang mga ito. Hay..

Nag-blink ang liwanag sa facemask na kanyang suot, senyales na malapit nang mawalan ng epekto ang barrier na isinalin ni Ming. Napansin yun ni Nena.

Nena (sa isip): Nakupo! Ang barrier... Relax. Relax ka lang girl. So, pano na?

Mga ilang minuto ang nakalipas ay nag-iisip pa rin si Nena. Muling nag-blink ang kanyang face mask.

Nena (sa isip): Wait lang. Wag ka muna mawawala.

Naisip bigla ni Nena ang hangin.

Nena (sa isip): Tama! Ang pabango ng prinsipe. Pero pano ko kukunin sa kanya ang pabango? Paubos na rin ang barrier ng panyo.

Nena (sa isip): Hmmm...

Nena (sa isip): Chemicals can be transmitted through physical contact, air, water etchetera. Tama! Genius ka talaga girl! Kung ang chemical compounds ay naisasalin malamang ay nasa damit ko pa ang pabango nung nagsayawan kami nung prinsipeng ma-L na yun!

Muling nag-blink ang panyo. Naalarma si Nena dahil numinipis na ang liwanag ng panyo. Unti-unti nang humihina ang barrier.

Di na pinansin ni Nena ang barrier at agad na hinugot ang kanyang spirit gun. Ni-release nya ang magazine at ini-unload ang dulong bala na nakaload.

Kumuha sya ng safety pin sa kanyang belt pocket. Huminga sya ng malalim at itinusok sa dulo ng kanyang daliri.

Nena (sa isip): Ahh! Etong ayaw ko sa mga spell creation na ganto to eh! May mga ganto pang hanash.

Pinisil nya ang daliri para lumabas ang dugo.

Nena (sa isip): Okay... Pwede na siguro to.

Ipinahid nya ang kanyang dugo sa dulo ng bala at ipinahid din sa kanyang damit ang bala.

Muling nagblink ang kanyang face mask.

Nena (sa isip): Okay... Bilis, bilis, bilis.

Muling ibinalik ni Nena ang bala sa magazine at ang magazine sa kanyang spirit gun. Habang ibinabalik nya ang ang magazine ay nakaramdam si Nena ng panganib.

Nena (sa isip): Huh! Baka si...

Isinuksok ang kanyang spirit gun. At dahan-dahang sumilip sa likuran ng isang puno.

Nena (sa isip): Yayks sabi na e... Si Gringgo nga!

Unti-unting lumalapit sa punong pinagtataguan ni Nena ang halimaw na si Gringgo habang sinusundan nito ang amoy kung nasaan si Nena.

Nena: Beng!!!

Pzzzzzzzzzzzzzztttt!!!

Nena: Wala na kong panahon sayo!

Mabilis na ginamitan ni Nena ng spirit trap gun si Gringgo at nakulong ang dambuhalang halimaw. Nagpumiglas ang halimaw pero di nito magawang kumawala.

Wwwwwrrrrrrraaaaahhh!!!

Tumakbo kagad si Nena pabalik sa hotel ng prinsipe. Pero napatigil ito.

Nena (sa isip): Wait! Tama! Maaari kong gamitin ang halimaw na yun bilang pain. Habang gagawin ko ng on the spot ang spell creation. Tama! Tama! Dali!

Bumalik si Nena sa na-trap na halimaw. Napatingin kay Nena ang halimaw.

Wwwwrrrraaaaahhh!!!

Nena (sa isip): Malamang isa ka sa mga tauhan ng prinsipe. Kaya naman gagana sayo ang mataas na lebel ng Noli Me Tangere. Kapag eto gumana, di ako nagkakamali sa mga hinala ko.

Lumiwanag ang amulet ni Nena at nilapat ang kanyang kamay sa na-trap na halimaw. Ini-release nya ang spell.

Nena: Noli Me Tangere!!!


Ini-absorb ng halimaw ang nagliliwanag na bilog na may spiral sa spell ni Nena. Nang maabsorb nagwawala parin ang halimaw!

Nena: Tumigil ka!

Tumigil kagad ang halimaw. Tiningnan ni Nena ang mga mata ng halimaw at bahagyang nagliliwanag ito ng puti at pink na ilaw, senyales na umipekto ang Noli Me Tangere spell nya.

Nena: Nice! Buti gumana!

Sinakyan ni Nena ang nakamaskarang halimaw na liyon.

Nena: Tara sa hotel ng prinsipe dali!

Mabilis na tumakbo ang liyon patungo sa hotel. Nag-blink muli ang face mask nya at numipis ng husto ang ilaw nito, senyales na mga segundo nalang ang natitira bago mawala ang barrier.

Nena: Bilisan mo ang takbo!

Halimaw: Wraaah!

Mas binilisan ng liyon ang takbo.

Nena (sa isip): Di pepwede ang ganitong bilis!

Muling ginamit ni Nena ang Gabriela Silang spell nya pero sa halimaw nya ipinataw. Nagkaron ng pambihirang bilis ang halimaw at napayuko si Nena sa sobrang bilis ng takbo ng halimaw. Ilang segundo lang ay nakarating sila kagad sa hotel. Gulat na gulat ang prinsipe sa kanyang nakita.

Nena: Atakihin mo ang prinsipe!

Prinsipe Leonard: Huh?

Wwwwwrrrraaaaahhhh!!!!

Prinsipe Leonard: Aaaaahhhhhh!!

Nilapa ng halimaw ang prinsipe at agad na tumalon si Nena pababa sa halimaw na liyon. Napansin ni Nena na unti-unti nang naglalaho ang liwanag ng kanyang face mask. Huminga sya ng sobrang lalim at pinigilan ang kanyang paghinga. Tuluyan ng naglaho ang liwanag sa face mask. Wala na ang barrier.

Agad nyang hinugot ang kanyang spirit gun at lumapit sa prinsipeng nilalapa ng halimaw na liyon para makasiguro na maasinta nya ng husto ang prinsipe.

Bang!

Ipinutok nya ang kanyang spirit gun sa may balikat ng prinsipe at tinamaan nya ito. Humakbang paatras si Nena at isinagawa ang spell creation habang pinipigil ang kanyang paghinga.

Nena (sa isip): I-konekta ang sarili sa Universal Frequency.

Ipinikit ni Nena ang kanyang mga mata at pinakiramdaman ang Universal Frequency.

Nena (sa isip): I-konekta ang sarili sa device.

Pinakiramdaman nya ang kanyang dugo at nakaramdam sya ng koneksyon sa balang nasa loob ng prinsipe.

Nena (sa isip): Gumamit ng enerhiya.

Nagliwanag ang amulet ni Nena at iminulat ang kanyang mata.

Nena (sa isip): Lumikha ng letra ng mahika para sa ginagawang spell.

Sumulat si Nena sa hangin sa kanyang harapan ng letra ng mahika. Bahagayang nauubusan na nga hangin si Nena.

Nena (sa isip): Lumikha ng kumpas na code para sa spell.

Kumumpas si Nena gamit ang kanyang mga kamay para sa spell na kanyang nililikha. Nagliwanag ang isinulat ni Nena sa kanyang harapan. Nauubusan na ng hangin ang dalaga dahil sa pagpigil sa paghinga nito.

Nena (sa isip): ipataw at pangalanan ang spell.

Nena: Sandugo.... Chorvah.

Pabulong na pinangalanan ni Nena ang spell at inilapat ang kamay sa kanyang harap. Lumiwanag ng husto ang mga letra ng mahika pati narin ang mga mata ng prinsipe. Unti-unting inabsorb ng katawan ni Nena ang spell at ipinikit nya ang kanyang mga mata.

Tumigil na sa pagpigil ng hininga si Nena at hiningal sya ng husto.

Nena (sa isip): Success???

Dahan-dahang iminulat ni Nena ang kanyang mga mata at nagulat sya sa kanyang nakita.

To be continued...

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Nena Ang Spirit Detective 14

Nena Ang Spirit Detective 5