Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2020

Nena Ang Spirit Detective 34

Imahe
" BLOOD COMPACT POSSESSION SPELL " PUMUNTA SILA YASMIN AT JULIANA SA TAGPUAN NILA NG KAIBIGAN Gamit ang sasakyan ng kanyang ina, pinuntahan nila ang tagpuan ng kaibigan. Nang sila ay makarating sa tagpuan, nilabas ni Juliana ang isang cellphone sa loob ng drawer sa front seat. Binuksan ito at inopen ang email app. Juliana: Try mo i-log in yung email ng Kisha. Yasmin: Okay. Nag-login si Yasmin at naopen nya ito. Inabot nya ang cellphone sa ina at inopen ang find my device. Juliana: Last seen sya sa may kanto ng street na ito. Yasmin: Tara? Juliana: Okay. Nang sila ay makarating sa kanto wala silang mahanap na clue. Juliana: Magaling ang mga kumidnap sa kanya. Dito nila in-off yung phone ni Kisha habang nasa sasakyan. Yasmin: Balik tayo sa may bench baka may mahanap tayong clue. Juliana: Okay. Bumalik sila sa may bench. Gamit ang flash lights naghanap sila ng clue. Wala silang nahanap. Medyo malamok sa lugar at nakagat si Yasmin. Pinatay nya ito gamit ang palad. N...

Nena Ang Spirit Detective 33

Imahe
 " TAGPUAN " EKSENA SA MAY PARK SA TABI NG ISANG PAARALAN Uwian na nila Kisha. Si Yasmin ay nagaabang sa isang bench na dinadaanan ng mga estudyante kung saan sila madalas magkita ng kanyang best friend na si Kisha. Siya ay nakasuot ng itim na cap at kakaiba sa mga kadalasan nyang sinusuot. Maraming estudyante ang dumadaan sa harap ng kinauupuan ni Yasmin habang sya ay nakikinig ng paborito nyang mga kanta gamit ang isang sporty wireless headset. Ilang saglit lang ay lumabas sa gate ng paaralan si Kisha kasama ang iba nyang classmate. Napatingin si Kisha kay Yasmin pero hindi nito nakilala ang dalagita. Nang sila Kisha ay medyo nakalayo na, sinundan sila ni Yasmin. Sa kanto ng isang kalsada, naghiwalay na ng landas sila Kisha at ang kasamang classmate. Huminto si Yasmin at inantay niya kung saan tutungo ang kaibigan. Lumiko si Kisha patungo sa subdivision kung saan ito nakatira. Nakasunod lang si Yasmin sa di kalayuang distansya. Nang wala na masyadong tao, agad na tumak...

Nena Ang Spirit Detective 32

Imahe
"ANG SIKRETO NI YASMIN" EKSENA SA LOOB NG SASAKYAN NG NILALANG: Yasmin: Ma.. Mama? Ngumiti lang ang nilalang. Agad naman itong niyakap ng dalagita. Humagulgol ng iyak si Yasmin at hinayaan lang ito ng kanyang ina na si Juliana. Hinimas himas ng ina ang likod ng anak. Juliana: Tahan na.. Tahan na. Tuloy tuloy parin sa pagiyak ang dalagita. Matapos mailabas lahat ng sama ng loob sa kanyang pagiyak, si Yasmin ay tumahan na. Yasmin: Mama.. Patay na ba ako? Juliana: (napangiti) Ano bang sinasabi mo? Syempre naman buhay ka nak. Napangiti at niyakap ng mahigpit ang kanyang mama. Nangamba si Yasmin dahil ang alam nya ay patay na ang mama nya. Pero mas nananaig ang ligayang dulot nang makasama nya ang ina. Kaya naman ayaw na nyang humiwalay dito at baka mawala itong bigla sa kanyang tabi. Tumingin ang dalagita sa kanyang ina. Yasmin: Wag mo na kong iiwan ha ma? Juliana: Oo naman anak. Wag kang magalala dahil simula ngayon hinding hindi na kita iiwan. Yasmin: Talaga? Baka na...

Nena Ang Spirit Detective 31

Imahe
"ANG KWENTO NI YASMIN" EKSENA SA ISANG SAFE HOUSE SA TAGONG LUGAR NG SYUDAD: Pumasok sa kanyang kwarto si Yasmin at inilagay ang kanyang backpack sa lamesa. Nahiga ang dalagita sa kanyang kama at nagmuni-muni. Biglang sumagi sa isip nya ang ala-ala ng kanyang nakaraan. Naalala nya ang pagmamaltrato sa kanya ng kanyang step mom na si Tina tuwing umuuwi sya sa dating condo nila. Nakaraan ni Yasmin: Dahan dahang binuksan ni Yasmin ang pinto ng kanilang condo. Sumilip sa loob at kapansin pansin agad ang gulo ng unit. Paglakad nya sa may sala, nandun ang kanyang step mom. Napatingin ito sa kanya. Tina: San ka nanaman galing bata ka?! Anong oras na oh! Yasmin: ahh.. Kila Kisha po may ginawa lang po akong project. Tina: Project, project.. Tigilan mo nga ako at wag mo kong pinagloloko ha! Baka nakipagkita ka nanaman sa manliligaw mo! Tina: Tingnan mo nga yung bahay ang gulo gulo! Yasmin: Project naman po talaga ginawa ko eh! Nagpantig ang tenga ni Tina sa pagsagot ni Yasmin. Lumapit ...

Ang Kwento Ni Nena Ang Spirit Detective

Imahe
Sa kagustuhang mahanap ang nawawalang kasintahan, tinahak ni Nena ang mundo ng mga spirit detectives, na syang tumutulong sa pagbalanse ng katarungan at katahimikan ng mga espirito ng mga namatay at ng mga nabubuhay. Basahin sa umpisa.

Nena Ang Spirit Detective 30

Imahe
 "Ang Mahiwagang Dilaw Na Envelope" Huminto ang truck ng Spirit Detective Organisation sa kalsada kung saan naroon sila Nena. SDO truck driver: Dito ba? SDO service staff: Dito naka-pin point yung location e. Bumaba ang service staff na katabi ng driver at nagmatyag sa paligid. Pagtingin nito sa may bandang ibaba ay nakita nya sila Nena. SDO service staff: Hah? Tulog sila? Tumingin ang staff sa kasama nyang driver. SDO service staff: Check ko lang noy. SDO truck driver: Sige. Bumaba ang service staff sa kung saan naroon sila Nena. Pagbaba nya ay tiningnan nya isa isa ang mga tulog na spirit detectives. Service staff: Hah⁉️ Anyare sa kanila? 🤔 Bumwelo ang staff na parang sisigawan ang tatlo. Service staff: Ehem! SDO Service! Walang nangyari. Service staff: SDO Service! Gumalaw lang ng bahagya ang tatlo. Nilapit ng service staff ang mukha nya kay Rudy. Service staff: Sir. Sir, SDO service po. Nakapikit pa si Rudy habang nagsalita. Rudy: Ah, oo may multo nga... At nakatulog sya...

Nena Ang Spirit Detective 29

Imahe
"Ang Nilalang Sa Likod Ng Dambuhalang Halimaw" Clara: Nena kailangan ko nang bumalik sa headquarters at may tatapusin pa kong mga reports. Nena: Okay, Cap. Tumingin si Capt. Clara kay Marjorie. Clara: Dear baka gusto mo na sumabay sakin pabalik sa office? Marjorie: Aahh.. Sasamahan ko nalang po sila ate Nena dito. Thank you nalang po cap. Clara: Oh sige. Mag-ingat kayo ha. Tawagan nyo ko kagad kung magkaproblema. Nena, Marjorie, Rudy: Ok Cap! Pumasok na si Capt. Clara sa sasakyan nito at umalis na pabalik sa headquarters. Nena: Ang yabang naman nung kapitan Arvin na yun! Akala mo kung sino! Hmmm! (Sinipa ang bato sa sahig) Rudy: Arvin... Naalala ko ang kasong hinawakan nya at di din natin sya masisisi. Eh, ganyan siguro talaga kapag in-love ka. Umirap si Nena. Marjorie: Pero di na nya kailangan pagtangkaang atakihin tayo no? What the!? Pano nalang kung di dumating si Cap Clara. Edi deds na tayo? 😤 Marjorie: (Salita sa isip) Gwapo pa naman nya. Ay... May gf na pal...