Mga Post

Nena Ang Spirit Detective 45

Imahe
"Ang Engkanto Ng Mga Baging" Nakatingin sa kanyang harapan ang alaga at lumikha ito ng isang protective barrier. Unti-unting lumaki ang barrier at napalibutan silang dalawa. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Nena. Napatayo si Nena at pinagmasdan ang barrier. Nena: Huh? Ano to? Ming? Ming: Meow... Nena: Salamat. Medyo guminhawa na ang pakiramdam ko. Ming: ... Nena: Pwede mo na tanggalin ang barrier. Kailangan ko nang magpalit ng damit at inaantay na tayo ng mahal na prinsipe. Ming: ... Nena: Ming! Tanggalin mo na ang barrier. Ming: ... Nena: Ming! Ano ba! Tanggalin mo na ang barrier. Biglang umatake si Ming gamit ang ulo sa tiyan ni Nena at biglang nasuka ang dalaga. Nagulat si Nena sa kanyang nakita. Nena: Pweeehhh... Yuck ano to? Ming: Meow! Nena: Puro bulate at uod, Ullkk... Nandiri si Nena sa kanyang nakita kaya mas lalo syang nasuka. Nena: Uulllkkk... Sinasabi ko na eh! Too good to be true! Too good to be true, Nena. Antanga-tanga mo! Ullkkk... Kumato...

Nena Ang Spirit Detective 44

Imahe
"Love At First Sight" Sa isang madilim na kakahuyan, ibinaba si Nena ng mga buhay na baging at dali-daling naglaho ang mga ito. Nena: Huh? Nasan na ko? Naglakad dahan-dahan si Nena pinapakiramdaman ang mga bagay sa kanyang paligid. Bigla nalang syang may naamoy na pamilyar na pabango. Nena: Huh? Teka kilala ko yung pabango na yun ah. Yun ang... Paboritong pabango ni Ian. Bigla nalang nag-liwanag ang mga ilaw sa poste. Napansin ni Nena na unti-unting naglalaho ang halimuyak ng pabango kaya naman tumakbo ito para habulin ang pinanggagalingan ng amoy. May napansin sya na isang pulang liwanag at dali-dali syang tumakbo patungo dun. Pagdating nya ay nagulat sya sa kanyang nakita. Isang dambuhalang nilalang na may katawan ng liyon at ulo ng nakakatakot na maskara na may nanlilisik na pulang mata. Tumingin kay Nena ang nilalang at gigil na gigil ang boses nito na tila gustong lamunin ng buo ang dalaga. Nena: Hops! Wag kang lalapit.. Binunot ni Nena ang kanyang spirit gun at...

Shocking Sketch of Your Soulmate

Imahe
 Hey friend! Many are shocked with their soulmate sketch. Want to have yours? Request for sketch .

Nena Ang Spirit Detective 43

Imahe
"Ang Reyna Ng Mga Maligno" Clara: Hindeeeeehhh!!! Babae (sa isip): Hmmm.. mukang nandito na ang mga spirit detectives. Agad tumakbo si Clara nang makita nya sa damuhan ang partner na si kapitan Arvin. Clara: Bhe! Laban! Wag kang susuko. Nakatirik ang mata ni Arvin at nakatingin lang kay Clara. Pilit man nitong magsalita pero di na nya magawa. Babae: Kung ako sayo ay tapusin mo nalang ang kanyang buhay. Ang kamandag ay tatagal pa ng mga ilang oras. Ilang oras pa syang magdudusa. Biglang nawala si Clara sa paningin ng babae at agad na tumama ang suntok ng kapitan sa mukha ng babae at tumilapon ito. Babae (sa isip): Ang bilis! Pweh! Hah? San na sya? Agad na lumitaw si Clara sa likod ng babae at sinakal ito gamit ang braso. Nagpumiglas ang babae at nagawa nitong makatakas sa pagsakal ni Clara sa kanya. Tumakbo ang babae palayo kay Clara at agad na gumamit ng enerhiya para sa speed up spell. Natapatan ng babae ang bilis ni Clara. Hinabol sya ni Clara at inatake. Iniwasa...

Nena Ang Spirit Detective 42

Imahe
"Ang Kapre Ng Kalikasan" Yasmin (sa isip): Ahhh! Bitawan mo ko! Clara (sa isip): Sinapian ang isang to ng isang mataas na uri ng maligno. Pero di to basta-basta sinapian lang. Ginamitan ng rare type magic spell to kaya nagawa ng maligno i-manipulate ang buong pagkatao ng biktima. Clara (sa isip): Kaya naman, dapat ko tong gamitan ng divine exorcism fluid. Kinuha ni Clara ang fluid sa belt pocket nya. Ibinuhos kay Yasmin at nangisay ito at tumirik ang mata. Lumabas ang maligno sa katawan ng dalagita at mabilis na tumakbo palayo. Nawalan ng malay si Yasmin. Chineck ni Clara ang pulso at paghinga ng dalagita. Ito ay buhay pa. Clara: Sinasabi ko na! Pati mga inosenteng kabataan ginagamit ng mga target. Di to katanggap-tanggap. Babalikan kita Hija. Inihiga ni Clara ang walang malay na si Yasmin sa may damuhan at sinundan ang tumakas na maligno. Dahil sa active speed up spell ni Clara agad nyang nahabol ang maligno at sinakal ito. Maligno: Wrrriiiiiiihhhhh!!!! Nagpumiglas ...

Nena Ang Spirit Detective 41

Imahe
"Ang Kinatatakutan Ni Clara" Clara (sa isip): Ambilis nya! Di bale malapit nang matapos ang cool down ng speed up spell ko. Mahahabol din kita. Yasmin (sa isip): Mukang maganda ang depensa nya?! Di sya tinablan ng Needle Possesion Skill ko. Asar! Ano kayang magandang pang atake sa kanya? Yasmin (sa isip): Ah! Alam ko na. Kung mataas ang immunity nya sa magic spells, malamang mahina ang depensa nya sa physical damage. Papalit ako ng needle. Nagpalit si Yasmin ng needle na may natural weaken recipe na walang magic spell. Tumigil sya saglit at naglapag ng isang botelyang may fear recipe smoke. Sinuot nya ang kanyang mask at binuksan ang botelya. Nagtago sya sa puno at inabangang dumaan si Clara. Lumabas ang usok mula sa botelya habang nagaabang si Yasmin sa di kalayuan. Maya-maya ay dumating si Clara. Clara: Hah? Isa nanamang usok? Nagbago ang paningin ni Clara ng makalanghap ng usok. Ang paligid ay tila naging nakakatakot at ang mga tunog na kanyang naririnig ay parang b...

Nena Ang Spirit Detective 40

Imahe
Ang Engkwentro Sa Gubat Nena (sa isip): Binabalot ako ng kaba! Kahit pilitin kong maging matapang, natatakot parin ako sa mga pwedeng mangyari. Nena (sa isip): Lalong lalo na kay Ian, JuskuLord, sana walang mangyaring masama sa kanya at sana naman bumalik na sya sa dati. Nena (sa isip): Ibang-iba talaga ang mga kinilos nya nung nakita ko sya, parang may kumokontrol sa kanya. Clara: Nena... Nena: Ah... okay cap! Nena (sa isip): Dimensiyon Instincts! Nena (sa isip): Bahala na basta gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa lahat. Sana lang... Wag kang lumaban samin, babe! Kasi baka di ko kayanin makita kang sinasaktan ng kahit sino. Naunang naglakad si Nena at kasunod si Marjorie sa gubat para i-check ang paligid sa mga traps. Nakaramdam si Nena ng isang kakaibang enerhiya na ngayon lang nya naramdaman. Tumigil sya sa paglalakad at sumenyas ng hinto. Lahat: .... Hinanap ni Nena ang pinanggagalingan ng enerhiya na palakas ng palakas. Unti-unting bumalot ang makapal na hamog. Nena...