Mga Post

Nena Ang Spirit Detective 10

Imahe
Continuation... "Sa mundo ng mga yumao at ang maligno" By: @pinoycreator Lumiwanag ang paningin ni Nena at ang mga tunog ng paglalakbay sa ibang Dimensiyon ay kanyang narinig. Naglakbay ang diwa niya habang ang katawan niya sa Mundo ay pumanaw na. Napunta siya sa outer space at namangha sa kagandahan ng Mundo habang tinitingnan niya ito. Bigla siyang bumulusok pababa ulit sa Mundo, habang siya ay pabagsak ay nagliyab ang kanyang katawan pero hindi niya naramdaman ang init. Bumagsak ang espirito ni Nena sa isang madilim na kagubatan na halos wala siyang makita kundi ang mga mumunting dahon sa kanyang paligid. Nena: "Nasaan na ako? Anong bang nangyari sa akin? Ang natatandaan ko ay maayos naman akong nagmamaneho pero bigla nalang akong tumilapon." Kinapa ni Nena ang kanyang katawan at ang sa palagay niya ay maayos naman ang kalagayan niya. Dahan-dahang naglakad si Nena at umaasa na may makita siyang liwanag. Naalala niya bigla ang kanyang alaga ...

Nena Ang Spirit Detective 9

Continuation... "Ang Hindi Inaasahang Pangyayari" By: @pinoycreator Dumalo si Nena sa invitation ng mag-asawang Bright na dinner kasama ang kanyang alaga na si Ming. Ginamit ni Nena ang bago niyang electric scooter habang tahimik na nakasakay si Ming sa bag ni Nena. Nakarating sila 10 minutes na maaga sa usapan nila. Receptionist: "Goodevening, do you have a reservation?" Nena: "Table for Mr. bright, please." Receptionist: "This way please." Pagdating nila sa table, nandoon na sila Mr. And Mrs. Bright. Pagbati ni Nena ng "Hello!", bigla nalang siyang niyakap ni Mrs. Bright at ito ay napaiyak. Nena: "... Ahhh..." Napatingin si Nena kay Mr. Bright habang akap siya ng kanyang asawa. Si Mr. Bright naman ay nakangiti lang na nakatingin sa kanya. Mrs. Bright: "Thank you Nena. Maraming, maraming salamat." Nena: "Ahhh... Wala po yon madam. It's my job as a spirit detective." Mrs. Bright: ...

Nena ang spirit detective 8

Continuation... Nena ang spirit detective 8 By: @pinoycreator Matapos ang tagumpay na pag-gabay ni Nena sa ligaw na espirito, siya ay nakabalik na sa Dimensiyon ng mundo. Ang itim na pusa ay hinang-hina at walang malay. Nena: "Pasensya ka na at late ako nakapunta para i-rescue ka. Hmm.. iba din talaga ang itsura mo kumpara sa mga normal na pusa e noh? Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo. Tatawagin kitang Ming." isinama ni Nena si Ming sa kanilang Condo. At siya na ang nag-alaga dito. Kinabukasan ng umaga ay nag-online si Nena sa apps na gamit niya para sa kanyang freelance job. Minark as "completed" niya ang kanyang project para sa mag-asawang Bright. Nag-iwan din siya ng note sa kanila na "Mission accomolished po. Please observe the place for 9 days." Makalipas ang ilang oras. Na-receive na ni Nena ang full payment sa kanya ng mag-asawang Bright sa kanyang mobile wallet. Sa loob ng tatlong araw, inalagaan ni Nena si Ming hanggang sa it...

Nena Ang Spirit Detective 7

Imahe
"Si Nena At Ang Ligaw Na Espirito" By: @pinoycreator Continuation... Successful ang pagtrap ni Nena sa halimaw na pusa. Ito ay nagpupumiglas para makatakas sa spirit trap ni Nena. Nena: "Haaay. Nahuli din kita. Mejo makunat din ang balat mo no? Nakaubos ako ng isang magazine ng spirit ammunition." Halimaw: "Wraaaahhh!" Nena: "Okay lang yan. Relax ka lang kasi at wag ka na magpumiglas. Hmmmm.. Ano kayang magandang pangalan mo? (Comment your suggestions) Saka na kita papangalanan. Maya-maya pa ay kumalma na ang higanteng pusang halimaw. Nena: "Yaaan. See. Di ba mas ok pag kalmado ka lang . Relax ka lang. Di ako kumakain ng pusa. Eto na ang tamang oras para pumasok sa ibang dimensyon at makipagnegosasyon sa sumapi sayo." Pumikit si Nena at nag-concentrate. Nena: "Amulet of Oneness, ibigay mo sakin ang iyong kapangyarihan para makapaunta sa Dimensiyon kung saan naroon ang espiritong sumapi sa pusang ito. Umilaw ...

Nena Ang Spirit Detective 6

Imahe
"Ang pagsapi ng ligaw na kaluluwa." Continuation... Read previous By: @pinoycreator Unti-unting dinilat ni Nena ang kanyang mga mata. Lumawanag ng kaunti ang paligid. Naglakad siya ng dahan-dahan at maingat papunta sa bandang gitna ng bahay. Napansin niya na may kumikislap na tila mga mata sa di kalayuan sa may bandang gitna ng bahay. Siya ay lumakad pa ng kaunti at huminto. Napansin niya na may pusang itim na nakatayo sa bandang gitna. Nang pinagmasdan niyang mabuti napansin niya na kakaiba ang itsura ng pusa at ito ay gumawa ng tunog ng galit na pusa. Nena: "Okay lang yan, miyawi. Di naman ako nananakit. Ikaw ba ang may kagagawan ng mga ito?" Tumahimik ang pusa at tumalikod sa kanya. Ilang saglit pa ay naglakad patago sa isang malaking pader. Nena: "Di ako nagkakamali. Sa pusa nanggagaling ang mabigat na pakiramdam ko. Pwedeng sa kanya sumapi ang di matahimik na espirito." Nena: "Wwssss... Ming ming ming... Halika dito may dala akon...

Nena Ang Spirit Detective 5

Imahe
"Ang Pagpasok Ni Nena Sa Haunted House" Continuation... Read previous By: @pinoycreator Nagpahinga na si Nena pagkatapos niyang mag-gym. Nagresearch siya sa social media kung may makikita siyang mga information tungkol sa kinatatakutang "haunted house". Napag-alaman niya na ang pinakaunang nanirahan dito ay isang di gaanong katandaang lalaki. Matapos niyang magresearch ay napahinga siya ng malalim. Tumingin siya sa salamin at doon ay naaninag niya ang larawan niya na tila may kasama. Nakatulog na si Nena. Ilang saglit pa, siya ay nanaginip na may hinahabol siya na isang anino. Mabilis ang anino at patuloy niya itong hinahabol hanggang sa ito ay maglaho. Nalungkot siya sa kanyang panaginip ngunit sabi niya sa sarili na, "ok lang yan". Pagsapit ng dilim, tumunog na ang kanyang mobile phone. Excited siyang bumangon at ng tiningnan niya ang kanyang cellphone ay mayroon siyang notification sa mobile wallet niya. Ang mag-asawang Bright ay nag-down pa...

Nena Ang Spirit Detective 4

Imahe
Continuation... Read previous Nagsimula nang mag-exercise si Nena matapos niyang mag warm up at mag-stretching. Ginamit niya ang treadmill sa may bandang sulok. Maya-maya pa ay dumating na din si Tonyo. Lumapit siya sa may tabi ni Nena habang ito ay nag-eexercise. Balak niya sanang kausapin pero nakita niya na parang ayaw man lang nitong lumingon kahit na nasa bandang likuran na siya nito. Nagtreadmill narin si Tonyo sa tabi ni Nena. Habang nagte-treadmill ang dalawa, huminga ng malalim si Tonyo at sinubukang kausapin si Nena. Tonyo: "Hhhhmmm. Ehem.. Ah... Nena. Matagal ka ng nagwo-work out dito?" Napatingin lang si Nena sa kanya. Di niya ito pinansin at nagtuloy lang sa kanyang pageehersisyo. Tonyo: "Talaga nga naman oh. Di talaga makausap, napakasuplada. Haaay, makapag-exercise na nga lang." Nagpatuloy ang pagte-treadmill ng dalawa. Makalipas ang ilang minuto. Tumingin uli si Tonyo kay Nena. Si Nena naman ay tuloy-tuloy lang ang pagte-tre...