Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2020

Nena Ang Spirit Detective 42

Imahe
"Ang Kapre Ng Kalikasan" Yasmin (sa isip): Ahhh! Bitawan mo ko! Clara (sa isip): Sinapian ang isang to ng isang mataas na uri ng maligno. Pero di to basta-basta sinapian lang. Ginamitan ng rare type magic spell to kaya nagawa ng maligno i-manipulate ang buong pagkatao ng biktima. Clara (sa isip): Kaya naman, dapat ko tong gamitan ng divine exorcism fluid. Kinuha ni Clara ang fluid sa belt pocket nya. Ibinuhos kay Yasmin at nangisay ito at tumirik ang mata. Lumabas ang maligno sa katawan ng dalagita at mabilis na tumakbo palayo. Nawalan ng malay si Yasmin. Chineck ni Clara ang pulso at paghinga ng dalagita. Ito ay buhay pa. Clara: Sinasabi ko na! Pati mga inosenteng kabataan ginagamit ng mga target. Di to katanggap-tanggap. Babalikan kita Hija. Inihiga ni Clara ang walang malay na si Yasmin sa may damuhan at sinundan ang tumakas na maligno. Dahil sa active speed up spell ni Clara agad nyang nahabol ang maligno at sinakal ito. Maligno: Wrrriiiiiiihhhhh!!!! Nagpumiglas ...

Nena Ang Spirit Detective 41

Imahe
"Ang Kinatatakutan Ni Clara" Clara (sa isip): Ambilis nya! Di bale malapit nang matapos ang cool down ng speed up spell ko. Mahahabol din kita. Yasmin (sa isip): Mukang maganda ang depensa nya?! Di sya tinablan ng Needle Possesion Skill ko. Asar! Ano kayang magandang pang atake sa kanya? Yasmin (sa isip): Ah! Alam ko na. Kung mataas ang immunity nya sa magic spells, malamang mahina ang depensa nya sa physical damage. Papalit ako ng needle. Nagpalit si Yasmin ng needle na may natural weaken recipe na walang magic spell. Tumigil sya saglit at naglapag ng isang botelyang may fear recipe smoke. Sinuot nya ang kanyang mask at binuksan ang botelya. Nagtago sya sa puno at inabangang dumaan si Clara. Lumabas ang usok mula sa botelya habang nagaabang si Yasmin sa di kalayuan. Maya-maya ay dumating si Clara. Clara: Hah? Isa nanamang usok? Nagbago ang paningin ni Clara ng makalanghap ng usok. Ang paligid ay tila naging nakakatakot at ang mga tunog na kanyang naririnig ay parang b...

Nena Ang Spirit Detective 40

Imahe
Ang Engkwentro Sa Gubat Nena (sa isip): Binabalot ako ng kaba! Kahit pilitin kong maging matapang, natatakot parin ako sa mga pwedeng mangyari. Nena (sa isip): Lalong lalo na kay Ian, JuskuLord, sana walang mangyaring masama sa kanya at sana naman bumalik na sya sa dati. Nena (sa isip): Ibang-iba talaga ang mga kinilos nya nung nakita ko sya, parang may kumokontrol sa kanya. Clara: Nena... Nena: Ah... okay cap! Nena (sa isip): Dimensiyon Instincts! Nena (sa isip): Bahala na basta gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa lahat. Sana lang... Wag kang lumaban samin, babe! Kasi baka di ko kayanin makita kang sinasaktan ng kahit sino. Naunang naglakad si Nena at kasunod si Marjorie sa gubat para i-check ang paligid sa mga traps. Nakaramdam si Nena ng isang kakaibang enerhiya na ngayon lang nya naramdaman. Tumigil sya sa paglalakad at sumenyas ng hinto. Lahat: .... Hinanap ni Nena ang pinanggagalingan ng enerhiya na palakas ng palakas. Unti-unting bumalot ang makapal na hamog. Nena...

Nena Ang Spirit Detective 39

Imahe
 "Field Strategy Plan" Alice: Sana talaga gumana. Pinindot ang alt+tab. Alice: Okay. Adjust natin according sa size ng elements. Live DNA match. Okay. Start searching. Tumunog ang messenger tone sa laptop. Alt+tab. Alice: Hmmm.. Clients. Wait lang kayo. Alt+tab. Alice: Searching... Sana magwork please, please, please. Alice: Guys antayin lang natin ang result. Clara: .... Tonyo: Okay yang app mo te ah. Pwede makahingi ng copy? Alice: Oo nga pala guys, pwede ko kayo bigyan ng copy ng app. Pero yung tester under observation ko pa to. Basic stones with magic lang naman ang pyesa nyan. Well, magic para i-align sa tamang frequencies ang mga stone. 3 MATCHES FOUND! Lahat: Uy! Alice: Print screen. YES! Paste, save. Alice: Okay may copy na tayo ng location nila. Expected ko rin na mawawala kagad ang match dahil microscopic ang subject. Open na natin. Lahat: Hah?! Clara: Sa dulo ng Birangan. Rudy: Pamilyar ako sa lugar. Gubat pa yan sa pagkakaalam ko. Marjorie: Finally! Arvin: Okay ni...

Nena Ang Spirit Detective 38

Imahe
"Ang Pinaghalong Itim At Lila Na Enerhiya" Nang makaalis ang puting van na kumuha kay president Belmonte, agad na tumakbo si captain Arvin sa kanyang motorsiklo, sinuot ang helmet at kumaripas ng pagpapatakbo. Nang makalabas ng gate, nakita nyang nakalayo na ng husto ang sasakyan. Arvin: (sa isip) Nakupo nakalayu na ang mga hayop! Arvin: (sa isip) Kailangan kong umisip ng short cut. Pinatakbo ang motor. Arvin: (sa isip) Tama! Aabutan ko sila pag dumaan ako sa may Kalayaan. Medyo maraming tao sa kalsada. Arvin: (sa isip) Punyemas! Tabe! Kailangan kong mauna sa Floodway! Arvin: (sa isip) Kunin ko plate number, kailangan ko ng gps locator. Patay, wala akong gps locator dito. Espada lang dala ko at cellphone. Nang makaabot sa Kalayaan, wala na masyadong tao. Hinarurot na nya ang kanyang motor. Vvvvrrrroooooooommmm!!! Arvin: (sa isip) Talasan mo mata mo brad! Baka makabangga ka pa. Pano ba to?! Atakihin ko kaya? Delikado baka tamaan ko si Mr. President. Sana dala nya ce...

Nena Ang Spirit Detective 37

Imahe
  "ANG MAPAGPANGGAP NA EMPLEYADO" Kinabukasan matapos ang pagkikita ng mga spirit detectives at ng manggagamot na si Alice sa shop ni Tonyo, pinapasok kaagad ang bagong I.T. ng organisasyon na si Richard. Maagang pumasok si Richard para magpakitang gilas sa mga bagong katrabaho. In-introduce sya ni Mr. Guanzon sa building at ipinakilala sa mga empleyado. Habang sila ay magsisimula na, may nangyaring di inaasahan. Mr. Guanzon: Disconnected sa server? Pano nangyari yun? Pre pakicheck naman sa server room. Pasama ka nalang kay chief. Richard: Sige. Sinamahan si Richard ng isang guard on duty para i-check ang connections sa server room. Pumwesto sya sa blind spot ng CCTV camera sinundan sya ng gwardya. Guard: Anong problema sir? Matatagalan ba ng repair yan? Richard: Hmmm.. Saglit lang to. Maayos naman wiring system. Wala namang problema. Naglabas si Richard ng isang pen. Pinindot nya ang button nito. Guard: Para san yan sir? Richard: Ah eto ba? Guard: ... (Tumango) ...

"Pangako" Nena Ang Spirit Detective

Imahe
"Matagal tagal narin akong naghintay" "Minsan gusto ko nang sumuko" "Minsan nawawalan na ko ng pagasa" "Pero pag naaalala ko ang sinumpaan natin sa isa't isa" "Bumabalik ang aking sigla..." "Na hanapin ka!" ~Nena Basahin simula sa umpisa ang kwento ni Nena ang Spirit Detective.

Nena Ang Spirit Detective 36

Imahe
  "ANG EKSPERTO SA BLACK MAGIC HEALING" Makalipas ang dalawang araw, bigo parin ang baguhang I.T. ng Spirit Detective Organisation na si Mr. Guanzon na irepair ang system. Tigil sa operasyon ang organisasyon kaya't nagpatawag ng meeting ang president ng kompanya na si Mr. Belmonte para sa bagong system na pinaplano nito. EKSENA SA MEETING: President: Kailangan na natin ng bagong system kung hindi na kayang irepair ang luma. Dalawang araw na tayong tigil operasyon at marami naring mga complains ang dumadating. Mr. Guanzon: Yes Mr. President agree po ako sa disisyon nyo. Di na po talaga kayang irepair dahil napakakomplikado ng pagkakagawa ng lumang system na galing kay Doc Karl. Sorry, doc (napatingin sa taas) Mr. Belmonte: Okay. Ano bang mga kakailanganin mo sa bagong system? Mr. Guanzon: Kailangan ko ng magaling na programmer, yung may magandang background. Tumingin ang presidente sa Human Resource Manager ng organisasyon na si Ms. Aliyah Ramirez. Mr. Belmonte: Ms...

Nena Ang Spirit Detective 35

Imahe
  "MASAMANG PANAGINIP" EKSENA SA KWARTO NI NENA SA KASALUKUYANG ORAS: Nang makauwi si Nena ay nakatulog agad ito. Di na nya nakuha ang alagang si Ming sa pet sitter. Nang sya ay makatulog, sya ay nanaginip. Sa panaginip ni Nena: Pauwi ang dalaga galing sa headquarters. Napansin nya ang kagandahan ng liwanag ng buwan. Ilang saglit lang ay biglang nagdilim ang paligid. Nakarinig sya ng mga yabag ng kabayo. Nena: Tikbalang? Hmm.. Anong ginagawa mo dito sa syudad? Maya maya ay biglang lumakas ang mga yabag at biglang lumindol ng malakas. Nena: Ano to! Umalingawngaw ang malakas na tawa ng isang halimaw. Pagkalingon ni Nena sa headquarters ay bigla itong gumuho at lumabas ang higanteng tikbalang. " HAHAHAHAHA!!!!" Agad na hinugot ni Nena ang kanyang spirit gun at itinutok sa higanteng tikbalang. Nena: Ah! Anong kailangan mo! Bakit ka nanggugulo dito sa syudad! Tumakbong bigla ang higanteng tikbang papalapit kay Nena para umatake. Nena: Wag kang lalapet! Papup...