Mga Post

Nena Ang Spirit Detective 20

Imahe
Continuation... "BLOODY MARY Judgement Curse" By: @pinoycreator Lumapit si Don De La Cruz kay Nena at sinampal nya ito habang sya ay nakaupo. Nakapikit lang si Nena at hindi umiimik. Hindi nya ininda ang sampal ni Don De La Cruz. Don De La Cruz: Pakelamera kang babae ka! Alam mo bang wala nang nakakaalam ng sikreto ko?! Isa ka nang balakid sakin ngayon at dahil jan, kailangan kitang iligpit. Nena: ... Don De La Cruz: Wag kang mag-alala dahil malinis akong trumabaho. Sisiguraduhin ko na happy ang magiging ending mo dahil napahanga mo parin ako sa talento mo. Nena: No you're not, Mr. George. Don De La Cruz: Ano?! Nena: Walang pera sa mundo ang makapagliligtas sa pasakit at hirap na mararanasan mo dahil sa karumal-dumal na krimeng ginawa mo. Don De La Cruz: Ayaw mo parin talagang tumigil no?! Nena: Wala ka nang magagawa Mr. George kundi tanggapin ang parusang nakapataw sayo. Don De La Cruz: Tsss.. Ahahahaha! Hahahaha! Alam mo ang mabuti pa tigilan na natin t...

Nena Ang Spirit Detective 19

Imahe
Continuation... "Ang Negosasyon" By: @pinoycreator Narecover ni Nena ang isang telang itim na mahiwaga ayon sa kanyang paningin. Ang tela ang nagsilbing medium ng black lady. Binigay nya ang mahiwang tela sa spirit world research and development para mapag-aralan at mapakinabangan. Paguwi ni Nena ay inaral niyang mabuti ang mga hakbang na gagawin niya. Nag-background check siya sa kanyang target na si Don George De La Cruz. Confidential ang gagawin niyang hakbang dahil protektado ng kanyang yaman at impluwensiya ang suspect. Kinabukasan ay nagpagawa si Nena sa kanyang kaibigan ng kasulatan na magpapaamin at magpapasuko ng kusa sa suspect sa kanyang ginawang krimen at magdodonate ng mga kayamanan nito sa mga organisasyong tululong sa mga nangangailangan. Habangbuhay na suporta sa naulila ni Mary Anne, at share sa pamilya ng suspect. Napag-alaman ni Nena na isa sa laging pinupuntahan ni Don De La Cruz ay ang kanyang high end underground bar isang beses sa isang linggo. ...

Nena Ang Spirit Detective 18

Imahe
Continuation... "Ang maitim na sikreto" By: @pinoycreator Nagpumiglas ang black lady sa hypnosis spell cast ni Nena. Pilit nitong nilalabanan ang spell pero nagpakawala pa si Nena ng mas maraming energy para mas lumakas ang pinataw nyang spell sa black lady. Ilang saglit pa ay tuluyan nang nakontrol ni Nena ang black lady. Tumingin ang black lady sa mga mata ni Nena at ito ay handa nang sumunod sa command ni Nena. Nena: Anong pangalan mo? Black lady: Mary Anne Angeles po. Nena: Ikwento mo ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon. Black lady: Ok naman po ang buhay ko noon. Simula po nung nagtrabaho ako sa golf course bilang assistant ng mga golfers, nagbago po ang lahat. Black lady: Si Don George De La Cruz po ang naging regular guest ko. Sobrang yaman po niya at sobrang makapangyarihan. Nagmamay-ari po siya ng maraming lupain. Malaki po ang naitulong niya sa akin dahil po malaki po siya magbigay ng pera tuwing inaassist ko siya sa twing nag-gogolf siya. Black l...

Nena Ang Spirit Detective 17

Imahe
Continuation... "Ang Masamang Espirito" By: @pinoycreator Habang padating pa ang dalawang nilalang papalapit kay Nena, nilagay niya muna ang kanyang spirit gun sa magnetic holder nito at inilapat niya ang kanyang mga palad sa mga papalapit na nilalang. Muli siyang gagamit ng cursing spell sa mga ito, naisipan niya na paglabanin ang dalawa para magkaron siya ng oras na mag-reload ng kanyang baril. Mabilis ang dalawa kaya nagmadali din siya na magisip ng command. Nena: BRUHA KA DAW SABI NIYA! Umipekto ang spell at ang dalawa ay naglaban. Muli, may isa pa at huling nilalang na lumabas mula sa bukas na wall sa may second floor. Agad na nireload ni Nena ang kanyang spirit gun at inasinta ng mabuti ang huling papalapit na nilalang. Pinaputukan niya ito at ito ay tinamaan sa katawan. Ito ay gumagalaw pa kaya muli niya itong pinaputukan at ito ay nawasak na. Habang ang dalawang under sa spell niya ay naglalaban, ginamitan niya ito ng kanyang spirit gun at ang mga ito ay n...

Nena Ang Spirit Detective 16

Imahe
Continuation... "Si Nena At Ang Galit Na White Lady" By: @pinoycreator Hindi na sumagot ang white lady sa itaas ng palapag at pumasok nalang ito sa loob ng building. Lumapit si Nena sa may building at inilabas niya ang kanyang spirit gun. Dahan-dahan niyang inakyat ang hagdanan papunta sa entrance ng building. Habang siya ay naglalakad papasok sa entrance ng abandonadong hotel, napansin niya na may mga nagkalat na buhok. Sumandal siya sa kanto ng pader malapit sa entrance ng hotel. Bigla niyang itinutok ang kanyang spirit gun sa entrance ng hotel. Wala doon ang white lady. Pumasok siya sa sirang entrance ng hotel at hinanap niya ang white lady. Nena: Kaya nyang itago ang lokasyon niya.. mukang di ito isang ordinaryong multo. Naglakad si Nena sa kaliwang entrance papunta sa gitnang bahagi ng unang palapag ng hotel. Sa bandang gitna ng lobby, biglang lumitaw ang white lady. White lady: Gusto.. mong.. makipagla.. ro? Nena: Oo. Biglang bumulusok sa direksyon kung n...

Nena Ang Spirit Detective 15

Imahe
Continuation... "Ang Haunted Building Mission" By: @pinoycreator Hawak na ni Nena ang libro at gusto na niya itong basahin. Nena: Yey! Nasakin narin ang libro! Excited na talaga ako. Makapal ang cover ng libro at ibang-iba sa ordinaryong libro. Gaya ng sinabi ni Bill iba ang lengwahe at letra ng libro. Nena: Okay. (Huminga ng malalim) Game. Nagconcentrate si Nena at ipinikit niya ang kanyang mata. Pagdilat niya ay ini-activate na niya ang kanyang Dimensiyon eyes. Nagtaka siya dahil walang nakasulat sa libro. Binaliktad niya sa harap ang libro at nabasa niya "Knowledge Is Power" Nena: Wow! Amazing. Pagbukas niya sa libro ay mas lalo siyang namangha dahil tila buhay ang mga salita at bawat letra ng libro. Isang pala itong guide para i-unlock mo ang mga natatago mong talento. Pumasok sa isip ni Nena ay ang kanyang Dimensiyon shifting abilities. Nalaman ni Nena ang proseso ng spirit fusion at naunawaan niya na rin kung paano ang proseso para mabalanse ni...

Nena Ang Spirit Detective 14

Imahe
Continuation... "Bill, Ang Batang Spirit Detective" By: @pinoycreator Pagkatapos mag-lunch nila Nena at Bill sinimulan na nilang pag-usapan ang mga katanungan ni Nena. Bill: "Busog! Ansarap talagang kumain dito sa Kainan Sa Hardin." Nena: "Oo nga eh. Masasarap talaga mga pagkain dito." Bill: "Ano na nga po pala itatanong nyo?" Nena: "Hmmm. Ganito kasi yun. Habang off-mission ako, naaksidente ako. Tapos pakiramdam ko nagblack-out talaga ako. Pakiramdam ko namatay ako e. Muntikan nang i-consume ng maligno at espirito ko, buti nalang sinagip ako ng alaga kong si Ming sa ibang Dimensiyon. Nena: "Pagbalik ko sa ating Dimensiyon, hindi ko makontrol ang sarili ko. Parang may nag-control sakin. Nagkaron din ako ng kakaibang abilities para talunin yung maligno sa ating Dimensiyon. Tapos.. ayun nakabalik na ko sa sarili kong katawan." Bill: "Abilities yun ng alaga mong si Ming. At sa tingin ko po, spirit fusion ang nangyari...