Mga Post

Nena ang spirit detective 13

Imahe
Continuation... "Ang Meeting ni Nena sa Rank A - Spirit Detective" By: @pinoycreator Matapos talulin ng ibang anyong Nena ang maligno sa malaking puno, bumaba siya kung saan naroon ang kanyang nasirang electric scooter. Tumigil ang hindi niya makontrol na katawan sa eksaktong lugar kung saan siya nasawi. Biglang nagbago ang paligid, naging makulay at ang mga tunog ng paglalakbay ay kanyang narinig. Lumabas mula sa kanyang noo ang kanyang alagang si Ming. Chineck ni Nena ang kanyang katawan at napansin niya na gumaling na ang mga bali niya at ang mga sugat na idinulot ng paghampas ng malaking bagay sa kanyang electric scooter ay naghilom kaagad. Hinang-hina ang kanyang katawan at nanginginig ng bahagya. Bumalik sa dating kulay ang kanyang buhok at pati na ang anyo ng kanyang katawan. Nena: "... A-anong nangyari sakin?" Si Ming ay naglambing sa kanyang paanan at sabik na sabik na makitang muli na buhay ang kanyang mommy. Nena: "Salamat bebe ko sa pagl...

Nena ang spirit detective 12

Imahe
Continuation... "Ang Halimaw Sa Bundok" By: @pinoycreator Nagpatuloy ang paglalakbay ni Nena patungo sa hindi niya alam na Dimensiyon. At ilang saglit pa ay nagliwanag ang kanyang paningin. Unti-unting nagdilim ang paningin ni Nena at nakita niya ang kalangitan na kagaya ng nakita niya bago siya pumanaw. Si Nena ay bumalik sa Dimensiyon ng mga buhay na tao at bigla siyang napahabol ng kanyang hininga. Ang paningin ni Nena ay biglang naging agresibo. Bumangon bigla ang kanyang katawan pero hindi niya ma-control ang kanyang sarili. Nag-lagutukan ang kanyang mga buto na tila ibinabalik sa tama nitong anyo. Ang kulay ng kanyang buhok ay naging itim at ang mga mata niya ay nagbago na kagaya sa isang pusa. Nagpatuloy ang paglagutok ng kanyang mga buto habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso. Maya-maya ay naging maayos ang kanyang pakiramdam at pati ang tibok ng kanyang puso pero hindi niya ma-kontrol ang kanyang katawan. Tila may ibang nilalang na nag-koko...

Nena Ang Spirit Detective 11

Continuation... "Ang kapangyarihan ng amulet" By: @pinoycreator Nabalot si Nena ng mga itim na tila ahas na walang bibig na nanggaling sa maligno. Nagpumiglas si Nena habang hinihila siyang papalapit ng maligno. Maligno: "Hahahha. Kita mo na? Sinabi ko naman sayo eh wala ka nang magagawa kundi maging parte ng kapangyarihan ko eh. Ilang saglit nalang at mapapasakin na ang espirito mo. Kahit anong gawin mong pagpupumiglas diyan ay wala ring magagawa!" Nena: "Ahhh! Di to pwedeng mangyari sakin. Marami pang nangangailangan ng tulong ko. May naghihintay pa sa akin." Lumaki ang bunganga ng maligno at handa na nitong lamunin ng buo ang espirito ni Nena. Humigpit ang mga nakapalupot kay Nena at hindi na niya magawang magpumiglas. Dahan-dahang hinihila si Nena papalapit. Ngumanga ang maligno at ito ay takam na takam na naglalaway sa espirito ni Nena. Pumalupot narin sa bibig ni Nena ang mga nakapalupot sa katawan niya at siya ay hindi na makapagsalita. ...

Nena Ang Spirit Detective 10

Imahe
Continuation... "Sa mundo ng mga yumao at ang maligno" By: @pinoycreator Lumiwanag ang paningin ni Nena at ang mga tunog ng paglalakbay sa ibang Dimensiyon ay kanyang narinig. Naglakbay ang diwa niya habang ang katawan niya sa Mundo ay pumanaw na. Napunta siya sa outer space at namangha sa kagandahan ng Mundo habang tinitingnan niya ito. Bigla siyang bumulusok pababa ulit sa Mundo, habang siya ay pabagsak ay nagliyab ang kanyang katawan pero hindi niya naramdaman ang init. Bumagsak ang espirito ni Nena sa isang madilim na kagubatan na halos wala siyang makita kundi ang mga mumunting dahon sa kanyang paligid. Nena: "Nasaan na ako? Anong bang nangyari sa akin? Ang natatandaan ko ay maayos naman akong nagmamaneho pero bigla nalang akong tumilapon." Kinapa ni Nena ang kanyang katawan at ang sa palagay niya ay maayos naman ang kalagayan niya. Dahan-dahang naglakad si Nena at umaasa na may makita siyang liwanag. Naalala niya bigla ang kanyang alaga ...

Nena Ang Spirit Detective 9

Continuation... "Ang Hindi Inaasahang Pangyayari" By: @pinoycreator Dumalo si Nena sa invitation ng mag-asawang Bright na dinner kasama ang kanyang alaga na si Ming. Ginamit ni Nena ang bago niyang electric scooter habang tahimik na nakasakay si Ming sa bag ni Nena. Nakarating sila 10 minutes na maaga sa usapan nila. Receptionist: "Goodevening, do you have a reservation?" Nena: "Table for Mr. bright, please." Receptionist: "This way please." Pagdating nila sa table, nandoon na sila Mr. And Mrs. Bright. Pagbati ni Nena ng "Hello!", bigla nalang siyang niyakap ni Mrs. Bright at ito ay napaiyak. Nena: "... Ahhh..." Napatingin si Nena kay Mr. Bright habang akap siya ng kanyang asawa. Si Mr. Bright naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanya. Mrs. Bright: "Thank you Nena. Maraming, maraming salamat." Nena: "Ahhh... Wala po yon madam. It's my job as a spirit detective." Mrs. Bright: ...

Nena ang spirit detective 8

Continuation... Nena ang spirit detective 8 By: @pinoycreator Matapos ang tagumpay na pag-gabay ni Nena sa ligaw na espirito, siya ay nakabalik na sa Dimensiyon ng mundo. Ang itim na pusa ay hinang-hina at walang malay. Nena: "Pasensya ka na at late ako nakapunta para i-rescue ka. Hmm.. iba din talaga ang itsura mo kumpara sa mga normal na pusa e noh? Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Tatawagin kitang Ming." isinama ni Nena si Ming sa kanilang Condo. At siya na ang nag-alaga dito. Kinabukasan ng umaga ay nag-online si Nena sa apps na gamit niya para sa kanyang freelance job. Minark as "completed" niya ang kanyang project para sa mag-asawang Bright. Nag-iwan din siya ng note sa kanila na "Mission accomolished po. Please observe the place for 9 days." Makalipas ang ilang oras. Na-receive na ni Nena ang full payment sa kanya ng mag-asawang Bright sa kanyang mobile wallet. Sa loob ng tatlong araw, inalagaan ni Nena si Ming hanggang sa it...

Nena Ang Spirit Detective 7

Imahe
"Si Nena At Ang Ligaw Na Espirito" By: @pinoycreator Continuation... Successful ang pagtrap ni Nena sa halimaw na pusa. Ito ay nagpupumiglas para makatakas sa spirit trap ni Nena. Nena: "Haaay. Nahuli din kita. Mejo makunat din ang balat mo no? Nakaubos ako ng isang magazine ng spirit ammunition." Halimaw: "Wraaaahhh!" Nena: "Okay lang yan. Relax ka lang kasi at wag ka na magpumiglas. Hmmmm.. Ano kayang magandang pangalan mo? (Comment your suggestions) Saka na kita papangalanan. Maya-maya pa ay kumalma na ang higanteng pusang halimaw. Nena: "Yaaan. See. Di ba mas ok pag kalmado ka lang . Relax ka lang. Di ako kumakain ng pusa. Eto na ang tamang oras para pumasok sa ibang dimensyon at makipagnegosasyon sa sumapi sayo." Pumikit si Nena at nag-concentrate. Nena: "Amulet of Oneness, ibigay mo sakin ang iyong kapangyarihan para makapaunta sa Dimensiyon kung saan naroon ang espiritong sumapi sa pusang ito. Umilaw ...