Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2019

Nena Ang Spirit Detective 27

Imahe
Continuation... "Ang Pagmamahal Ng Isang Magulang" By: @pinoycreator Nag-umapaw sa galit ang dambuhalang halimaw ng matamaan ito sa kahinaan nito. Nagpakawala ng hampas gamit ang mga kamay nito kay Rudy na iniwasan ni Rudy ng matagumpay. Nagkandawasak-wasak ang sahig dahil sa mga pinakawalang hampas ng halimaw. Lumakad si Nena papunta sa dalawa habang naka-on ang kanyang Dimensiyon Instincts. Matapos magpakawala ng halimaw ng mga hampas ay lumapit si Rudy sa may dibdib ng kalaban at nagpakawala ng isang malakas na spirit punch! TggggssSshh! Napa-atras ang halimaw. Halimaw: WwwrraaAahh!!! Rudy: Hahaha! Masakit ba? Akala ko ba matibay ka ha? Malapit nang mag-end ang spirit body armor ni Rudy ng biglang nagpakawala ng isang mabigat na hampas ang halimaw gamit ang dalawa sa apat na kamay nito. Di napaghandaan ni Rudy ang pag-atake kaya naman sinalo nya ang mga kamay ng halimaw. Halimaw: WWWwwrrraaaahhh!!! Hindi na-damage si Rudy dahil siya ay protektado pa ng kany...

Nena Ang Spirit Detective 26

Imahe
Continuation... "Ang Bakbakan Sa Narra Street" By: @pinoycreator Isang tawag mula kay Marjorie ang nagpatigil sa pagiyak ni Nena. Phone Call: Nena: (Humikbi at humingang malalim) Hello? Marjorie: Balik kayo dito kailangan ko n backup! Nena: (Pinunasan ang luha gamit ang kamay) Ehhhm. Sige copy. Marjorie: Okay. Binaba agad ni Marjorie ang phone call matapos nyang humingi ng backup kila Nena. Narra Street Scene: BOOOM! Humampas ang kamay ng higanteng kakaibang nilalalang sa lupa at agad iniwasan ni Marjorie ang pagatake ng higanteng halimaw. Dumistansya si Marjorie sa halimaw at nagpakawala ng mga arrow shot gamit ang spirit bow nito na may spirit power sa mga palaso nito. Ang mga palaso ay di bumabaon sa halimaw. Marjorie: Aaah! Kainis naman! Di ko man lang ma-damage tong halimaw na to! KABOOM! Muling humampas ang malakas na pagatake ng halimaw sa lupa! Naiwasan ni Marjorie ang atake pero tinamaan sya ng mga batong tumalsik. Marjorie: Ouch! Agad syan...

Nena Ang Spirit Detective 25

Imahe
Continuation... "Di Maunawaang Damdamin" By: @pinoycreator Rudy: I... Ian??? Di Kilala: Tumpak. Ian: Ruuudy. Ikaw pala yan. Nililibang mo parin ba ang sarili mo sa mga pambatang misyon ng organisasyon? Hindi makapaniwala si Nena sa kanyang nakikita dahil nag-iba ng bahagya ang itsura ni Ian. Di maunawaang damdamin ang naramdaman ni Nena ng makita nya si Ian. Rudy: Saan ka nagpunta at anong nangyari sayo? Antgal ka na naming hinahanap e, wala kaming makitang bakas. Anong ginagawa mo dito at sino ang mga kasama mo? Ian: Hmmm... Sabihin na natin na nahanap ko na yung tunay na kaligayahang hinahanap ko. Kontentong kontento na ko sa kung ano ang meron ako ngayon. Biglang nag-alab sa galit ang pakiramdam ni Nena ng marinig nya ang mga sinabi ni Ian. Nena: Anong ibig mong sabihing nahanap mo na ang kaligayahan mo!!! Ian: Teka.. Sino tong kasama mo? (Inayos ang kanyang salamin sa mata) Ian: Hmmm... Hindi to maari. Nena: Bakit hindi! Alam mo bang matagal na kong n...

Nena Ang Spirit Detective 24

Imahe
Continuation... "Ang Spirit Power Channeling Ni Rudy" By: @pinoycreator Agad na bumaba si Nena sa motorsiklo at tinanggal ang kanyang helmet. Dinobol check nya ang harapan ng truck kung saan nagpunta ang mga nakaengkwentro nila habang si Rudy naman ay chineck ang container ng truck. Wala na ang mga tao. Tumakbo si Nena papunta sa isang tulay sa harapan ng truck. Paglingon nya sa kaliwa ay pinutukan siya ng 9mm handgun mula sa dulo ng kalsada ng ilalim ng tulay. Agad itong napansin ni Nena kaya agad din syang bumalik sa may truck para umiwas. Tumakbo si Nena sa gilid ng pader. Rudy: Akong bahala sa kanila! Sundan mo ko. Nena: Okay. Agad na tumalon si Rudy sa tulay at wala na ang mga armadong kalalakihan. Sumunod si Nena sa kanya. Pagdating sa dulo ng kalsada ay wala na ang mga kalaban. Sinundan nila ang eskinita. Kumanan sila sa dulo ng nilikuan ng mga kalaban. Nakita ni Rudy na pumasok ang nahuling tauhan sa isang pinto. Tumakbo sila patungo doon. Rudy: Dyan ka m...

Nena Ang Spirit Detective 23

Imahe
Continuation... "Engkwentro Sa Distrito Ng Kababalaghan" By: @pinoycreator Briefing Ni Nena at Rudy sa shop ni Tonyo: Rudy: Handa na ang mga kagamitan ko at handa na kong sumabak sa labanan in case na maka-engkwentro natin ang mga gumagawa ng lagusan. Tatlong botelya ng enerhiya na nakapagrerefill ng enerhiya ng katawan, makakatulong sa pag-gamit natin ng ating spiritual powers. Tatlong botelya ng pangunang lunas na makakatulong sa paghilom ng mga damage na maari nating matamo spiritually at physically. Rudy: Isang smoke bomb, na pang-distract sa mga kalaban at dalawang pampasabog na nakapag-dudulot ng matinding spiritual at physical damage. Nasa labas ang aking motorsiklo para sa pag-roroam sa mga distrikto. Dumating si Tonyo dala ang tatlong mainit na tsaa para sa kanila. Tonyo: Heto tikman nyo ang tsaa ng focus. Mas magiging active at focused ang ating utak kapag uminom tayo ng tsaang ito. Nena: Thanks, Ton. Rudy: Hmmm.. Mabango. (Humigop ng konti) at masarap...

Nena Ang Spirit Detective 22

Imahe
Continuation... "Ang Misteryosong Mga Lagusan" By: @pinoycreator Nagsimula na sila Nena sa kanilang misyon na hanapin ang nawawalang spirit detective na si Ian. Pinuntahan nila ang mga lugar na pinupuntahan nila ng dating partner ni Ian na si Rudy. Ganun parin. Wala parin silang makitang bakas at clue kung saan napunta si Ian. Nag-research sila sa opisina ng organisasyon kinabukasan. Rudy: Nakapunta ka na ba dito? Nena: Hindi pa po. Rudy: Dito nakatambak ang mga nareretrieve ng mga spirit detectives na pwedeng makapag-link sa mga kaso. Dito din ako madalas mag-research noon. Tingnan natin ngayon kung may makita tayong clue. Nilibot nila ang mga bagay pero tila parang wala ring bakas na pwedeng mag-link sa kaso. Pumasok ang isang Rank B spirit detective na si Marjorie para mag-search din. Marjorie: Hi. Nena: Hi. Marjorie: Ahhh.. may dineposit kayong item or may hinahanap kayo? Nena: Naghahanap kami ng hints na pwedeng makapagbigay information sa kinaroroonan n...

Nena Ang Spirit Detective 21

Imahe
Continuation... "Ang Rank A Promotion Ni Nena" By: @pinoycreator Kinabukasan matapos ang successful na plano ni Nena ay pumutok ang balita. Mabilis na umepekto ang Judgement Curse Spell ni Nena kay Don De La Cruz. Marami ang nagulat sa mga nangyari. Dahil sa matagumpay nyang misyon ay tumaas na ang ranggo ni Nena bilang isang spirit detective. Si Nena ay isa na ngayong Rank A spirit detective kung saan mas mahirap na ang mga misyon na pwede nyang trabahuhin. Naisyuhan si Nena ng isang eternal bullet bilang isang reward sa pagtungtong nya sa Rank A. Nakolekta rin ni Nena ang kanyang reward na 150,000 pesos sa matagumpay nyang misyon sa abandonadong hotel. Bumili si Nena ng mga bala para sa kanyang spirit gun pati bago at mas matibay na cellphone. Bumalik din sya sa Spirit World Research and Development para malaman ang resulta ng kanilang pag-aaral sa mahiwagang tela. Napag-alaman ng mga researcher na ang tela ay may kakayanang itago ang spirit at energy-based powers n...

Nena Ang Spirit Detective 20

Imahe
Continuation... "BLOODY MARY Judgement Curse" By: @pinoycreator Lumapit si Don De La Cruz kay Nena at sinampal nya ito habang sya ay nakaupo. Nakapikit lang si Nena at hindi umiimik. Hindi nya ininda ang sampal ni Don De La Cruz. Don De La Cruz: Pakelamera kang babae ka! Alam mo bang wala nang nakakaalam ng sikreto ko?! Isa ka nang balakid sakin ngayon at dahil jan, kailangan kitang iligpit. Nena: ... Don De La Cruz: Wag kang mag-alala dahil malinis akong trumabaho. Sisiguraduhin ko na happy ang magiging ending mo dahil napahanga mo parin ako sa talento mo. Nena: No you're not, Mr. George. Don De La Cruz: Ano?! Nena: Walang pera sa mundo ang makapagliligtas sa pasakit at hirap na mararanasan mo dahil sa karumal-dumal na krimeng ginawa mo. Don De La Cruz: Ayaw mo parin talagang tumigil no?! Nena: Wala ka nang magagawa Mr. George kundi tanggapin ang parusang nakapataw sayo. Don De La Cruz: Tsss.. Ahahahaha! Hahahaha! Alam mo ang mabuti pa tigilan na natin t...